Piper's POV
"Ayessa, tara lang dito." Tawag sa akin ni Pres.
Linggo ngayon at nandito kami sa bahay nila sa may library. Pina-practise na namin lahat ng kabaklaan side ni Pres.
Ibinaba ko yung libro sa ulo ko at ipinatong sa table.
Tinap nya yung katabi nya sa upuang tuwid. Yung upuan ng mga tambay na walang sandalan. Yung parang lever lang.
Sa dami na ng example ko kung ano yung upuang iyon at pag hindi nyo pa na-gets, kakaratehin ko kayo.
Umupo ako sa inuupuan nya. As in magkatabi lang kami. Hindi ko alam kung ano yung gagawin namin eh. Eto na ba yung time na sisigaw ako ng: Kuya wag po! Eto na ba yun?
*dug dug dug dug dug*
Mas kinabahan ako ng tumalikod sya sa akin at pinatalikod nya din ako. Alam mo yung para kaming nakasakay sa motor.
"P-Pres..."
"Ssh."
"A-anong g-gawin..."
"Sssh." Tinapat ni Pres yung point finger nya sa labi ko kahit na nakatalikod sya.
Napatingin ako sa harap ko at nakita ko yung reflection naming dalawa dahil sa human-sized mirror nila.
Nakita ko na isinuot ni Pres yung salamin niyang parang metal lahat. Yung parang silver lahat. Basta. Wag nyo na akong pag-explain-in kasi kinakabahan na nga ako.
Dahan-dahan niyang tinanggal ang pony tail ko. Sinuklay nya din ang buhok ko.
Parlorista ba si Pres?
Tapos hindi ko namalayan na tinitirintas nya na pala yung buhok ko. Nakatingin lang ako sa kanya habang seryoso nya akong tinitirintas. Nakakunot pa yung noo nya.
*dug dug dug dug dug*
Bakit ganon? Diba dapat pagtatawanan ko sya? O kaya bi-bwisitin? Bakit nung tiningnan ko yung muka nya habang bine-braid ako eh biglang tumibok ng mabilis yung puso ko?
Dahil ba ang pogi nya?
WAAAAAH! Ano ba yang naiisip ko? Wala, wala. Si Pres pogi? Sus! Muka nga syang kuyukot ng halimaw eh.
-*-
Napatingin ako sa sarili ko sa salamin. Hindi nga ako makapaniwalang ako yun eh. Syempre, alam nyo na, ang ganda ko lalo.
"Thank you." Sabi ko.
Pero wala lang sinabi si Pres at umalis na ng library.
BINABASA MO ANG
The Rule Breaker (Completed)
Umorismo"I don't break the rules. I just BEND them." © 2016 by NilMerry (WhereAreMyShoes) ✨stay rad.✨