Althea's POV
"Thea, is that Marvin, your suitor?" Sabi ni Megan at tinuro niya kung nasaan niya nakita si Marvin.
Lumingon ako kung nasaan nakaturo si Megan at nakita ko si Marvin na may kasamang babae. Hindi lang iyon sobrang kapit pa noong babae sa braso ni Marvin. I don't like Marvin but I gave him a chance to court me pero bakit biglang may kirot akong naramdaman sa dibdib ko? Isa siya sa kaibigan ni kuya Travis at kilala rin siyang playboy kaya marami na rin siyang nakadate.
"Thea, where are you going?" Tanong ni Megan pero hindi ko na siya pinakinggan dahil nilapitan ko kung nasaan si Marvin at yung higad na kasama niya.
Sinampal ko siya pagkalapit ko sa kanila. "I gave you a chance to court me pero ganito lang ang gagawin mo sa akin!"
Bumalik ako kung saan ko iniwanan si Megan. Kaming dalawa na lang ang madalas na magkasama simulang kinasal ang isa naming kaibigan pero minsan sumasama rin sa amin si Stacey.
"Gusto kong pumunta ng bar ngayon."
"What?"
"Narinig mo ang sinabi ko, Meg kaya huwag mo na paulit ang sinabi ko."
"Yes, I heard what you said pero ang tirik pa ng araw at pagagalitan tayo ni tito Trey kapag lasing ka umuwi sa inyo."
"Don't worry, ako ang bahala kay daddy." Lagot nga ako nito kay daddy kapag nalaman niyang lasing akong uuwi sa bahay mamaya. Wala pa naman akong maisip na idadahilan sa kanila.
Hindi ko na nga alam kung nakailan na ba ako kahit pinipigilan na ako ni Megan pero tuloy pa rin ako sa pagiinom. Hindi ko nga rin alam kung bakit ba ako nasasaktan. Eh, hindi ko nga mahal ang kupal na iyon.
"Thea, kailangan ko ng umuwi dahil nagtext na si papa sa akin."
"Iiwanan mo na ako. Kaya ko naman ang sarili ko." Sabi ko na medyo naparami na ang ininom ko.
"Pero lasing ka na."
"Hindi pa ako lasing. Kuya, isa pa nga!" Umorder pa ulit ako ng maiinom. "Umuwi ka na sa inyo baka pagalitan ka pa ni tito kung hindi ka pa umuwi niyan."
Nakaramdam na ako ng pagkahilo kaya naisipan ko ng bayaran ang lahat na nainom ko kaso hindi ko makita ang bag ko.
Ang bobo mo, Thea!
Naiwan ko yata ang bag ko sa kotse ni Megan kanina.
Sarap sapukin ang sarili ko at tumingin ako sa bartender na abala sa iba pang customers. First time ko pa lang itong gagawin.
Tumakbo ako habang hindi siya nakatingin sa direksyon ko kaso sa masamang palad may nabangga akong tao.
"Ah, sorry." Sabi ko at nagmamadali akong lumabas ng bar.
"Hoy! Yung bayad mo!" Rinig kong sigaw ng bartender. Hindi na ako babalik sa bar na ito para hindi ako mamukhaan ng bartender.
Mabuti na nga lang may konting pera nakatago sa dress ko kaya pwede ako magtaxi nito. No choice ako kahit ayaw ko ang magtaxi pero wala naman akong sariling kotse at sa sitwasyon ko ngayon bawal ako magmaneho.
Paguwi ko sa bahay ay inayos ko na muna ang sarili ko parang walang nangyari kanina. I need to act normal.
Kumunot ang noo ni Theo pagkakita niya sa akin. "Thea, what happened to you?"
"What? Wala naman ah."
"Kambal mo ko kaya alam ko kung may nangyari ba sayo o wala. Sabihin mo na sa akin."
"I'm totally fine." Hindi ako makatingin ng tuwid kay Theo.
"Huwag ka na magsinungaling sa akin. Amoy alak ka, Thea. Lasing ka ba?"
Hindi na ako sumagot pang muli kay Theo dahil doon na pumatak ang luha ko.
"Shit. Thea, sabi na hindi ka okay. Dahil ba sa kanya?" Tumingin na ako kay Theo at kitang kita mukha niya ang galit. "Ano ang ginawa niya sayo?!"
"Nothing..."
"At talagang kinakampihan mo pa siya!"
"Hindi ko siya kinakampihan. Wala naman talaga siyang ginawa sa akin pero nakita namin siya ni Meg kanina na may kasa- Hoy, Theo! Saan ka pupunta?"
"Susugurin ko ang lalaking iyon! Kung pumayag si kuya Travis na ligawan ka ng kupal na iyon pwes ako hindi!"
Pinigilan ko si Theo. Kahit hindi ko ganoon close si Theo pero kakambal ko pa rin siya. "Stop! Okay lang ako at saka hindi lang naman siya ang lalaki sa mundo."
"Maligo ka na para mawala na yang hangover mo at hindi ka pagalitan ni dad na umuwi kang lasing ngayon." Sabi niya. Ang laki na talaga pinagbago ni Theo simulang nakilala niya si Zia.
Pagkatapos kong maligo ay naririnig kong sumisigaw si Theo mula sa ibaba. Sino kaya ang kausap niya?
"This is your fault! Kung hindi ka pumayag ligawan ng magaling mong kaibigan si Thea sana hindi siya umuwing umiiyak kanina?"
"Huwag mo kong sisigawan, Theo at baka nakakalimutan mong mas matanda ako sayo."
Napasinghap ako pagkakita kong sinuntok ni Theo si kuya Travis. "I don't care if you are older than me pero hindi ako papayag ang ginawa ng kaibigan mo kay Thea!"
Nakita kong gumanti rin si kuya Travis kay Theo at hinawakan pa niya sa damit. "Bakit ka ba sa akin nagagalit?! At ano ba ang ginawa ni Marvin?!"
Inawat ko na silang dalawa baka malaman pa ng mga magulang namin na nagaaway sila. "Stop! Tumigil na kayo! Kung hindi kayo tumigil isusumbong ko kayong dalawa."
"Thea, sabihin mo sa akin kung ano ang ginawa ni Marvin sayo." Panimula ni kuya Travis ng kumalma na siya.
"Wala siyang ginawa sa akin pero nakita namin siya ni Meg na may kasamang babae. Huwag niyo na ako isipin okay lang ako, kuya. At least alam kong hindi pa rin siya nagbabago bago ko siyang sagutin."
"May balak kang sagutin siya?" Nakakunot ang noo ni Theo ng tanungin niya ako.
"Um, wala akong balak sagutin siya. Hindi ko nga siya gusto, eh."
"Bakit ka pumayag na ligawan ka niya?"
Tinuro ko si kuya Travis. "Kinausap ako dati ni kuya Travis na bigyan ko daw ng pagkakataon kaya binigyan ko nga."
"Ngayon alam ko ng hindi pa rin nagbabago si Marvin at hindi ito ang tamang panahon para magkaroon ka ng boyfriend, Thea."
"Jeez. Hindi na muna ako maghahanap ng magiging boyfriend ko. Focus na muna ako sa sarili ko."
"Kuya Travis." Tumingin si kuya Travis kay Theo. "Sorry kung sayo ko nailabas ang galit ko sa kaibigan mo."
"Naiintindihan kita, Theo. Gusto mo lamang protektahan si Thea."
BINABASA MO ANG
It Started With A Lie
RomanceChase Sequel # 4: Althea Chase Si Althea ang nagiisang anak na babae nina Trey at Pauline Chase. Maarte sa ibang bagay lalo na sa lalaking kinaiinisan niya dahil sinaktan lang niya ito. Isang gabi nagpaalam siya na pupunta siya sa bahay ng kaibigan...