"Pagkatapos ba nito ay kukulitin mo pa rin ba ako?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi na. Nabayaran ko na rin ang pagtulong mo sa akin dati."
"Good."
"Good?" Tumingin siya sa akin. Alam kong naguguluhan siya sa sinabi ko. "What do you mean by good? Ayaw mo ba akong nandito?"
"Hindi naman sa ganoon pero hindi mo 'ko ganoon kakilala para pagkatiwalaan mo. At saka kapag kasama mo ko palagi maaaring manganib lang ang buhay ko."
"So, you're telling me you are a dangerous person."
Nilapit ko ang mukha ko sa kanya saka ngumiti. "You can say that."
Hindi pa naman akong ganoon lasing para sabihin ko sa kanya kung sino ba talaga ako. Iniiwasan ko rin ang uminom ng marami baka may mangyari na dapat hindi dapat mangyari sa akin at ayaw ko talagang may makaalam na isa pala akong assassin lalo na si Dale dahil ayaw kong pumasok rin siya sa maling desisyon.
"That's it! I'm going to leave." Naglagay na siya ng pera sa counter at tumayo na.
"Iiwanan mo na ako dito?"
"I'm sure you are not that drank para hatid pa kita sa inyo."
Tiningnan ko ang perang iniwan niya at doon na rin ako natawa ng mahina. "Damn that woman. Kulang ang iniwan niyang pera."
Mabuti na nga lang may dala akong pera kaya nangiwan na rin ako ng pera sa counter bago umalis.
Paglabas ko sa bar ay ginala ko ang paningin baka mahanap ko pa si Thea at nakita ko siyang nakatayo na parang may hinihintay.
"Thea." Pagtawag ko sa kanya. "Iniiwasan mo ba ako dahil nalaman mong isa pala akong delikadong tao?"
"Wala na rin naman akong utang sayo para tumagal pa akong kasama ka at naalala ko na may kailangan pa pala akong gagawin sa bahay."
"Anong wala ka ng utang sa akin? Miss, marami ka pang utang sa akin. Unang una yung tumakas ka sa bar na hindi nagbabayad, ako kaya ang nagbayad ng mga inumin mo. Hindi ko nga alam kung magkano yung inom mo dati. Tapos ngayon, akala ko ba ililibre mo ko pero kulang yung binayad mo."
"What? Kulang yung pera na iniwanan ko kanina?" Kinuha niya ang wallet niya sa bag para kumuha ng pera at inabot sa akin ang pera. "Sorry, ang akala ko kasi sakto na yung perang iniwan ko."
Tiningnan ko lamang yung perang inaabot niya sa akin. "I don't need your money."
"Ano ang kailangan mo?"
"Hmm..." Hinawakan ko ang baba ko at tingingnan siya mula ulo hanggang paa. "Hindi naman ako manhid para hindi ko malamayan ang tungkol dito."
"Ano ba iyon?"
"About the guy that you have a crush on. Ako ba ang tinutukoy mo?"
"What?!" Pagsigaw niya kaya yung ibang tao na dumadaan ay mapapalingon sa amin. "Paano mo naman nasabi na ikaw ang tinutukoy ko?"
"Hindi ba tatlong beses pa lamang tayo nagkita?"
Tumango siya sa akin. "Oo."
Ngumisi ako. "Nagkaroon ka ng crush sa isang lalaki na hindi mo pa ganoon kila–"
Hindi na tapos ang sasabihin ko ng may isang lumapit kay Thea. Who the hell he is?
"Siya ang tinutukoy ko, Vixen kaya huwag kang umasa."
"Ohh..." Wala akong ideya na may iba pa bang lalaki. Ang akala ko ako lang ang kinakausap niya. Pero bakit ba niya ako kinukulit sa tuwing nagkikita kami? Tapos pumunta pa talaga siya sa bahay kanina.
"What's going on?" Tanong noong lalaki.
Kumapit na siya doon sa braso ng lalaki. "Wala. Tara na. May pupuntahan pa tayo."
"May pupuntahan tayo? Saan naman?"
"Huwag ka na magtanong diyan. Sumama ka na lang sa akin, Rhyme."
Ngumiti ako pagkaalis nila. Halatang nagsisinungaling si Thea na yung lalaki ang tinutukoy niya.
Familiar sa akin yung lalaking kasama niya pero hindi ko matandaan kung saan ko ba siya nakita.
Paguwi ko sa bahay ay sinalubong ako ni Dale sa pinto.
"Dad, kailangan ko po kayo sa school next week."
Kunot noo akong lumingon sa kanya. "Ano na naman ba ang ginawa mo at kailangan ako sa school mo?"
"Wala po pero may school event kami next week at kailangan magdala daw ng magulang. Tutal wala si mama dito."
"Hindi ako pwede. Marami pa akong kailangan asikasuhin next week. Bakit hindi na lang si manang Ada ang isama mo?"
"Masyado na akong matanda para sa school event na 'yan, Vixen." Sabi ni manang Ada.
Bumuga ako ng hangin. "Susubukan kong pumunta. Kailan ba next week?"
"Whole week po iyon, dad."
"Okay, pero hindi ako mangangakong makakapunta ako sa school mo. Susubukan ko."
Naligo na ako para makapagpahinga na rin pagkatapos ko maligo at mamayang gabi ay may mission pa akong gagawin.
Nang matapos na 'kong maligo ay nagpahinga na ako pero tinawag na ako ni manang Ada para kumain na ng hapunan.
"Dad, ang sabi ni manang pumunta daw dito kanina yung babaeng tinulungan mo noong isang araw ah."
Umupo na ako sa isang bakanteng upuan. "Oo. Hindi nga ako tinitigilan sa pangungulit kapag hindi pa rin ako pumayag na bayaran niya ang pagtulong ko sa kanya."
"Pumayag na rin kayo?"
"Oo, pumayag na ako para tigilan na niya ako."
"Sa tingin niyo po ba maganda siya?" Tumingin lamang ako kay Dale. "Don't get me wrong, dad. Wala po akong crush sa kanya."
"Yes, she's pretty."
"Bakit hindi niyo po siya ligawan? Sa nakikita ko kasi may gusto siya sa inyo. Hindi rin naman ako magagalit dahil wala na rin namang wala si mama. At wala rin masama kung susubukan mo, 'di ba?"
"Maraming bagay ka pa walang alam, Dale lalo na 'yang sinasabi mo. Hindi ko pa ganoon kakilala yung tao para ligawan ko siya."
"Bakit hindi mo po siya kilalanin? Like her hobbies or anything like that. Kung magkaroon man ako ng bagong mommy gusto ko ang kagaya niya."
"Dale, tumigil ka na! Wala akong interesado pumasok sa isang relasyon."
"Because you still love my mom? Iniwanan na niya rin tayo sa ibang lalaki, 'di ba? Wala naman mawawala sa inyo kung susubukan niyong pumasok ulit kayo sa isang relasyon. Wala na rin kayong hiwalay ni mama."
Hinampas ko ng malakas ang table pagkatayo ko. "Enough! Simula ngayong araw ayaw ko ng marinig ang tungkol sa mama mo o kung sino man! Naiintindihan mo ba ako, Dale?"
"Yes, dad."
BINABASA MO ANG
It Started With A Lie
RomanceChase Sequel # 4: Althea Chase Si Althea ang nagiisang anak na babae nina Trey at Pauline Chase. Maarte sa ibang bagay lalo na sa lalaking kinaiinisan niya dahil sinaktan lang niya ito. Isang gabi nagpaalam siya na pupunta siya sa bahay ng kaibigan...