Althea's POV
"Thea, may tanong ako sayo." Sabi ni Megan. Nandito kami ngayon sa timatambayan naming coffee shop at ang sabi ni Stacey na magkita kita daw kaming tatlo.
"Okay, ano iyon?"
"Kilala mo pa ba si Rhyme?"
"Rhyme? Rhyme Natividad?"
Tumango siya sa akin. "Yes."
"What about him? Don't tell me crush mo si Rhyme. Ayiieee..." Pagtutukso ko sa kaibigan.
"Hindi ko siya crush. The truth is he has a crush on you."
"Huh? Sa akin?"
"Hindi na nakakapagtataka kung maraming lalaki ang may gusto sayo, Thea. Maganda ka at sikat pa sa school natin."
"Kayong dalawa lamang ni Stacey ang may kagagawan kung bakit ako sumikat sa school. Wala akong balak kalabanin si ate Jas sa pagiging Campus Queen."
Bigla ako nanahimik dahil bigla kong naalala ang nangyari sa akin noong pumunta ako sa bahay ni Megan. Wala may alam sa mga kaibigan ko ang nangyari sa akin tapos hindi rin mawala sa isipan ko ang tungkol kay Vixen. Inaamin kong cute siya pero may anak na.
Mukhang hindi na kami magkikita pang muli dahil apat na buwan na rin ang nangyari sa insedenteng iyon sa akin. Kaya simula noon ay naghire si dad ng magiging driver ko para sa kaligtasan ko.
"Thea?" Kumurap ako ng tumingin sa kaibigan. "Okay ka lang ba?"
Ngumiti ako sa kanya. "Oo naman. Ang tagal naman dumating ni Stacey? Siya pa itong nagyaya sa atin na magkita kita ngayon tapos hanggang ngayon wala pa siya."
"Oo nga. Anong oras na ba?" Tumingin siya sa cellphone niya para alamin ang oras. "Halos isang oras na tayo naghihintay dito."
"Axel, where are you?" May narinig akong familiar na boses kaya napatingin ako sa bagong dating. Hindi ako pwede magkamali. "Nandito ako ngayon sa coffee shop."
"Para sa kasi gusto kong kumain ng cake." Tumayo na ako. "Bibili lang ako ng cake."
Pumili na ako ng flavor ng cake na gusto ko pero naririnig ko pa rin siya na may kausap sa cellphone nito.
"Takte naman, Axel. Maling coffee shop ang binigay mo sa akin." Binaba na niya ang tawag. "Ugh, damn."
Tumingin ako sa kanya. "Are you okay?"
Lumingon siya sa akin at namilog ang mga mata nito pagkakita niya sa akin. "You?"
Ngumiti ako. "I'm glad you still remember me kahit apat na buwan na rin ang huling pagkikita natin."
"Yeah. Mabuti okay ka na ngayon."
"Thank you nga pala sa tulong mo sa akin noong isang gabi. Kung hindi sayo bala hindi ako makakauwi sa amin."
"Ginagawa ko lang ang tama."
"Um, bilang kabayaran sa pagtulong mo sa akin dati... Gusto mo bang libre kita ng coffee?"
"Salamat na lang pero kailangan ko na rin ang umalis. Maling coffee shop kasi ang binigay niya sa akin."
"Okay."
"Make sure may pera ka ng dala para hindi mo tatakbuhan ang babaeng nasa cashier ngayon." Bulong niya sa akin habang ang isa niyang kamay ay nasa balikat ko at umalis na rin siya agad sa coffee shop.
Nagtataka ako sa sinabi niya. Ano ang ibig niyang sabihin doon?
At doon ko lang naalala ang ginawa ko dati sa isang bar na tumakbo ako na hindi nagbabayad dahil wala akong dalang pera. Buti nga hindi ako pinaghahanap ng bartender na iyon.
Lumingon ako sa pinto ng coffee shop na ngayon ay wala na siya. "Hindi kaya siya yung nakabangga ko noon sa bar?"
"Miss, oorder ho ba kayo?"
Binaling ko ang tingin sa cashier. "Sorry. Yes, oorder ako ng cake."
"Anong flavor ng cake ang gusto niyo?"
Tumingin ulit ako sa mga cake para pumili ng cake. "Red velvet na lang."
Bumalik na ako sa table namin ni Megan pagkakuha ko sa cake na inorder ko.
"Ang tagal ko naman umorder."
"Sorry." Nilapag ko na yung cake sa table at saka umupo na ulit. "Wala pa rin ba si Stacey?"
"Tumawag siya sa akin kanina na nagkaroon daw ng emergency sa kanila kaya hindi na siya makakapunta."
"Ano ba yan. Naghintay tayo halos isang oras sa wala." Sabi ko at sumubo na ako ng maliit na slice ng cake.
"Anyway, sino yung kaysap mo kanina?"
"Kakilala ko lang."
"Paano mo siya nakilala?"
Kinuwento ko kay Megan ang nangyari sa akin pagkakuha ko ng bag sa kanya.
"Grabe ang nangyari sayo. Sana hinatid na lang kita sa inyo."
"Kung hinatid mo ko noong gabing iyon ay hindi ko makilala si Vixen."
"Aba, mukhang crush mo yata yung tumulong sayo ah. Sayang naman dahil papakilala ko pa man din sayo si Rhyme."
"Bakit mo naman papakilala sa akin si Rhyme? Kilala ko na rin naman siya."
"Ang bagong Rhyme ang papakilala ko sayo. Hindi na siya yung Rhyme nakilala mo noong mga bata pa lang tayo. Actually, pinapunta ko nga siya ngayon dito."
Maya't maya may isang lalaki na pumasok sa coffee shop. Si Rhyme ba iyon? Nah, imposibleng si Rhyme ang pumasok dahil ibang iba ang itsura noong lalaking pumasok pero sa pumupunta siya sa direksyon namin.
Si Rhyme nga! Putek yan ang laki na nga ng pinagbago niya sa huling kita ko sa kanya.
"Rhyme, glad you're here."
"Sorry, I'm late. Ang traffic kasi." Umupo na siya sa bakanteng upuan.
"Thea, papakilala ko sayo ang bagong Rhyme Natividad. Hindi ba ang gwapo niya?" Sabi ni Megan sa akin.
"Uh, yeah..." Hindi ako makapaniwala na si Rhyme nga ito.
"Um, nice to see you again, Althea." Nakangiting sabi ni Rhyme sa akin.
"Ugh, hindi ako makapaniwala na ikaw iyan, Rhyme. Ang dami na nagbago sayo noong umalis ka ng bansa."
"Ilang taon na rin ang huling pagkikita ko. Sa tingin ko nasa 6th grade pa lang tayo noon."
"Naalala niyo pa ba yung may kalokohan na ginawa si Theo tapos si Thea ang nakagalitan?"
"Ugh, paano ko ba hindi makakalimutan 'yan? Sobrang pasaway ni Theo noon at hindi mapagsabihan."
"Kamusta na pala si Theo ngayon? Ganoon pa rin ba siya?"
"Believe or not malaki na rin ang nagbago sa kakambal ko at may girlfriend na rin siya ngayon."
"Good for him. How about you, Althea? May boyfriend ka na ba?"
"Wala pa akong boyfriend. Focus na muna ako sa sarili ko."
"Hmm... I see." Binaling niya ang tingin kay Megan. "Hindi yata kayo kumpleto ngayon. Nasaan si Stacey?"
"Ayun, may emergency daw sa kanila kaya hindi siya makakapunta." Sagot ni Megan kay Rhyme.
"Rhyme, alam mo na bang kinasal na si Stacey?"
Tumingin naman siya sa akin. "Talaga?"
"Oo, tatlong taon na rin silang kasal pero hanggang ngayon wala pa rin silang anak."
"Eh, ikaw, Megan? May boyfriend ka na ba?"
"Hindi ko pa nga nakilala ang future boyfriend ko."
Narinig ko ang pagtawa ni Rhyme. "Huwag ka magmadali makilala ang future boyfriend mo. Malay mo hindi pa pala pinapangak."
"Baliw ka talaga!"
BINABASA MO ANG
It Started With A Lie
RomanceChase Sequel # 4: Althea Chase Si Althea ang nagiisang anak na babae nina Trey at Pauline Chase. Maarte sa ibang bagay lalo na sa lalaking kinaiinisan niya dahil sinaktan lang niya ito. Isang gabi nagpaalam siya na pupunta siya sa bahay ng kaibigan...