"Kamusta ka na, Thea?" Tanong niya habang kausap ko siya sa phone.
"Medyo madakit pa ang ulo ko pero okay lang ako."
"Anyway, nandito sa akin yung bag mo. Naiwan mo sa kotse ko."
"I know." Mabuti nga wala sa bag ko yung cellphone ko. Kung hindi mababaliw na ako dahil wala akong magawa sa bahay.
"Paano ka nakabayad kanina bar kung wala yung pera mo?"
Napakagat ako ng labi. "Um, ginamitan ko ng charm doon sa bartender. He-he."
"Hindi ka nagbayad sa mga inimon mo?"
"Oo, tumakbo ako habang abala siya sa ibang customers pero iyon na ang una at huling gagawin ko yun. Grabe ang kabado ko habang tumatakbo ako baka mahuli niya ako."
"Hay naku, Thea, bukas na bukas ay babalik tayo doon para bayaran mo yung mga nainom mo."
"Huwag mo na isipin iyan, Meg. Babayaran ko rin yun kapag nakuha ko na yung bag ko sayo."
"Bukas magkita tayo para maibalik ko sayo yung bag mo."
"Okay. Bukas na lang tayo magusap. May gagawin pa kasi ako." Binaba ko na ang tawag.
Bumaba na ako at sakto naman ang uwi ng mga magulang ko. Galing kasi sila sa sementeryo na hindi man lang ako niyaya na dadalawin pala nila ang lolo't lola namin at si tito Taylor. Alam rin namin magkakapatid na may isa pang kapatid sina daddy at tito Clark na namatay.
"Hi, mom." Bati ko kay mommy ngunit biglang sumakit ang ulo. Hindi ko kasi alam kung ilan ba ang nainom ko kanina pero kailangan hindi nila malaman galing ako kanina sa bar. Lagot ako kay daddy nito.
Sana nga lang hindi sabihin ni Theo. Pero kapag sinabi niya na naglasing ako kanina ay sasabihin ko rin na inaway niya kanina si kuya Travis.
"Are you okay, Thea?" Tanong ni mommy.
Ngumiti ako sa kanya. "Bakit naman po ako hindi magiging okay?"
Nakita ko na si daddy na pumapasok na sa loob. "What happened here?"
Lumingon si mommy sa kanya. "Nothing."
Kinabahan ako kanina na akala ko malalaman na ni mommy na nakainom ako pero wala ma rin naman amoy alak sa akin dahil nakaligo na ako kanina.
Binaling ulit ang tingin ni mommy sa akin. "Nasaan pala si Theo?"
Nagkibit balikat ako. "Not sure. Baka pinuntahan niya po si Zia sa kanila."
Naiinis ako dahil napagiwanan na talaga ako ng mga kapatid ko pero hindi naman ako nagmamadali magkaroon ng boyfriend. Gaya nga ang sabi ko kay kuya Travis focus muna ako sa sarili ko. Hindi naman ako nagmamadali na magkaroon ng boyfriend.
Pagkatapos namin kumain ng pananghalian ay bumalik na ako sa kwarto ko at umalis na naman ang mga magulang ko pero ngayon hindi ko na alam kung saan sila pumunta.
Abala ako magbrowse sa internet nang may narinig akong tunatawag sa pangalan ko kaya napatingin ako sa labas ng bintana.
Parang may tumatawag sa pangalan ko.
"Thea!" Hindi nga ako nagkakamali ng dinig kanina at may tumatawag nga sa akin.
Lumapit na ako sa may bintana para alamin kung sino yung tumatawag sa akin at kumunot ang noo ko ng malaman kung sino. Tsk, ayaw ko masira ang araw ko sa kanya.
Lumingon ako ng may kumatok sa pinto ng kwarto ko. "Thea, may naghahanap sayo sa baba."
"Um, pakisabi sa kanya na ayaw ko siyang makausap kahit rin makita. At pasabi rin sa kanya na huwag na siyang umasang sasagutin ko siya. Ngayon pa lang basted na siya."
Wala naman talaga akong balak gawin ito kung hindi lang ako kinausap ni kuya Travis. Hindi ko nga alam ang dahilan kung bakit biglang nagbago ang isip ni kuya Travis parang dati kasi ayaw na ayaw niyang lumalapit sa akin ang kaibigan niya tapos ngayon pumayag siyang bigyan ko ng pagkataon.
Pero bakit kanina bigla ako nakaramdam ng kitot sa dibdib ko? Iyon ang hindi ko maintindihan.
Kinagabihan tinext ko si Megan na ngayon ako pupunta sa kanila imbes na bukas dahil marami pala akong gagawin bukas sa trabaho. Nagpaalam na muna ako kay mommy na pupuntahan ko si Megan sa bahay nila baka kasi hanapin ako mamaya at sinabi ko rin babalik ako bago maghapunan.
"Heto na yung bag mo." Inabot na niya sa akin ang bag ko.
Kinuha ko na sa kanya ang bag. "Salamat. Hindi na rin ako tatagal. Kailangan ko na rin ang umuwi bago maghapunan."
"Ingat ka sa paguwi mo."
Mahihirapan ako magabang ng taxi dahil wala masyadong dumadaan na taxi sa lugar nila Megan. Ugh, kailangan ko pa tuloy maglakad ng malayo para doon magabang. Ayaw ko ng ganito!
Tumingin ako sa paligid ko dahil mukhang naliligaw pa yata ako. Sa masamang palad may holdupper na lumapit sa akin at inaagaw niya sa akin ang bag ko. Binigay ko na kaysa ang buhay ko pa ang kunin niya sa akin. Mahal ko pa ang buhay ko.
Buti na nga lang hindi niya nakuha ang cellphone ko kaya makakatawag pa ako sa bahay pero tinawagan ko si Theo baka pauwi na siya.
Sinagot na niya ang tawag ko. "Napatawag ka, Thea. May kailangan ka ba?"
"Pauwi ka na ba?"
"Hindi pa. Papalipas muna ako ng traffic bago umuwi. Bakit?"
"Papasundo sana ako sayo."
"Nasaan ka ba?"
"Nandito ako sa–" Naputol ang paguusap namin ni Theo dahil naubos na pala ng battery ang cellphone ko.
Ang malas ko talaga ngayong araw!
Maiiyak na ako dahil hindi ko na alam kung saan ako pupunta at sobrang pagod na rin ako sa kakalakad. Hindi pa naman ako familiar sa lugar na 'to.
Hinawakan ko na ang tyan ko dahil sa sobrang sakit. Hindi pa nga pala ako kumakain. Hay naku, paano ba ako kakain kung wala man akong pera? Bakit ba kasi ang malas ko ngayon?
May nakita akong bahay kaya pumunta na ko doon kahit hinang hina na ako. Makahingi kahit tubig lang.
Papalapit na sana ako ng may nakita akong humintong kotse sa tapat ng bahay pero hindi ko kita ang tao sa loob ng kotse. Hindi ko na nga magawang humingi ng tulong doon sa tao nasa loob ng kotse dahil wala na talaga akong lakas.
At doon na rin ako nawalan ng malay.
BINABASA MO ANG
It Started With A Lie
RomanceChase Sequel # 4: Althea Chase Si Althea ang nagiisang anak na babae nina Trey at Pauline Chase. Maarte sa ibang bagay lalo na sa lalaking kinaiinisan niya dahil sinaktan lang niya ito. Isang gabi nagpaalam siya na pupunta siya sa bahay ng kaibigan...