17

101 9 0
                                    

Hinintay kong tumawag sa akin si Thea dahil hindi mawala sa isipan ko yung gusto niyang sabihin sa akin bago siya umalis. Alam kong importante ang sasabihin niya sa akin.

Tumunog na ang laptop ko dahil tumatawag na sa akin si Thea kaya excited 'kong sinagot.

"Hey."

"Sorry kung ngayon lang ako tumawag. Ang dami kasi namin kinuwento ng pinsan ko. Kanina ka pa naghihintay sa akin?"

"Ayos lang. Musta naman ang unang gabi mo diyan?"

"Ayos lang. Medyo pagod kasi ang dami namin pinuntahan na magagandang lugar dito. Ang gusto ko sana sa susunod na balik ko dito kasama na kita."

"A-Ako?" Kumurap ako dahil hindi ko inaasahan na gusto niya akong makasama sa Australia.

"Yes. Ayaw mo ba?"

"Siyempre gusto ko. Anyway, Thea, ano pala yung gusto mong sabihin sa akin dati?"

"Gusto kong sabibin sayo?"

"Oo, yung bago ka umalis ng bansa. Hindi na kasi mawala sa isipan ko ang dapat mong sabihin sa akin at mukhang importante."

"Ahhh... Huwag ka sana mabibigla sa sasabihin ko, Vixen."

Kumunot ang noo ko. "Ano ba iyon?"

"Actually, three days ago ko lang nalaman ang tungkol dito. I'm pregnant, Vixen."

Huh? Ano daw? Hindi maproseso sa utak ko ang huling sinabi ni Thea.

Did she say she's pregnant?!

Pregnant...

Buntis si Thea!

"Vixen?" Kumurap ko at tumingin ulit sa screen. "Hindi ka ba masaya?"

"Of couse, I'm happy. Shit! Kung isa lang itong panaginip ayaw ko ng magising pang muli."

Narinig ko ang pagtawa niya. "This is not a dream, Vixen."

"Wait. Alam ba ng mga magulang mong buntis ka?"

Tumango siya. "Alam nila. Actually, si dad ang unang nagkaroon ng duda dahil nakita niya kong nagsusuka kaya kinausap niya si mom na samahan ako sa doctor."

"How about your siblings?"

"Wala pa alam ang dalawa kong kapatid maliban kay kuya Travis kasi nakita niya kami ni mom. Noong nakumpira na ngang buntis ako ay pinagalitan pa ko ni kuya Travis at gusto ka nila makausap pero ang sabi ko pagbalik ko na lang galing Australia."

"I see... Huwag ka magaalala papakasalanan naman kita."

"Alam ko pero natatakot pa rin ako."

Kumunot ang noo ko. "Natatakot ka saan? Kay Alicia?"

Tumango siya sa akin. "Natatakot kasi ako baka isang araw ay bumalik siya."

Hindi pa ko mahal niyan ni Thea pero ganyan na ang iniisip niya. Paano kung sinabi niyang mahal na niya ko? Siyempre siya pa rin ang pipiliin ko.

"Huwag ka magiisip ng ganyang bagay. Makakasama 'yan sa inyo ni baby at kayo ang pipiliin ko."

"Thank you, Vixen."

"Hmm? For what?"

"For loving me. Pinapakita mo sa akin na mahal mo talaga ako."

"Don't mention it. Ikaw nga hindi mo pa ko mahal pero ganyan ka na magisip. Baka bumalik si Alicia at manggulo sa atin. Sa tagal ko na siyang kilala hindi magagawa ni Alicia iyon pero kung gawin nga niya ako mismo ang lalayo sa kanya."

It Started With A LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon