Vixen's POV
Nagpasya akong bisitahin si Thea sa coffee shop kaso nakita ko siyang maraming ginagawa kaya nagpasya na rin akong tulungan siya kahit wala akong alam sa ginagawa niya pero tinuturuan niya rin ako sa mga dapat kong gawin.
"Ang bilis mo matuto." Sabi niya.
"Magaling kasi ang nagtuturo sa akin." Sabi ko at pinatikim ko na sa kanya ang ginagawa.
"Ang sarap! Ang galing mo talaga."
"Kahit first time ko pa lang gumawa ng smoothie?"
"Tikman mo kaya para malaman mo kung gaano kasarap ang ginawa mo." Inabot niya sa akin ang smoothie na ginawa ko.
Tinikman ko na rin ang smoothie. "Ang sarap nga."
"May naisip tuloy ako. Bakit hindi natin ito ilagay sa menu natin? Paniguradong marami ang oorder nitong gawa mo."
"Huh? Ikaw ang bahala. Sa 'yo naman itong shop kaya ikaw ang magdedesisyon kung ano ang gusto mong ilagay sa menu."
"Sa 'yo na rin itong shop, Vixen. Since malapit na rin tayo ikasal."
Noong isang araw sinabi na rin namin ni Thea sa pamilya namin na engaged na kami. Masaya nga sila para sa amin.
"Pero sa simula pa lang ng coffee shop ay marami ka ng pinaguran."
"Oo, pero habang wala ako ikaw ang nagpapa–" Napansin ko ang biglang tahimik ni Thea at umupo siya sa malapit na stool.
"Ano ang nangyari sayo?" Nagaalala kong tanong sa kanya.
"Medyo nahilo at baka mamaya ay magiging okay na ang pakiramdam ko. Papahinga na muna ako."
"Gusto mo bang dalhin kita sa doctor?"
Ngumiti siya sa akin. "Okay lang ako."
"Nagaalala ako sayo, Thea."
"Sorry to make you worried." Sabi niya saka hinawakan niya ang kamay ko nakapatong sa counter.
"Ako na muna ang gagawa ng mga trabaho mo ngayon kaya pahinga ka na muna diyan."
"Baka kailangan ka sa restaurant."
"Hindi. Sinabihan ko ang ibang staff natin na sila muna ang bahala dahil pupunta ako dito para sabihin sayo ang tungkol sa pinapagawa nating coffee shop."
"Oo nga pala. Hindi pa pala ako nakakabalik doon. Ano na pala ang balita?"
"Mamaya ko na lang sasabihin sayo pagkatapos ng trabaho."
Pagkatapos ng trabaho ay ihatid ko na si Thea sa kanila kahit wala siya masyadong ginawa dahil sinalo ko ang lahat na trabaho niya.
"Ano na ang balita doon sa pinapagawa nating coffee shop?"
"Um, wala naman saka habang kausap ko yung engineer kanina at ang sabi matatagalan pa bago matapos ang coffee shop."
"Okay lang. Di naman tayo nagmamadali matapos agad ang coffee shop."
Tumingin ako sa kanya ng naipit kami sa traffic. "Kamusta na ang pakiramdam mo ngayon?"
"Medyo okay na ang pakiramdam ko kumpara kanina. Dahil siguro wala ako masyadong pahinga simulang bumalik ako sa trabaho."
"Dapat hindi mo hinahayaan ang sarili mo. Kaya nga nandito ako para tulungan ka."
"Alam ko naman 'yon kaso hindi ko naman pwedeng ipasa sayo lahat na trabaho ko. Ayaw ko rin naman mapagod ka at hayaan mo na rin ang sarili mo."
Pagkarating namin sa bahay nila ay niyaya na rin ako ng mama ni Thea na sumabay na sa hapunan.
"Hindi niyo pa rin ba pinaguusapan ang tungkol sa kasal niyo?"
"Hindi pa ho."
"Masyado pa kami busy ni Vixen sa trabaho, mom."
"Bakit hindi niyo pagusapan ngayon? Habang nandito si Vixen."
"Pau, hayaan mo na kung kailan nila gusto pagusapan ang kasal nila." Sabi ni tito Trey.
Nakaramdam ako ng awkward kanina at mabuti na nga lang hindi na nagtanong pang muli si tita Pau sa amin.
Pagkatapos namin kumain ay hinatak ako ni Thea patungo sa isang kwarto at nakita ko puno ng instrument ang loob ng kwarto na ito.
"Ang dami namang instruments dito."
"Sabi ko sayo na pamilya kami ng musikero."
"Wala maman akong sinabi na hindi ako naniniwala sa sinabi mo sa akin dati." Sabi ko pero hindi ko maalis ang tingin sa violin. Halatang matagal ng hindi ginagamit ang violin na iyon. "Kaninong violin iyon?"
Tumingin siya kung saan ako nakaturo. "Ang pagkaalam ko sa kapatid ni dad 'yang violin."
"Nasaan siya ngayon? Mukha kasing matagal ng hindi ginagalaw ang violin."
"Matagal ng patay si tito Taylor. Hindi pa kami pinapanganak na magkakapatid kaya hindi ko namin siya naabutan. Nakilala ko lang si tito Taylor sa kwento ni dad."
"Sorry to hear that."
"Wala rin naman sa amin ang marunong gumamit ng violin."
"Pwede ko bang hiramin? Huwag ka magaalala iingatan ko naman yung violin."
"Oo naman. Pwedeng pwede mong hiramin at hindi magagalit si dad kung may gumagamit ng violin."
Lumapit na ko kung nasaan ang violin at pinagpagan ko para alisin ang alikabok. Binuksan ko na ang lalagyan saka hindi ko iisipin na sobrang luma na itong violin dahil mukhang bago pa rin at halatang inaalagaan ng tito ni Thea ang violin.
"Teka, Vixen... Ang sabi mo sa akin dati na lahat na bagay sinusubukan mo. Ibig sabihin isa na doon ang pagtugtog ng violin?"
"No. Ngayon pa lang ako humawak ng violin sa buong buhay ko pero susubukan kong magpatugtog kung kaya ko. At saka pagpasensyahan mo na kung masakit sa tenga ang pwede kong gawin."
Huminto ako sa pagtugtog ng violin noong may narinig akong bumalabog sa pinto at nakita ko si tito Trey.
"Dad, what's wrong?" Nagtatakang tanong ni Thea.
Binaling ko kung saan nakatingin si tito Trey. Doon pala sa violin na hawak ko. "Tito, pasensya na ho kung pinakialam ko yung violin."
"No, it's okay. Sa tagal na panahon ngayon ko lang ulit narinig ang violin dahil wala na nagpatugtog niyan dito at hindi ko alam na marunong ka pala magpatugtog ng violin."
Binalik ko na muna sa lalagyan ang violin. "Sa buong buhay ko ho ngayon pa lang ako humawak ng violin. Hindi nga rin ako makapaniwalang marunong pala ako magpatugtog."
"Ibig sabihin may talent ka sa pagpatugtog ng violin. And dad, believe it or not, Vixen was very good at playing violin earlier. As if not a beginner." Sabi ni Thea.
"Beginner's luck." Sabi ko naman.
Nagpaalam na ko sa kanila na uuwi na pero hindi mawala sa isip ko ang nangyari kanina.
BINABASA MO ANG
It Started With A Lie
RomanceChase Sequel # 4: Althea Chase Si Althea ang nagiisang anak na babae nina Trey at Pauline Chase. Maarte sa ibang bagay lalo na sa lalaking kinaiinisan niya dahil sinaktan lang niya ito. Isang gabi nagpaalam siya na pupunta siya sa bahay ng kaibigan...