Binabati ko ang mga bisita na dumadating dahil ngayong araw ang kasal namin ni Thea. Damn, hindi na ko makapag hintay na makita ko muli si Thea.
Lumingon ako ng may kumalabit sa akin at ngumiti ako sa kanya. "Yes, Evan?"
Wala nga pa lang ideya si Thea na uwi si Evan para dumalo sa kasal namin. Gusto kasi niyang surpresahin ang kapatid niya. Ang sabi kasi sa akin ni Thea close siya sa mga kuya niya, lalo na kay Evan. Kaya siguro ganito ang ginawa ni Evan para makadalo sa kasal ng kapatid kahit nasa malayong lugar dapat ngayon siya pero mahalagang araw ito para sa kapatid niya.
Ipinag krus niya ang mga braso niya. "Ibang iba ang pagkakilala ko sayo dati noong nasa CAS pa tayo nagtatrabaho. Iniisip ko baka hindi ikaw yung nakilala ko dati."
Tumawa ako. "Ako iyon at saka wala akong kakambal para magpanggap na ako. May mga panahon talaga na sobrang kulit ko pero may panahon na seryoso ako."
Tumawa na rin siya. "Parang dati gustong gusto mo malaman kung ano nangyayari sa buhay ko."
"Iyon ba? Kalimutan mo na lang na ganoon ako dati."
Hindi ko nga rin alam kung bakit ako nagkaroon ng interesado sa buhay ni Evan dati. Simulang pumasok si Evan sa CAS ay naging magkaibigan kami kaagad pero noong umalis na siya ay nawalan na ko ng communication sa kanya at umalis na rin ako sa company nila.
"Alagaan mo ng mabuti si Thea ah. Alam mo namang siya lang ang nagiisang kapatid naming babae."
"Oo naman. Makakaasa kayo sa akin, Evan."
"Puntahan ko na muna si Cole. Alam mo naman matagal tagal ang huling kita ko sa pinsan namin." Sabi niya at pinuntahan na niya ang pinsan nila.
Nagulat nga si Thea pagkakita niya kay Evan noong pumunta na sa harap ang pamilya niya. Ang akala kasi niya hindi makakadalo si Evan dahil wala nga ito sa Pilipinas kaya ang pamilya na lang nito ang dadalo.
"Oh my God!" Niyakap niya si Evan. "Ang akala ko hindi ka makakauwi para makadalo sa kasal ko."
"Hindi naman ako papayag na hindi makadalo sa araw ng kasal mo, Thea. Kahit nahirapan akong pakiusapan ang boss ko para payagan na magbakasyon muna ako at makadalo sa kasal mo."
"Thank you talaga, kuya Evan." Rinig ko ang hikbi ni Thea.
"Oh, tahan na. Nsira na ang make-up mo."
"Ano ang ginawa mo, Evan? Bakit umiiyak si Thea?" Rinig kong tanong ni Travis.
"Wala akong ginawa. Masyado yata akong namiss ng kapatid natin."
Pumunta na kaming lahat sa reception pero ito na naman ang pakiramdam ko na parang may nagmamasid sa amin o sa akin.
"May problema ba? Ang tahimik mo kasi."
Tumingin ako sa kanya sabay ngiti. "I'm fine. May iniisip lang ako kanina."
"Kasal natin ngayon pero kung saan-saan nakakarating 'yang utak mo."
Tumawa ako ng mahina. "Iniisip ko lamang kung saan ba magandang pumunta kung nasa honeymoon na tayo. O kung ano ang unang gawin natin."
"Mamaya mo ng isipin kung ano ang dapat natin gawin o saan ang magandang lugar kapag nasa Australia na tayo."
Hindi ko na nga naintindihan ang sinasabi ng emcee sa harap maliban sa sinabi niyang pwede ng kumain. Kaya tumayo na kami ni Thea para kumuha ng makakain natin.
"Tikman mo ito. Ang sarap."
"Ahh..." Binuka ko na ang bibig ko at sinubo na niya sa akin ang pagkain.
"Ano masasabi mo? Masarap, 'di ba?" Pinalo niya ako sa braso. "Vixen, ano na nangyari sayo? Hindi ka na sumagot diyan."
Ngumiti ako sa kanya. "Masarap nga siya."
Pinalo niya ulit ako sa braso. "Niloloko mo na ko ah."
Mga ilang oras ang biyahe namin papuntang Australia pagkatapos ng reception kaya pagkarating namin ay dumeretso na kami sa hotel para magpahinga na muna.
Humiga na ko sa kama pero napansin kong nakatayo lamang si Thea kaya tinapik ko ang space sa kama. "Come here, my love. Huwag ka na mahiya na parang hindi pa tayo natutulog na magkatabi."
"Hindi ako nahihiya." Humiga na rin siya sa tabi ko.
"Kung hindi ka nahihiya. Bakit ka nakatayo lang kanina?"
"Iniisip ko lang kasi parang nakita ko kanina sa reception si Alicia o baka nagmamalik-mata lang ako."
Bumangon ako. "Sorry kung hindi ko sinabi sayo ang tungkol diyan. Nagmamakaawa siya sa akin na gusto niyang makita si Dale kaya inimbihan ko siya sa kasal natin pero sinabihan ko sa kanya na huwag siya magpakita kay Dale."
"Bakit hindi mo sinabi sa akin?!"
"Dahil alam kong hindi ka papayag kaya hindi ko na lang sinabi sayo. But I saw you earlier with that Marvin-guy. Bakit siya nandoon?"
"Alam mo namang ayaw ko siyang makita kaya wala akong kinalaman kung bakit siya nasa reception kanina. Wala rin akong balak kausapin siya pero naisip ko para matapos na ang lahat kaya pumayag na ko. Sinabi niya rin sa akin kung bakit siya may kasamang babae noong nahuli ko siya."
Kumunot ang noo ko. "Ano ang sinabi niya sayo?"
"Ang akala kasi niya na may mahal na niya ako pero mas lalong tumatagal daw ay nawawala na ang nararamdaman niya para sa akin kaso natatakot siyang sabihin sa akin baka masaktan ako. Kaya sinabi ko sa kanya ang totoo na pumayag akong ligawan niya ko dahil sa kagustuhan ni kuya Travis at wala talaga akong nararamdaman para sa kanya kahit noon pa lang." Bumangon na rin siya at hinawakan ang magkabilaang pisngi ko. "Huwag ka na magselos diyan. Ikaw ang lalaking mahal ko."
Hindi na ko sumagot dahil sinunggaban ko na siya ng halik sa labi. Pinahiga ko na ulit si Thea sa kama at pa unti-unti ko ng tinatanggal ang kasuotan niya.
Walang maririnig sa apat na sulok ng hotel suite namin, kung 'di ang ungol namin pareho hanggang sa sabay na kaming nilabasan.
Bumagsak na ko sa tabi niya. "Damn. Hindi na ko makakapag hintay na magkaroon ng anak sayo."
Bumangon siya at pumunta sa ibaba ko. Napasinghap ako noong sinubo niya ang pagkalalaki ko. Damn, ang sarap sa pakiramdam. Maya-maya pa'y nilabasan ulit ako.
"Mmm... Hindi mo naman sinabi sa akin na lalabasan ka na pala."
"Sorry. Sobrang nasarapan ako sa ginawa mo kanina."
Pagkatapos ng make love namin ay nagpahinga saglit at nagpasya na kaming mamasyal sa Australia.
"Doon tayo tapos kuhanan mo ko ng picture." Sabi niya sabay hatak sa akin.
"Ikaw lang? Dapat magkasama tayo sa picture."
Binigay na niya sa akin ang camera kaya kumuha na kami magkasama. Sa totoo lang ito ang unang beses na may picture kami ni Thea na magkasama. Sa tagal naging girlfriend ko siya hindi ko naisip na kumuha ng picture na magkasama kami.
Ang dami namimg pinuntahan at ang lahat na iyon ay may picture kami.
BINABASA MO ANG
It Started With A Lie
RomanceChase Sequel # 4: Althea Chase Si Althea ang nagiisang anak na babae nina Trey at Pauline Chase. Maarte sa ibang bagay lalo na sa lalaking kinaiinisan niya dahil sinaktan lang niya ito. Isang gabi nagpaalam siya na pupunta siya sa bahay ng kaibigan...