Althea's POV
Pumunta ako sa school ni Dale dahil tinawagan niya ako noong isang gabi kung pwede na samahan ko daw siya sa school event nila kasi malabo makakapunta ang daddy niya. Wala rin ako masyadong ginagawa sa trabaho kaya pumayag na ako samahan siya.
Kumaway na ako kay Dale pagkakita sa kanya. "Dale."
Lumapit na siya sa akin. "Salamat po nakapunta kayo."
"Don't mention it. Nangako rin ako sayo na sasamahan kita ngayon."
"Si dad sana ang kasama ko ngayon pero masyado siyang busy sa trabaho niya at minsan nagagalit siya sa akin kahit wala akong ginagawang mali para magalit siya."
"Ganoon ba talaga ang dad mo?"
"Hindi po. Mabait na tao si dad pero minsan hindi. Para kasing sinisi niya ako kung bakit siya pinagpalit ni mama sa ibang lalaki. Pero huwag niyo pong sabihin kay dad kung ano ang sinabi ko baka kasi magalit siya sa akin."
"Okay, hindi ko sasabihin sa kanya."
Kawawang bata dahil ganito pa ang naranasan niya. Kung magkaroon man ako ng anak ay hindi ko paparanas sa kanya ang ganitong buhay.
Nagsimula na yung event kaya sumali na kami ni Dale sa mga event pero wala ako masyadong alam sa ibang sports gaya ng basketball. Hindi nga ako masyadong umaattend ng P.E. subject ko noong nagaaral pa ko kasi ayaw kong mapagod.
"Ang galing mo pala sa basketball." Proud kong sabi. Para tuloy ako ang mama niya na proud na proud sa anak.
"Thank you po."
"Dale." Pareho kami lumingon ni Dale ng may narinig kaming familiar na boses at nagulat pa siya pagkakita niya sa akin. "Thea? Why are you here?"
"Dad, masaya po kong nakarating kayo. Wait, bibili lang po ko ng maiinom." Umalis na si Dale para bumili ng maiinom.
"Why are you here, Thea?"
"Huwag ka magaalala hindi ikaw ang dahilan kung bakit ako nandito. Nandito ako para kay Dale dahil tinawagan niya ako noong isang gabi kung pwede ko daw ba siyang samahan sa school event nila."
"Naistorbo ka pa tuloy ni Dale."
"Ayos lang. Wala rin ako masyadong ginagawa sa trabaho kaya pumayag ako sa kahilingan ng anak mo." Umupo na ako sa bench habang hinihintay sa pagbalik ni Dale. "Alam kong nangako ako sa anak mo na hindi ko ito sasabihin sayo."
Umupo na rin siya sa tabi ko. "What is it?"
"Pero gusto ko lang talaga malaman ang totoo kung bakit ganoon ang trato mo sa kanya. I mean pinaparanas mo sa kanya na hindi mo siya talagang anak."
"You really want to know? Alright, then. Dale is not my son."
Namilog ang mga mata kong tumingin sa kanya. "Ang ibig sabihin ampon mo lang si Dale?"
Tumango siya sa akin. "Yes. Anak siya ng ex wife ko sa ibang lalaki."
"Kahit na hindi mo siya tunay na anak ay kailangan mo pa rin iparanas sa kanya na mahal mo siya. Ikaw na pa rin ang kinilala niyang ama, Vixen."
Kagulat na rebelasyon na ito. Hindi ko inaasahan na hindi pala anak ni Vixen si Dale.
"Pero alam ba niyang hindi mo siya anak?"
Umiling siya. "Wala siyang alam na hindi ako ang tunay niyang ama pero ang alam lang niya na iniwanan kami ng mama niya."
"Kaya palagi mo sa kanya sinisi kung bakit ka iniwanan ng ex wife mo dahil siya ang bunga ng pangloloko niya sayo? Hindi tama ang ginawa mo, Vixen." Nang gigil ako sa taong 'to. Hindi man lang nagiisip. "Alam kong wala akong karapatang pagalitan ka pero sana maisip mo na ikaw na lang ang natitirang pamilya ni Dale."
Wala akong nakuhang sagot mula sa kanya kaya tumayo na ako.
"Aalis na ako. Tutal nandito ka na rin naman at ikaw dapat ang kasama ni Dale hindi ako."
Tumayo na rin siya. "Bakit hindi na lang pareho tayo ang sumama sa kanya?"
"No way! Naiinis ako sayo kaya ayaw kong makita ang pagmumukha mo!" Sabi ko. Pigilan niyo ko baka ano pa ang gawin ko sa kanya.
"Naiinis ka sa akin? Sorry kung naiinis ka sa kagaya ko. Kaya ako naman ang mangungulit sayo na samahan mo kami at papakita ko sayo na babawi ako kay Dale ngayon."
"Hindi mo kailangan ipakita sa akin. I am nobody."
"For me, you are not. Masaya ako sa tuwing kasama ka, Thea." Namilog ang mga mata ko at ang bilis ng tibok ng puso ko. Pakiramdam ko nga rin umakyat ang dugo ko sa ulo. Namumula na yata ako.
"Ganoon rin ang nararamdaman ko kahit minsan ay naiinis ako sayo."
"Kaya gusto kitang makilala ng lubusan, Thea."
Hindi niya pwedeng malaman ang pagkatao ko kahit ayaw kong maglihim sa kanya kung sino ba talaga ako. Ni minsan kasi hindi ko pa nababanggit sa kanya kung sino ba talaga ako.
Umiling ako. "Hindi pwede."
"Why not?"
"Kapag nalaman mo ang pagkatao baka magbago ang isip mo. Okay na ang ganito na wala kang masyadong alam tungkol sa akin."
"I don't care who you are. Mahirap ka man o mayaman pero hindi ka naman mukhang mahirap dahil sa pananamit mo."
"Wala naman akong sinabing mahirap ang pamilya ko pero kahit ang pagiging mayaman. Alright, normal na pamilya lang kami."
"Normal na pamilya? Okay..."
Sana patawarin mo ko, Vixen kapag naglakas loob akong sabihin sayo kung sino ba talaga ako. Na anak ako ni Trey Chase at hindi normal na pamilya ang meron kami.
Ngumiti ako. "Tara na nga. Ang tagal bumalik ni Dale."
"Hanapin na natin siya." Nilahad niya ang palad niya kaya tinanggap ko na rin at lumabas na kami pareho sa gym. "Sino nga pala yung kasama mo noong isang araw?"
"Kasama ko noong isang araw? Sino? Ang dami ko kaya naging kasama dati."
"Yung lalaking kasama mo."
"Ahhh... Si Rhyme."
"Siya ba yung binabanggit mong mangliligaw?"
"Hindi siya iyon. Ibang tao ang tinutukoy ko dati na mangliligaw ko at wala na akong pakialam doon."
"Pero mangliligaw mo?"
Tumango ako. "I gave him a chance to court me. Matagal ko na rin naman siyang kilala."
"Hmm... I see. I know this is out of nowhere but what if I'm going to court you too?"
Hala, ano ba itong gulong pinasok ko? Dalawang lalaki pa ang may gustong mangligaw sa akin. Inaamin kong may crush ako kay Vixen at ang mga hipag ko lang ang may alam tungkol dito.
"S-Seryoso ka ba? Ang akala ko ba mahal mo pa rin ang ex wife mo at saka hindi mo pa ako ganoon kakilala."
"I want to let go of my past and start a new life. Pinagisipan ko ang sinabi ni Dale na walang mawawala sa akin kung susubok ako." Binaling niya ang tingin sa akin. "At doon sa huli mong sinabi na hindi pa kita ganoon kakilala kaya nga gusto kitang ligawan para mas lalo pa kitang makilala."
Hindi ko na ang alam ang sasabihin ko. Gusto ko lang naman na may magmamahal sa akin pero sobra-sobra pa ang binigay. Dalawa pa sila.
BINABASA MO ANG
It Started With A Lie
RomanceChase Sequel # 4: Althea Chase Si Althea ang nagiisang anak na babae nina Trey at Pauline Chase. Maarte sa ibang bagay lalo na sa lalaking kinaiinisan niya dahil sinaktan lang niya ito. Isang gabi nagpaalam siya na pupunta siya sa bahay ng kaibigan...