40

130 8 1
                                    

Napalunok ako dahil naalala ko may alaga pala silang aso. Hindi naman sa takot ako sa aso pero baka makatakas at habulin o kagatin kami. "Sigurado ka bang personal mong ibibigay kay Rhyme yung invitation?"

"Oo. Bakit?"

Napatalon ako sa gulat ng marinig ko ang tahol ng alaga nilang aso. Shit.

"Takot ka ba sa aso?"

"H-Hindi ako takot sa aso." Nauutal na sabi ko.

Tumatawa siya. "Huwag ka magaalala mabait naman si Pooch."

Pumasok na kami sa loob noong pinagbuksan na kami ng maid kaso nakikita ko ang pagtakbo ng alagang aso ni Rhyme papunta sa direksyon namin kaya nagtago ako sa likod ni Thea.

"Pooch!" Lumuhod si Thea sa harapan noong aso at hinihimas niya. "Sabi ko sayo mabait si Pooch."

"Hindi ko alam mahilig ka pala sa aso."

"Oo pero ayaw ng mga magulang ko na may alaga kaming aso o pusa sa bahay."

"Kuya! Althea!" Napatingin ako sa bagong dating. "Bakit kayo napabisita ngayon?"

Tumayo na si Thea. "Kamusta ka na, Rhyme?"

"Medyo nagaadjust pa ko dahil ako na lang ang nakatira ngayon dito pero kakayanin ko naman ito."

"Sorry kung alam mo lang ang nangyari kay tita noon."

"Ayos lang, Althea. Anyway, may kailangan ba kayo kung bakit kayo napabisita ngayon?"

"Yes. Gusto ko ibigay ito sayo." Inabot na ni Thea ang invitation kay Rhyme.

"Congrats sa inyo." Sabi niya pagkakuha sa invitation. "Asahan niyo na makakarating ako sa kasal niyo."

"Dapat lang. Magtatampo ako sayo kung hindi ka makapunta sa kasal namin."

"Hindi na kami tatagal pa kasi baka umiyak sa takot ang kasama ko."

"Hindi ako takot sa aso." Bumalik na naman sa pagiging makulit ni Thea. Sinabi ko na sa kanya hindi ako takot sa aso.

"Kung hindi ka takot sa aso. Bakit ka nagtago sa likod ko kanina?"

Narinig ko ang pagtawa ni Rhyme. "Kuya, huwag ka magaalala. Mabait si Pooch. Pala tahol lang siya pero hindi nangangagat."

"Ah, basta! Hindi lang ako mahilig sa aso." Pinag krus ko ang mga braso ko at binaling ang tingin kay Thea. "Hindi pa ba tayo pupunta kila Megan at Stacey? Gagabihin tayo sa daan niyan."

"Ayaw pa kasing aminin." Pabulong niya na sakto para marinig ko. "Rhyme, alis na kami."

"Sige, ingat kayo."

Binigay na namin kay Megan ang invitation pagkarating namin sa kanila pero hindi namin naibigay kay Stacey kasi wala na naman daw sila magasawa sa Pilipinas ngayon. Tatawagan na lang daw ni Thea paguwi si Stacey para sabihan tungkol sa kasal namin.

Ang sunod na pinuntahan namin ang bahay ng mga kapatid niya pero dahil wala rin sa Pilipinas si Evan kaya doon na lang namin binigay ang invitation sa asawa niya.

"Next kay Theo. Pero sa tingin ko walang tao ngayon sa kanila dahil mamayang gabi pa uuwi ang kakambal ko."

"How about his wife?"

"Si Zia? Hindi ko alam kung anong oras siya umuuwi. Wait, tatawagan ko na muna si Theo kung may tao ba sa kanila ngayon. Sana nga lang hindi siya busy." Kinuha na niya ang phone niya para tawagan si Theo.

"Okay." Sabi ko sa kanya

"Theo!"

"Ay, sungit mo ngayon."

"Whatever! Kaya ako napatawag sayo para tanungin kung may tao ba sa inyo."

"Good! Kay Zia ko na lang ibibigay yung wedding invitation namin. Iyon lang ang gusto kong malaman. Bye!" Binaba na niya ang tawag at tumingin sa akin. "Nasa bahay pala si Zia kasama ang mga anak nila ngayon."

"Okay. Punta na tayo doon." Pinatakbo ko na ang makina ng kotse ko.

"Nawala sa isip ko bakasyon na pala. Wala kasing bata sa bahay para maalala ko pa iyon."

"Maalala mo ulit iyan kapag nagkaroon na tayo ng anak."

"Inaamin kong handa na ulit ako pero nandito pa rin ang takot."

Hinawakan ko ang kamay niya at hinalikan ang likod nito. "Huwag ka matakot. Kahit anong mangyari nandito ako sa tabi mo."

Nang makarating na kami sa bahay nila Theo ay may isang babae ang naghihintay sa pagdating namin.

"Althea, good to see you again."

"Me too. Ay, Zia, ipapakilala ko pala sayo si Vixen." Sabi niya at tumingin siya sa akin. "Vixen, siya si Zia."

"I remember him. Siya yung kasama mo noong kasal mamin."

"Yup, pero hindi ko siya masyado napakilala sa inyo. Si dad kasi, eh."

"Tumawag pala sa akin si Theo kanina at sinabi niya sa akin kung bakit kayo pupunta dito. Ikakasal ka na pala."

"Oo, malapit na ko ikasal sa taong mahal ko." Inabot na niya ang invitation. "Heto yung wedding invitation namin."

"Galing na ba kayo kila ate Mavis at ate Jas?"

"Oo. Mukhang malabo makakarating si kuya Evan sa kasal namin dahil wala siya ngayon sa Pilipinas pero ang sabi ni ate Jas tatawagan na rin niya."

Nagpaalam na kami dahil may pupuntahan na kasi kami ni Thea pero kung hindi kaya ngayong araw baka bukas na lang namin itutuloy.

"Hindi pala makakapunta si Dust ngayon kasi buntis ang asawa niya. Baka sina tito Jim, tita Ivy at Cole ang pupunta." Sabi niya pagkasakay namin sa kotse.

"I see... May iba pa gusto mong imbitahin?"

"Wala na." Sagot niya

"Bukas na lang natin ituloy. Gabi na rin at baka mahirapan na tayo umuwi dahil traffic na."

"Okay. Pagod na rin ako."

"Hatid na kita sa inyo." Sabi ko.

Bumaba na rin ako ng kotse pagkarating ko sa bahay nila.

"Dito ka na rin kumain ng hapunan. Kilala mo naman si mommy, hindi siya papayag na umalis ka na hindi pa kumakain."

Tumawa ako ng mahina. "Okay. Mauna ka na pumasok at itetext ko muna si Dale para hindi na nila ako hintayin ang paguwi ko."

Nauna na ngang pumasok si Thea kaya nilabas ko na ang phone ko para itext si Dale.

To Dale;

Huwag niyo na hintayin ang paguwi ko mamaya. Kumain na kayo ni manang.

From Dale;

Okay po. Ingat sa paguwi niyo.

Binalik ko na ang phone ko pero may napapansin akong presensya na parang may nagmamasid kaya nilibot ko ang paningin ko sa paligid kaso wala akong makita na kung ano man iyon.

"Ang tagal mo namang pumasok." Rinig ko ang boses ni Thea.

Binaling ko ang tingin sa kanya. "Sorry. Papasok na ko."

It Started With A LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon