29

108 5 0
                                    

"You asked me earlier if I had another surprise for you, right?" Tumango ako sa sinabi niya at inangat ko ang ulo ko para alisin niya ang braso niya. "Yes, I still have a surprise for you."

Imbes na sagutin ko siya ay bumangon na siya para kunin ang boxer short niyang nakakalat sa sahig at sinuot iyon.

"Wait me here." Sabi niya at lumabas nang kwarto.

Bumangon na rin ako para kunin ang kumot para kumutan ko ang sarili habang naghihintay sa pagbalik ni Vixen.

Napangiti ako sa tuwing naalala ko ang nangyari kanina. Kahit konti pa lang ang naalala ko ay para sa akin best birthday ang nangyari ngayon. Kasama ang lalaking mahal ko.

Bumukas na ang pinto at niluwa si Vixen. "Sorry kung natagalan ako. Kinausap ko pa kasi si Dale pagkakita ko sa kanya kanina."

"Okay lang."

"Here." May inabot siyang regalo sa akin.

Kinuha ko na sa kanya ang inaabot niyang regalo sa akin. "Thank you. Pwede ko bang buksan itong regalo."

"Oo naman. Regalo mo iyan, eh."

Excited na kong buksan ang niregalo ni Vixen para sa akin at nagtataka ako ng makita ko ang niregalo niya sa akin.

Tumingala ako sa kanya. "Ano ito?"

Umupo na siya sa tabi ko. "I don't know if you remember this. You love cooking and baking. So that's what I thought I'd give you as a gift."

"Hindi ako magpapatayo ng restaurant at coffee shop kung hindi ako mahilig sa pagluluto at pagbake." Natatawa kong sabi sa kanya at tinabi ko na muna ang regalo niya sa akin.

"Pilosopo ka ah." Kiniliti niya ako kaya tumawa na ko ng malakas.

"S-Stop." Huminto na siya sa pagkiliti sa akin pero hinalikan niya ako sa leeg.

"Damn. I really want to marry you now. I don't want to be away from you anymore."

Namilog ang mga mata ko. "M-Marry me?"

"Ayaw mo bang pakasalan ako?"

"Hindi naman sa ganoon. Nagulat lang ako." Hinawakan ko siya sa pisngi at sinunggaban ko siya ng halik. "Siyempre, papayag akong magpakasal sayo pero hihintayin ko ang pagyaya mo sa akin ng kasal."

"Wait for me to propose to you." Muli niya kong hinalikan at hindi ko namalayan natanggal na niya ang damit ko. "Maiintindihan naman siguro ng mga magulang mo na bukas kita iuuwi sa inyo."

Tumawa ako ng mahina. "Ilang beses ko ba sasabihin sayo na hindi na ko bata para bantayan nila at saka alam nilang ikaw ang kasama ko ngayon."

Tumabi na siyang higa sa akin. "Gusto pa kitang kasama ng matagal."

"Me too." Humiga ako sa ibabaw niya. "Sana maalala ko na ang lahat."

Nagising ako wala na si Vixen sa tabi ko kaya bumangon na ko para kunin ang mga damit ko pero ko makita. Hala, nasaan na yung mga damit ko?

Sumimangot ako dahil hindi ko talaga makita ang mga damit ko at napansin kong pumasok na si Vixen sa kwarto niya.

"Ang aga-aga nakasimangot ka. What's wrong?"

"Kanina pa ko ikot nang ikot dito pero hindi ko makita ang mga damit ko. Nahihilo na nga ako, eh."

"Wait." Lumapit na siya sa cabinet at may kinukuha doon. "Kagabi ko rin sana ito ibibigay sayo pero nakalimutan ko ang tungkol dito."

May isa pa siyang regalo na inabot sa akin.

"Sobra-sobra na ang binibigay mo sa akin, Vixen." Tinanggap ko na rin ang isa pa niyang regalo sa akin. "Thank you."

"Let me spoil my girlfriend. Minsan lang tayo magmahal." Binigyan niya ko ng mabilis na halik sa labi.

Tinakpan mo agad ang bibig ko. "I just woke up."

"And then?"

"I haven't brushed my teeth yet."

Tumawa siya at tumalikod na sa akin. "Gamitin mo na yung banyo at hintayin ka namin para makakain na tayo."

Bumaba na ko pagkatapos kong magligo at magayos ng sarili ko. Nakita kong hinihintay na nila ang pagbaba ko pero napansin kong tulala sa akin si Vixen.

"You're drooling." Sabi ko sa kanya.

Narinig ko ang pagtawa ni Dale. "Kadiri ka, dad."

"Shut up, Dale." Tumayo na siya at pinagtulak niya ko ng upuan sa katabi niya. "Bumagay sayo ang niregalo ko."

Pagkatapos namin kumain ng agahan ay hinatid na ko ni Vixen sa bahay bago pa siya dumeretso sa restaurant.

"Why don't we go out of town?"

Tumingin ako sa kanya habang nagmamaneho siya. "Tayong dalawa lang?"

"Yes, just you and me."

"Bakit hindi natin isama sina Dale at manang Ada? The more, the merrier."

"Hindi pwede umabsent si Dale dahil hindi pa tapos ang klase niya."

"Pwede naman natin sila isama kapag bakasyon na ni Dale."

"Ugh, Thea... Gusto kita ma-solo kaya niyaya kita mag-out of town."

"Ahhh... Gusto mo kong ma-solo kaya niyaya mo kong mag-out of town."

"Ano ba ang sinabi ko? Gusto kita ma-solo tapos gusto mong isama rin sina Dale at manang Ada."

"Do you want an early honeymoon?" Natatawang tanong ko sa kanya.

Napansin kong huminto siya sa isang tabi at inalis niya ang seatbelt para humarap sa akin. "Gusto mo ba o ayaw?"

"Binibiro lang kita. Galit ka agad sa akin. Siyempre gusto ko para ma-solo rin kita."

"Gusto mo rin pala. Ang dami mo pang sinasabi."

"Huwag ka na magalit sa akin. Peace na tayo." Nag-peace sign ako. "I love you."

Sinuot niya ulit ang seatbelt at pinatakbo niya ulit ang kotse niya. "I love you too."

"Saan tayo pupunta?"

"Mamaya maghahanap ako kung saan magandang puntahan. Ano kaya... Um, private place? Yung walang ibang tao."

"Aha! May binabalak ka sa akin, 'no?"

"Thea!" May pagbabanta na sa tono ni Vixen ngayon.

"Okay, okay. Titigil na ko."

"Halatang maganda ang mood mo ngayon dahil ang lakas mong mang asar."

"Madalas ko kasi inaasar noon si Theo pero ngayon hindi ko na siya naasar kasi hindi ko na nga siya nakakasama sa bahay."

"Miss mo na ang kakambal mo?"

Tumango ako sa kanya. "Kahit hindi kami ganoon close ni Theo kasi sobrang pasaway kaya ni Theo noong nagaaral pa kami. Madalas kaya napapatawag ang mga magulang namin dahil sa mga kalokohan na ginagawa niya."

"Naalala mo na ang lahat?"

Umiling ako. "Not everything. Matagal ko ng naalala ang tungkol doon."

"I see... Magkwento ka pa."

"Tapos noong 4th o 5th grade yata ako noon naging Campus Queen ako dahil sa kagagawan nina Meg at Stacey."

"Naalala mo na rin sina Megan at Stacey?"

"Hindi ba sabi ko sayo pa unti-unti ng bumabalik ang alaala ko. Pero may isa pa ang hindi ko maalala, yung sinabi ko sayo dati na may kausap akong lalaki bago ang aksidente ko. Baka kapag nakita ko siya ay maalala ko na ang lahat. Kung bakit ako naaksidente."

It Started With A LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon