32

106 6 1
                                    

Althea's POV

Hindi nga pumunta si Vixen sa bahay sumunod na araw pagkatapos nila magusap ni Rhyme. Hindi ko rin magawang tawagan siya dahil hindi niya sinasagot ang tawag ko. Ano na ba ang nangyayari sa kanya? Di naman siya ganito dati maliban na lang kung may magawa ba 'kong mali sa kanya pero wala naman akong maalala na ginawang mali.

Kahit si Rhyme hindi sinasagot ang tanong ko kung may alam ba siya sa nangyayari sa kapatid niya. Kapag pinapasok ko na iyon palagi niyang binaba ang tawag at hindi ko na siya muli matawagan o sinasabi niyang marami pa siyang ginagawa sa trabaho. May tinatago sa akin si Rhyme.

Nagpasya akong pumunta sa bahay niya para kausapin siya kung may problema ba kami. Ilang gabi na nga ako hindi makatulog ng maayos kaiisip kung may ginawa ba kong mali na hindi ko alam.

"Tita Thea..." Pagkakita ni Dale sa akin pagkabukas niya ng gate nila.

"Hi, Dale. Nandiyan ba ang daddy mo?"

"Pasok po kayo." Alok niya sa akin kaya pumasok na ko. "Tulog pa po si dad. Hindi nga namin alam ni manang kung anong oras umuwi si dad kagabi, eh."

Kumunot ang noo ko dahil galing ako kahapon sa restaurant at tinatanong ang isang staff ko kung pumasok ba si Vixen pero ang sabi niya ilang araw na daw hindi pumapasok si Vixen.

Biglang nakaramdam ako ng kirot sa dibdib. Sana mali ang iniisip ko ngayon.

"Ganoon ba? Punta na lang ako sa kwarto niya."

"Sige ho. Papasok na rin ako."

"Ingat sa pagpasok."

Pagkarating ko sa tapat ng kwarto niya ay dahan-dahan kong binubuksan ang pintuan at sumilip sa loob. Kitang kita ang himbing ng tulog ni Vixen. Dahan-dahan rin akong pumasok para hindi ako makakagawa ng ingay at magising siya.

Kapag malaman kong may tinatago ka sa akin, lagot ka talaga.

Nakita ko ang pagdilat ng mga mata niya at nagulat pa nga siya pagkakita niya sa akin.

"Thea... What are you doing here?"

Umupo na muna ako sa gilid ng kama niya. "May gusto akong malaman."

"Ano iyon?"

"May tinatago ka ba sa akin?"

Umiwas siya ng tingin sa akin sabay kamot sa batok. "Tinatago? Wala akong tinatago sayo. Hindi ba nangako tayo sa isa't isa na hindi na tayo maglilihim."

Sinungaling...

Tumayo na ulit ako. "Iyon na nga nangako tayo na wala ng lihim sa isa't isa. Ikaw rin nagsira ng pangako natin kaya aalis na rin ako at ang ayaw ko sa lahat ang taong sinungaling. Magsama kayo ng kapatid mong sinungaling rin!"

"Thea." Hinawakan niya ang braso ko. "Hayaan mo muna ako magpaliwanag."

Binawi ko ang braso ko. "Hindi mo na kailangan magpaliwanag sa akin dahil ayaw kong marinig ang kasinungalingan mo!"

Bubuksan ko na sana ang pinto pero hinarang niya ang kamay niya sa pinto para hindi ko mabuksan.

"Hindi ka makakaalis hangga't hindi mo ko papakinggan, Thea."

"Ayaw ko nga! Ano bang hirap doon, Vixen?!" Humarap ako sa kanya na may luha ma pumapatak sa pisngi ko. Ayaw kong umiyak sa harapan niya pero wala, eh. "Nalaman ko na ang gusto kong malaman kaya alisin mo na iyang kamay mo sa pinto para makaalis na ako."

"No." Niyakap niya ako ng mahigpit. "I won't let you go."

"Vixen, ano ba!" Pinilit kong pumiglas sa mga bisig niya pero masyado siyang malakas. "Let me go! Nagsisi akong minahal kita!"

Kusang nawala na ang pagkayakap niya at humakbang siya palayo sa akin. Yumuko ako sabay kagat sa ibabang labi ko dahil hindi naman talaga ako nagsisi na siya ang minahal ko pero nainis lang ako sa hindi siya magsabi ng totoo sa akin. Siya pa mismo nagsira ng pangako namin.

"Nagsisi ka na minahal mo ko? Dapat hindi mo na lang ako minahal kung ganito lang pala ang mangyayari." Tumingin ako na ngayo'y nakatalikod na siya sa akin at nakita kong nagpunas siya ng mata niya. Umiiyak si Vixen. "Kaya ko lamang hindi sinasagot ang mga tawag at text mo sa akin dahil ayaw kong magaalala ka sa akin."

"Paano ako hindi magaalala sayo, Vixen? Girlfriend mo ko at may karapatan akong magaalala kung ano na nangyayari sa boyfriend ko. Madalas kayo magkasama ni Rhyme nitong mga nakaraang araw kaya tinatawagan ko rin siya kung may alam ba siya pero palagi niya iniiwasan ang mga tanong ko kapag pinapasok ko na ang tungkol sayo. May pakiramdam ako na may tinatago kayo magkapatid sa akin. Kung wala ka ngang tiwala sa akin mas mabuti pa nga..." Binuksan ko na ang pinto ng kwarto niya at lumabas na. Sobrang sakit dahil naglihim na nga siya sa akin tapos wala pang tiwala sa akin kung ano man ang tinatago nilang magkapatid.

Pagkababa ko ay nakita ko si manang Ada pero nilagpasan ko lang ang matanda.

Pasensya na manang. Naiinis lang ako sa alaga niyo.

Nagpasya akong pumunta sa bahay ni Megan dahil wala na akong ibang malalapital maliban sa mga kaibigan ko pero wala sa Pilipinas si Stacey.

"Oh, Thea..." Hindi niya inaasahan ang pagkakita niya sa akin kaya agad ko siyang niyakap. "May problema ba?"

Umiling ako at pilit kong ngumiti sa kaibigan. "Wala akong problema. Namiss ko lang yung mga panahon na magkakasama tayong tatlo."

"Magkaibigan na tayo simulang mga bata pa lang tayo kaya alam ko kung may problema ka, Thea. Teka lang tatawagan ko lang si Stacey para pumunta rin dito."

"Nandito sa Pilipinas si Stacey ngayon?"

"Oo, kahapon dumating na hindi man tayo sinabihan na uuwi pala sila magasawa at kanina ko lang nalaman noong tumawag siya sa akin."

Hindi naman kami ganoon naghintay ng matagal sa pagdating ni Stacey dahil dumating rin siya agad. Himala nga kasi hindi naman siya ganito dati. Palaging late kaya dumadating si Stacey.

"What's wrong, Thea? Sinabi ni Meg na may problema ka daw." Tanong ni Stacey sa akin.

"Naiinis ako kay Vixen." Muling pumatak ang luha ko.

"Why? What happened?" Tanong ni Megan sa akin.

"Nangako kami na wala nang sikreto sa isa't isa pero kanina pumunta ako sa kanila kaso pakiramdam kong may tinatago siya sa akin lalo na si Rhyme."

"Anong koneksyon ni Rhyme kay Vixen?"

"Magkapatid sina Vixen at Rhyme. Nabanggit ko naman sa inyo dati na inampon lang si Vixen ng mga kinilala niyang magulang noong baby pa lang siya at nitong mga nakaraang araw madalas sila magkasama na hindi ko alam ang dahilan o kung ano ang pinaguusapan nila."

"What a small world. Kapatid pala niya ang dating karibal niya." Sabi ni Megan.

"You know what... Kalimutan mo muna ang tungkol kay Vixen. Bakit hindi tayo mamasyal?" Ani Stacey.

"Libre mo kami ng makakain mamaya? Dapat ilibre mo kami dahil minsan ka lang uwi ng Pilipinas."

"Kuripot nito. Oo na. Libre ko na ang kakainin natin kanina." Binaling ni Stacey ang tingin sa akin. "Game ka ba, Thea?"

"Oo, game ako. Miss ko na rin na magkakasama tayong tatlo."

--------

Hello, guys! 👋

Gusto ko lang pag awayin muna sina Vixen at Thea. Masyado na kasing sweet na nilalanggam na ko dito. 🤣

It Started With A LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon