Vixen's POV
"Ano na naman ba ang ginawa mong bata ka?!" Pinapagalitan ko si Dale nang nakarating na kami sa bahay galing sa school niya.
"Sila naman kasi ang nagsimula ng lahat."
"Matalino ka, Dale at hindi ka na bata para kailangan ko pang pagsabihan ka! You're already 16 years old! Alam mo na ang mali at tama."
"Sorry, dad." Paghingi niya ng paumanhin sa akin at dumungaw siya sa labas. "Dad..."
"What?" Tumingin ako kay Dale.
"Para kasing may tao doon."
Tumingin ako kung saan siya nakaturo. "Shit. May tao nga doon."
Nagmamadali akong bumaba sa kotse ko para lapitan yung babae.
Lumuhod ako at tinapik ko ang pisngi nito. "Miss. Miss."
"Dad, baka patay na yan."
Nilapit ko ang tenga ko sa dibdib niya para alamin kung tumitibok pa ang puso niya. "Don't say that. I can hear her heartbeat."
"Ano ang gagawin natin, dad?"
Binuhat ko na yung babae. "Dadalhin ko siya sa malapit na hospital kaya ikaw pumasok ka na sa loob."
Ilalagay ko na sana siya sa backseat ng kotse ko ng maramdaman kong ang kabit niya sa damit ko.
"Gising ka na, miss."
"Can you put me down? Kaya ko ang maglakad." Mahina niyang sambit at sakto lang para marinig ko.
Binaba ko na siya ko pero bigla siyang natumba kaya sinalo ko. "Sigurado ka bang kaya mo? Mukha kasing mahi–"
Kumurap ako ng marinig ko umingay bigla ang sikmura niya kaya hindi ko mapigilan ang matawa.
"Pffft... Sorry. So, hindi ka pa kumakain kaya ka nahinatay sa labas ng bahay namin."
Tumango siya sa akin. "Yes."
"You're so unbelievable, miss. Tara na sa loob at sabayan mo na kaming kumain." Inalalayan ko na siya maglakad papasok sa bahay namin baka kasi matumba na naman.
Pagpasok namin nakita ko si manang Ada na lumabas galing sa kusina.
"Sino iyang kasama mo, Vixen?"
"Nakita namin siya ni Dale sa labas na walang malay kanina. Maya na tayo magusap, manang. May makakain na ho ba?"
"Oo, may pagkain na sa kusina. Kumakain na rin si Dale."
Sinamahan ko na yung babae sa kusina at pinagtulak ko siya ng upuan.
Umupo na siya sa upuan. "Salamat."
"Kumuha ka lang ng gusto mong kainin. Huwag kang mahiya." Sabi ko sa kanya.
"Dad..."
Binaling ko ang tingin kay Dale. "Oo, siya yung babae nakita natin sa labas."
"Akala ko po ba dadalhin niyo sa hospital."
"Change of plan." Umupo na rin ako sa isa pang upuan at tumingin ulit doon sa babae. "Hindi ko pa nakuha ang pangalan mo."
Huminto siya sa pagkain at tumingin sa akin. "Thea."
"Ano ba ang nangyari sayo kung bakit ka nahimatay kanina sa labas ng bahay?"
"Galing ako sa bahay ng kaibigan ko para kunin sa kanya yung bag na naiwan ko pero habang naglalakad ako sa sakayan ng taxi ay may holdupper na lumapit sa akin at inagaw ang bag ko. Baka nagaalala na sa akin ang mga magulang ko kasi ang paalam ko kay mommy na babalik ako agad bago maghapunan kaya lang hindi ko matawagan ang kapatid ko kasi naubos ang battery ng cellphone ko."
Kumunot ang noo ko ng marinig ko ang boses niya. Para kasing familiar sa akin pero hindi ko maalala kung saan ko ba narinig iyon.
"Dad..."
"Shhh, Dale. Nagiisip ako." Binaling ko ang tingin kay Thea. "Okay, ganito... pagkatapos natin kumain ay dadalhin kita sa malapit na police station para mapatawagan ang magulang o kapatid mo. Yan lang ang pwede kong matulong sayo."
"Hindi ko tuloy alam kung paano kita mababayaran sa lahat na tinulong mo sa akin."
"Hindi mo na kailangan bayaran ako. Ang importante makauwi ka sa inyo na ligtas para hindi magaalala ang mga magulang mo sayo."
"Ano pala ang pangalan mo?"
"Vixen."
"Vixen Vermillion?"
Kumurap ako. "You know me?"
"Not really but I always heard your name from my friend."
Hindi ko inaasahan sikat pala ako pero hindi naman ako artista o something. Isa lamang akong assassin na pumasok dati sa CAS para doon magtrabaho habang wala pa ako masyadong mission dati pero umalis ako na walang alam ang mga katrabaho ko doon.
Pagkatapos namin kumain ay sinamahan ko na si Thea sa police station at umalis na rin ako agad. Alam naman siguro niya ang gagawin kapag tinatanong siya ng mga pulis at saka hindi na siya bata para samahan ko pa hanggang sa dumating ang kamag-anak niya.
Pagbalik ko sa bahay ay nakita ko si Dale paakyat na ng hagdanan papunta na yata sa kwarto nito.
"Dale Vermillion." Pagtawag ko sa kanya.
Huminto siya sa pagakyat saka lumingon sa akin. "Bakit, dad?"
"Hindi pa tayo tapos magusap."
"Akala ko po tapos niyo na ako pagalitan. I already apologize for what I did."
"Ano ang pwede kong gawin sayo kapag umulit ang ginawa mo kanina?"
Humarap na siya sa akin at saka nagkibit balikat. "I don't know. Paparusahan ako?"
"Mabuti alam mo ang pwede kong gawin sayo. Matulog ka na at maaga ka pa bukas."
"Good night, dad."
Kahit hindi ako ang tunay na ama ni Dale ay ginagawa ko ang lahat na pwede kong gawin sa kanya. Tinuturuan ko sa kanya kung ano ang tama at mali. Pero sa tuwing nakikita ko si Dale ay naalala ko kung paano ako lokohin ni Alicia. Siya kasi ang bunga ng pagtraydor sa akin ni Alicia at huli ko ng nalaman na hindi pala ako ang ama ni Dale.
Pagkatapos namin grumaduate ng college ay niyaya ko ng kasal si Alicia dahil ang akala ko ako ang ama ng dinadala niya pero isang taon ang lumipas nalaman ko ang katotohanan hindi ko pala anak ang dinadala ni Alicia. Gusto ko siyang saktan, magalit at magmura pero hindi ko ginawa. Imbes ay hinahanap ko ang nakabuntis sa kanya. Mga isang buwan rin noong hiwalay kami ay bumalik ulit si Alicia sa akin at sinabi niyang sinasaktan siya ng asawa niya. Nang nalaman ng social worker ang pinaggagawa ng ama ni Dale ay kinuha na siya at dinala sa bahay ampunan. Doon na rin ako nagpasyang maging legal guardian ni Dale at hindi ko na muli nakita si Alicia.
BINABASA MO ANG
It Started With A Lie
Lãng mạnChase Sequel # 4: Althea Chase Si Althea ang nagiisang anak na babae nina Trey at Pauline Chase. Maarte sa ibang bagay lalo na sa lalaking kinaiinisan niya dahil sinaktan lang niya ito. Isang gabi nagpaalam siya na pupunta siya sa bahay ng kaibigan...