8

116 7 0
                                    

FLASHBACK

Masaya akong makasama ulit sina kuya Travis at kuya Evan dahil sobrang busy ni kuya Travis sa hospital tapos once in a blue moon lang umuuwi si kuya Evan. Kumpleto na sana kami kaso busy si Theo, hindi sa CAS kung 'di sa kasal nila ni Zia. Hanggang ngayon kasi shock pa rin ako sa binalita ni Theo ikakasal na siya kahit ito naman talaga ang kagustuhan ni dad lalo na't may anak sila ni Zia.

"Mga kuya, pwede ko ba kayo makausap?"

"Ano ang kailangan mo sa amin, Thea?" Tanong ni kuya Travis.

"Kung manghihingi ka ng pera, wala akong pera ngayon." Sabi naman ni kuya Evan.

Sumimangot ako. "Bakit naman ako manghihingi ng pera sayo, kuya Evan? Kumikita naman ako sa trabaho ko. Kaya ko kayo gustong makausap para paalam sa inyo na kung pwede hiramin na muna ang mga asawa niyo ngayong araw lang."

"Ayos lang sa akin pero tanungin mo muna si Mavis kung okay lang ba sa kanya." Ani kuya Travis.

"Ikaw pa ang nagsabi hirap kumbinsehin si Jas na iwanan ang mga bata lalo na si Errol."

"Bakit hindi ikaw ang magalaga sa mga anak niyo habang nandito ka sa Pilipinas? Minsan ka rin naman makakasama ng mga bata lalo na si Errol. Baka lumaki ang bunso niyo na hindi ka niya kilala."

"Kinokonsensya mo ba ako, Travis? Oo, tatawagan ko na si Jas para ipaalam na mamasyal kayo."

Matagal ko na kasi pinangarap na magkaroon ng kapatid na babae pero hindi pinalad. Kaya sa asawa na lang ng mga kapatid ko. At least may pinagsasabihan ako ng mga sikreto ko maliban sa dalawa kong best friend. Ayaw ko naman istorbuhin si Megan dahil alam kong busy rin iyon sa trabaho.

Tinawagan ko na rin Theo para ipaalam si Zia na mamasyal kami.

"Napatawag ka, Thea."

"Alam kong busy kayo ni Zia sa preparation ng kasal niyo pero pwede pabor?"

"Anong pabor naman iyon?"

"Kung pwedeng hiramin ko na muna si Zia ngayon. Mamasyal lang kami at kasama ko rin sina Mavis at ate Jas."

"Okay, kakausapin ko lang siya."

"Tawagan mo ko kung pumayag na siya para sunduin ko siya sa kanila mamaya."

"Huwag na. Ako na ang maghahatid kay Zia. Saan ba kayo pupunta?"

Sinabi ko na kay Theo kung saan kami pupunta. Girls bonding ito kaya bawal sumama ang mga asawa nila.

Maya't maya ay sinabi na ni kuya Travis at kuya Evan na pumayag na ang mga asawa nila kaya sinundo ko na sila sa kanilang bahay.

"Salamat sa pagpayag niyong mamasyal tayo ngayon." Sabi ko kila Mavis at ate Jas.

"Alam mo naman, Thea na hindi ako papayag na sumama dahil ayaw kong iwanan ang mga bata pero nagulat ako noong sinabi sa akin ni Evan na siya muna ang bahala magalaga sa mga anak namin habang wala ako."

"May tutulong naman sayo sa pagalaga kay Errol. Hindi ba nandiyan si ate Mindy? Tapos nandiyan rin si Eve para tulungan ka." Ani Mavis.

"Oo, may tutulong sa akin pero mas gusto ko na ako pa rin ang magaalaga sa mga bata."

Hindi ako makarelate dahil wala pa akong anak. Boyfriend nga wala ako, anak pa kaya. Gusto ko lang naman may lalaki magmamahal rin sa akin at yung tatanggapin niya ang pagkatao ko.

Nang makarating na kaming tatlo sa mall ay sinabi ko sa kanila na hintayin ang pagdating ni Zia. Tumawag kasi si Theo kanina na on the way na daw sila.

Hindi naman kami ganoon katagal ang paghihintay namin kay Theo at Zia.

"Subukan mo lang may gawin kang kalokohan, Thea lagot ka sa akin."

"Wow! Hindi mo ko matatakot sa banta mo, Theo. Umalis ka na nga dahil bawal lalaki dito. Shoo!" Pagtaboy ko sa kakambal ko.

"Saan tayo pupunta, Thea?" Tanong ni Mavis sa akin.

"Kain na muna tayo. Kanina pa kasi ako nagugutom." Sabi ko. Konti lang kasi ang kinain ko kaninang tanghalian. Ang akala nga ni mommy diet ako. As if naman mataba ako para magdiet.

Pumunta na kaming apat sa restaurant at umorder na rin. Kung eat-all-you can lang itong pinuntahan namin baka maparami lang ang kain ko pero ayaw kong tumaba.

"Thea, may gusto ka bang sabihin sa amin kaya mo kami niyayang lumabas?" Tanong ni Zia sa akin.

"Oo nga." Pagsasang ayon ni ate Jas.

"Yes, meron nga akong gustong sabihin sa inyo pero pangako niyo muna sa akin hindi niyo sasabihin sa mga asawa niyo. Lagot kasi ako kapag nalaman nila."

Tumingin na muna sila sa isa't isa bago binaling ulit ang tingin sa akin.

"Pinapangako namin hindi namin sasabihin sa mga kapatid mo." Ani Mavis.

"Tell us what's wrong?" Sabi naman ni ate Jas.

"I'm sure nabanggit na rin ng mga asawa niyo ang tungkol sa nangyari sa akin dati. Ang totoo niyan may isang lalaki ang tumulong sa akin. Kahit apat na buwan ko lang siya kilala pero mukhang nagkakagusto na ako sa kanya."

"Hindi ka na rin naman bata para bantayan pa ng mga kapatid mo. Kaya mo na rin namang magdesisyon sa sarili mo." Sabi ni ate Jas.

"Ano ang desisyon mo ngayon?" Tanong ni Zia sa akin.

"Hindi ko pa alam. Palagi kasi niya akong tinatanggihan sa tuwing gusto kong bayaran ang pagtulong niya sa akin."

"Teka, ano ang pangalan noong guy?"

"Vixen Vermillion, Mavis."

"Wait, his name sounds familiar. May nabanggit kasi sa akin si Evan dati na may naging kaibigan siya nangangalan Vixen Vermillion noong nagtatrabaho pa siya sa company niyo. Siya rin ba iyon?"

Tumango ako kay ate Jas. "Siya rin iyon."

Ang totoo niyan hindi naman binanggit ng mga kaibigan ko ang tungkol sa kanya. Naririnig ko sa ibang empleyado ng CAS ang tungkol sa kanya noong pumunta ako dati. Na-curious tuloy ako kasi sikat siya sa mga kababaihan.

Dumating na yung inorder namin pero kinukwento ko pa rin sa kanila ang tungkol kay Vixen kahit ang problema ko dahil may anak na siya.

"May gusto ka sa kanya pero may anak na siya. Baka bumalik ang asawa niya kapag inamin mo sa kanya kung ano ang nararamdaman mo." Ani Mavis.

"Ininterview ko siya dati kasi dalawang beses na ko pumunta sa bahay nila pero hindi ko pa nakikita ang asawa niya kaya nabanggit niyang matagal na silang hiwalay."

"Aba, talagang ininterview mo yung tao ah." Natatawang sabi ni Zia.

"Curious lang kasi ako kaya natanong ko siya kahit masyadong personal na ang tanong ko."

Dahil sa curiosity ko kaya natanong ko na ang bagay na iyon sa kanya. Mabuti nga hindi siya nakahalata agad na may gusto ako sa kanya pero noong nasa bar kami nahalata niya iyon at niligtas naman ako ni Rhyme doon dahil sa biglang pagdating niya para hindi magisip si Vixen na may gusto nga talaga ako sa kanya. Hindi pa ako handa umamin sa kanya kahit alam kong mas mahal pa rin niya ang ex wife niya.

Pagkatapos namin kumain ay pumunta kami sa department store para tumingin ng mga magagandang damit.

It Started With A LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon