42

120 8 0
                                    

Althea's POV

Nandito ako ngayon sa kwarto ko habang inaayusan ako ng make-up artist dahil ngayong araw ang kasal namin ni Vixen. Excited na nga ako makita ang lalaking papakasal ko.

May narinig akong kumatok kaya binuksan ng isang assistant ng make-up artist ang pinto at nakita kong pumasok sina Dale at manang Ada.

Napakamot ng ulo si Dale. "Wow. Ang ganda niyo po."

"Nang bola ka pa, Dale."

"Hindi po! Totoo ang sinabi ko. Hindi po ba maganda si mom– tita Thea, manang?"

Narinig ko bang gusto akong tawaging mommy ni Dale kanina?

"Oo, Thea. Sobrang ganda mo."

"Thank you po." Tumayo na ako at lumapit kay Dale para yakapin.

"T-Tita?" Nagulat pa siguro siya sa ginawa ko.

"It's okay to call me mommy." Sabi ko. Napamahal na rin kasi sa akin si Dale at tinuring ko na rin siya parang anak ko.

Ginantihan niya ako ng yakap. "Thank you po, mommy."

Pagkaalis nina Dale at manang Ada ay may kumatok na naman – ang mga kaibigan ko. Masaya akong makita ulit si Stacey dahil wala sila magasawa noon. Mabuti nga nakauwi sila bago ang kasal ko kaya nakadalo sila ngayon. Pero napansin ko rin naging mas lalong close sina Megan at Rhyme kahit alam kong magkaibigan na sila bago ko pa nakilala si Megan.

"Bibigyan mo na ba kami ng maraming inaanak, Thea?" Tanong ni Megan na parang nalunok ko lahat na laway ko sa tanong niya kanina.

"Buntis ka, Thea?!" Gulat na tanong ni Stacey.

Mas lalo ako mabulunan sa sinasabi ng mga kaibigan ko. Hindi porke't ikakasal na ay buntis na agad.

"Mga baliw! Hindi ako buntis." Sabi ko saka binaling ang tingin kay Rhyme. "Meg, kamusta naman kayo ni Rhyme ngayon?"

"Okay lang naman. Hindi pa rin nawawala ang pagkakaibigan namin kahit bihira na lang kami magkita."

"Wala bang something sa inyo?"

"Huh?! That's impossible, Althea. Hindi na muna ako papasok sa isang relasyon dahil siguro nasaktan pa rin ako noong binasted mo ko."

"Ang tagal na noon ah." Imposibleng hindi pa siya move on. Sa tuwing magkakasama kaming tatlo ay normal lang naman ang lahat.

Pagkatapos ng wedding ceremony namin ay dumeretso na kami sa reception pero may napansin akong familiar na mukha at hindi ako pwede magkamali. Ang ex wife ni Vixen iyon. Ano ang ginagawa niya dito? Paano niya nalaman kasal namin ngayon?

Isa lang ang pwedeng sumagot sa mga  katanungan ko.

Pagkatapos kong kumain ay nakita ko ang taong ayaw kong makita sa buong buhay ko. Please lang ayaw kong masira ang araw ko sa araw ng kasal ko.

"Althea..." Tawag niya sa akin.

Humarap ako sa kanya at ipinag krus ang mga braso ko. "What do you want? Alam mo naman siguro na ayaw kitang makausap at makita dahil naalala ko ang nangyaring aksidente."

"Wala kong ideya na buntis ka."

"Hindi mo na rin naman maibabalik ang buhay ng anak namin ni Vixen. Ano pa ba ang kailangan mo?"

"Sorry sa nangyari dati. Ang akala ko kasi mahal na kita kaya pinilit ko si Travis na payagan niya kong ligawan ka pero mas lalong tumatagal ay nawawala ang nararamdaman ko para sayo. Natatakot kasi akong sabihin sayo ang totoo baka masaktan ka lang."

"Ang kapal din ng mukha mo, 'no? Hindi ikaw ang tipo kong lalaki at saka ayaw ko sa lahat ang sinungaling. Pumayag lang ako sa kagustuhan ni kuya Travis na ligawan mo ko. May balak rin naman akong basterin ka kapag may lalaking magpatibok ng puso ko at maglalakas loob na kausapin ang pamilya ko. Ngayon masaya na ko dahil nakilala ko na siya." Mahabang pahayag ko at umalis na rin sa harapan niya. Okay na ko ngayon dahil nasabi ko na rin sa kanya ang gusto kong sabihin.

Nang matapos na ang reception ay pumunta na kami sa Australia. Gusto ko nga ulit ang bumalik sa Australia dahil hindi ko masyado napuntahan ang mga lugar na gusto kong puntahan. Kung 'di lang ako naaksidente baka mapuntahan ko ang ibang lugar.

"Picture tayo doon!" Hinatak ko si Vixen dahil may nakita na naman akong maganda para sa picture namin.

Niyakap niya ako mula sa likod pagkatapos namin kumuha ng picture. "Narinig ko kanina kay Dale na tinawag ka niyang mommy."

"Oo, sinabi ko rin sa kanya na ayos lang na tawagin niya kong mommy. Sabi ko rin naman sayo dati napamahal na sa akin si Dale."

"Thank you for accepting him as your own son." Sabi niya at saka hinalikan niya ko sa pisngi. "I love you."

Humarap ako sa kanya at hinawakan ang magkabilaang pisngi nito. "Napalaki mo si Dale na isang mabuting bata. Paano pa kaya kung sarili mong anak ang inaalagaan mo?"

"Buntis ka?" Pagtataka niyang tanong. Wala naman akong sinabing buntis ako.

"Isa ka pa." Natatawa kong sabi sa kanya. "Hindi ako buntis."

"Ang akala ko pa naman buntis ka na."

"Ngayon lang ulit na may nangyari sa atin." Sabi ko at saka kung noong gabing nagpropose siya sa akin ang iniisip niya ay sana halata na ang baby bumb ko. Matagal na rin noong huling may nangyari sa amin.

"But soon, right?"

"Ewan ko sayo." Natatawang sabi ko. "Kain na nga tayo ng hapunan. Nagugutom na ko."

"You know I'm excited to have a child with you."

Kahit rin naman ako gusto ko na magkaroon ng anak sa kanya pero 'di naman ganoon kadali iyon.

Pagkarating namin sa isang malapit na restaurant ay umorder na kami ng makakain namin. Gutom na talaga ako. Konti lang kasi ang kinain ko kanina sa reception.

"May isang linggo pa naman tayo dito."

Tinaasan ko siya ng isang kilay. "May lakad ka ba? At gusto mo na magkaroon agad ng anak sa akin. Wala pa nga tayong isang araw na kasal, Vixen."

"Wala ak– Okay, hindi na nga lang ako magsasalita."

Siya pa itong may ganang magtampo sa akin. Eh, siya nga itong nangungulit ngayon sa akin.

Tumayo ako at tumabi sa kanya. "Vixen, pansinin mo naman ako."

Inirapan lamang niya ako. Ah, ganoon? Ayaw mo kong pansinin ah. Bahala ka sa buhay mo.

Bumalik na ulit ako sa pwesto ko. "Ayaw mo talaga akong pansinin ah. Pwes, hindi na ako papayag na may mangyari sa atin simula mamayang pagbalik natin sa hotel. Bahala ka sa buhay mo."

Binaling niya ang tingin sa akin. "Huy, huwag naman ganoon."

"Ayaw mo kong pansinin kaya hindi na rin kita papansinin. Hmph!" Inirapan ko na siya. Unang araw naiinis na agad ako sa kanya.

"Sorry na. Unang araw pa lang natin tapos ganito agad ang nangyayari sa atin."

Muli ko siyang tinaasan ng isang kilay. "Pwes, magtiis ka ngayon."

"My love, sorry na. Hindi na kita kukulitin basta payagan mo lang ako na make love tayo mamaya pagbalik sa hotel."

"Promise mo iyan na hindi mo na ko pagmamadaliin na mabuntis."

"Yes, yes... Promise!"

It Started With A LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon