Vixen's POV
Niyaya ko si Thea na mamasyal kami habang hindi pa ko nakapag desisyon kung saan ang out of town namin at kung kailan. Baka doon ko na rin balak magpropose sa kanya, 'di na rin kasi ako makapag hintay na makasama si Thea.
"Vixen, kain na muna tayo."
"It's already late? Okay, kain na muna tayo."
Mabuti na nga lang may bakanteng table pagkapasok namin sa isang restaurant kahit marami ang kumakain. Umorder na rin kami ng makakain namin pero napansin ko ang daming inorder ni Thea.
"Don't tell me, you're pregnant. Ang dami mo kasing inorder na parang wala ng bukas."
"Hindi ako buntis. Ang dami ko kasing gustong kainin at saka ang hirap pumili kaya nagpasya akong orderin ang lahat na gusto ko."
Kung alam ko lang na ganoon karami ang oorderin niya dapat hindi na lang ako umorder ng akin. Iiyak yata ang wallet ko nito.
"Huwag ka magaalala hati tayo sa babayarin." Tinaas niya ang kanyang kamay. "Promise, sakto ang ibabayad ko."
Natawa ako sa huli niyang sinabi dahil naalala ko na naman ang ginawa niya. Gusto niyang ilibre ako pero nagbayad ng kulang.
"So you remember that." Nakangising sabi ko.
"Bigla kong naalala ang tungkol doon."
"Ibang klase ka nga dati, eh. Gusto mo kong ilibre tapos magbabayad ka ng kulang."
"Hindi ko naman alam na kulang pala ang binayad ko sa ininom natin noon. Ang akala ko sakto na yung perang iniwan ko."
"Kaya malaki na ang utang mo sa akin."
"Hindi pa ba ako bayad? Minahal kita tapos binigay ko sayo ang sarili ko. Aba, sobra-sobra pa dapat iyon dahil ikaw ang nakauna sa akin."
"Okay, bayad ka na sa lahat na utang mo sa akin."
"Althea?" Pareho kaming lumingon sa taong nagtawag sa kanya at kumunot ang noo ko dahil hindi ko maalala kung ipinakilala ba siya sa akin ni Thea bago siya nagkaroon ng amnesia.
"Who are you?" Tanong niya doon sa lalaki.
"Hindi mo ko maalala? Ako ito, si Marvin. Yung kaibigan ng kuya Travis mo."
Mas lalong kumunot ang noo ko. So siya pala yung mangliligaw ni Thea dati na isang babaero. Well... Thankful ako sa ginawa niya, kung hindi niya ginawa iyon baka hindi ko nakilala si Thea.
"Pasensya na pero may amnesia kasi si Thea ngayon. Konti pa lang ang naalala niya."
Binaling niya ang tingin sa akin. "Ganoon ba? Sige, alis na ko."
Pagkaalis noong lalaki ay naririnig ko ang pagsigaw ni Thea. Kaya yung ibang tao ay napapatingin sa direksyon namin dahil sa sigaw niya.
Tumayo ako para tumabi sa kanya. "Thea, what's wrong?"
Tumingin sa akin si Thea na may luha ang pumapatak sa pisngi niya. "M-May naalala ako doon sa lalaki kanina."
"Ano ang naalala mo?"
"Habang nasa kasal ako ng pinsan ko ay bigla ko siyang nakita doon pero ayaw ko siyang makita o makausap kaya umalis na lamang ako. Sa masamang palad hindi ko namalayan na may sasakyan na parating kaya nasagasaan ako."
Siya pala ang may kasalanan kung bakit nagkaroon ng amnesia si Thea at namatay ang anak namin.
Galit akong tumayo dahil nalaman ko na rin ang dahilan kung bakit naaksidente si Thea. "Thea, dito ka lang at may nakalimutan ako kanina. Babalik rin ako agad."
Hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya kay Thea. Okay sana hindi na lang siya nagpakita pang muli sa girlfriend ko, buhay pa sana hanggang ngayon ang anak namin.
Nakita ko siya sa parking lot kaya agad ko siyang sinuntok dahilan napaupo siya sa semento.
"What the hell?!"
Hinatak ko ang damit niya. "Nang dahil sayo kaya nagkaroon ng amnesia si Thea at buhay pa sana ang anak namin!"
"Anak niyo? Sino ka ba?"
"Vixen Vermillion. Boyfriend ako ni Thea."
"Boyfriend? Hindi ko alam na may boyfriend na pala siya at hindi ko ginusto ang mangyari sa kanya at sa anak niyo."
"Huwag na huwag ka na magpakita pa sa kanya dahil hindi lang suntok ang matatanggap mo sa akin!" Banta ko sa kanya kaya binitawan ko na rin ang damit niya. "Hindi mo alam ang pwede kong gawin sayo."
Binalikan ko na si Thea at nakita kong dumating na ang mga inorder namin pero hindi pa siya nagsimulang kumain.
Hinalikan ko siya sa tuktok ng ulo niya at umupo na sa harapan niya. "Akala ko ba gutom ka na. Bakit hindi ka pa kumakain?"
Tumingin siya sa akin. "Hinihintay kitang bumalik. Ano ba yung nakalimutan mo?"
"Tinakot ko siya para hindi na siya magpakita sayo. Okay ka na? O gusto mong umuwi pagkatapos natin kumain para makapagpahinga ka."
"Okay na ko." Hinawakan niya ang kamay ko nakapatong sa mesa. "Ngayon naalala ko na ang lahat, Vixen."
"That's great." Masaya ako dahil naalala na ni Thea ang lahat.
Pagkatapos namin kumain ay namasyal ulit kami saka pumunta kami sa department store dahil may gusto daw siyang tingnan.
"Kailan mo sasabihin sa mga magulang mo naalala mo na ang lahat?"
Tumingala siya sa akin at saka hinawakan ang kamay ko. "Baka mamaya paguwi natin. Gusto ko sana samahan mo ko mama– Bakit mo tinitingnan ang daliri ko?"
Binaling ko ang tingin sa kanya. "Huh? Hindi naman ako tumitingin sa daliri mo."
Shit. Ang hirap pala ng ganito. Paano ko ba iyon nagawa dati? Hindi ko rin alam.
"Ano nga ulit ang sinasabi mo kanina?"
"Naku, Vixen... Hindi ka kasi nakikinig sa akin."
"Sorry. May iniisip kasi ako kanina."
"Gusto ko sana samahan mo ko mamaya paguwi. Hindi ka naman siguro nagmamdaling umuwi sa inyo, 'no?"
"Wala naman akong gagawin sa bahay paguwi ko kaya masasamahan kita sa inyo mamaya."
Ngumiti siya sa akin. Mas lalong gumaganda si Thea kapag ngumingiti siya. "Thank you."
"Anyway, kanina pa tayo nakatayo at naguusap dito pero wala ka pa rin napipiling damit na gusto mong bilihin." Sabi ko at nagtataka ako kung bakit kami nandito sa male section. Sino naman kaya ang bibilihan niya ng damit? Mga kapatid yata niya.
"Hindi ko kasi alam kung ano ba mas babagay sayo dito."
Kumurap ako sa narinig. "Para sa akin ba?"
"Oo. Dahil niregaluhan mo ko ng damit noong birthday ko kaya naisipan kong bigyan rin kita."
"Hindi mo na kailangan gawin ito, Thea. Regalo ko sayo iyon noong birthday mo."
"Please accept this as my gift to you for your early birthday."
Mapakamot ako ng ulo. "Sige na nga. Hindi mo ko tatanggihan kung 'di ko tanggapin ang regalo mo sa akin."
"Ano ang gusto mo?" Pinakita niya sa akin ang dalawang damit.
"Ikaw sana ang gusto ko sa darating na birtnday ko pero dahil gusto mo kong regaluhan kaya..." Tiningnan ko ng maigi ang dalawang damit at kinuha ko sa kanya ang napili ko. "Ito ang napili ko."
Kinuha na niya sa akin ang napili kong damit. "Final answer?"
Nagtataka ako dahil sa tanong niya. "Yes. Why?"
"Nothing. Since ito na ang pinili mo kaya babayaran ko na." Nakangiting sabi niya.
Sa tuwing nakikita kong masaya si Thea ay napapangiti na rin ako. Masaya rin kasi ako kapag nakikita ko siyang masaya. Gagawin ko ang lahat basta huwag lang mawala ang ngiti sa mga labi niya.
BINABASA MO ANG
It Started With A Lie
RomanceChase Sequel # 4: Althea Chase Si Althea ang nagiisang anak na babae nina Trey at Pauline Chase. Maarte sa ibang bagay lalo na sa lalaking kinaiinisan niya dahil sinaktan lang niya ito. Isang gabi nagpaalam siya na pupunta siya sa bahay ng kaibigan...