Pupuntahan ko na si Thea sa coffee shop dahil may usapan kami na magkikita ngayon kahit masyadong busy sa trabaho.
"Vixen?"
Huminto ako sa paglalakad sa tapat ng coffee shop at laking gulat ko ng makita kung sino ang tumawag sa akin.
"Alicia..."
"How are you?"
"I'm fine. Masaya kung ano meron ako ngayon. At naparito ka ba para kamustahin si Dale?"
Umiling siya. "Ikaw ang gusto kong makausap. Gusto ko lang malaman kung–"
"I'm sorry, Alicia. Sinabi ko na rin naman sayo noong huling paguusap natin na may girlfriend na ko. Masaya ako sa tuwing kasama ko siya at ikakasal na rin ako kaya huwag mo na guluhin pa ang buhay ko. Mahal ko si Thea."
Nangako rin naman ako kay Thea na hindi ko siya ipagpapalit dahil hindi ko kayang wala siya sa tabi ko. Kahit isang araw lang na galit siya sa akin hindi ko na alam ang gagawin ko. Muntik na nga kami maghiwalay na dalawa.
Pagpasok ko sa coffee shop tuloy-tuloy ako hanggang sa counter pero hindi ko makita si Thea kaya lumapit ako sa isang empleyado.
"Excuse me."
"Ano ho ang matutulong ko sa inyo, sir Vixen?"
"Nakita mo ba si Thea?"
"Parang nakita ko pong lumabas si ma'am Thea sa backdoor."
Sa backdoor? Hindi kaya...? Shit!
"Salamat." Nagmamadali akong pumunta sa backdoor at sana mali ang iniisip ko.
Nakita ko si Thea nakaupo sa stairs pero mukhang napansin niya ang presensya ko dahil lumingon siya sa akin.
Pilit na ngumiti siya sa akin. "Siya yung ex wife mo, 'di ba? Maganda pala siya. Kaya siguro maraming lalaki ang nagkakagusto sa kanya at isa ka na doon."
Shit. Nakita nga niya na kausap ko kanina si Alicia.
Umupo ako sa tabi niya at pinunas ang luha niya. "Tahan na. Kung ano man ang nakita mo kanina, nagkamali ka. Nangako ako sayo na kahit anong mangyari ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin ko. Hindi ako magdedesisyon na ligawan ka kung hindi kita mahal, Thea. Masaya ako sa tuwing kasama ka at hindi ko kayang wala ka sa tabi ko."
"Hindi ka ba naging masaya sa tuwing kasama mo siya dati?"
"Masaya pero iba ang saya nararamdaman ko kapag ikaw ang kasama ko. Naging miserable nga ang buhay ko noong panahon nagalit ka sa akin dahil hindi ako nagsabi ng totoo sayo." Hinawakan ko ang pisngi niya at hinalikan ko siya sa labi. "Ganoon kita kamahal, Thea."
Niyakap niya ako. "I love you too, Vixen."
Ginantihan ko siya ng yakap. "Kaya huwag ka na magselos pa kay Alicia. Matagal ko ng tinapos kung ano ang pagitan sa amin simulang nakilala kita. Ang tungkol naman kay Dale ay hindi siya ang kinikilalang ina."
"Sino ang kinikilalang ina ni Dale?"
"Gusto mo talaga malaman?"
"Magtatanong ba ko kung ayaw kong malaman?"
"Ikaw na ang kinikilalang ina ni Dale simulang naging girlfriend kita."
Nakita ko ang pagpula ng pisngi niya dahilan na napangiti ako. "Huh?"
"Nagustahan ka agad ni Dale noong gabing nakita ka namin na walang malay sa tapat ng bahay namin dati. Sabi ko nga sayo siya pa ang nagsabi sa akin na walang mawawala kung susubukan kong ligawan ka at tama siya dahil sobra-sobra pa ang binigay sa akin."
BINABASA MO ANG
It Started With A Lie
RomanceChase Sequel # 4: Althea Chase Si Althea ang nagiisang anak na babae nina Trey at Pauline Chase. Maarte sa ibang bagay lalo na sa lalaking kinaiinisan niya dahil sinaktan lang niya ito. Isang gabi nagpaalam siya na pupunta siya sa bahay ng kaibigan...