"Paano ka nakasigurado na ako yung kapatid mo na sinasabi ng mama mo?" Tanong ko. Sa daming baby na inabandon ng magulang kaya imposible ako ang sinasabi niya.
"I did my researched about you. Tugma lahat na sinabi ni mama sa akin nang nalaman ko ang tungkol sa pagkatao mo. Kaya hindi ako pwedeng magkamali na ikaw ang kapatid ko."
"Ano ang kailangan mo sa akin kaya mo ko hinahanap?"
"May malubhang sakit si mama at ang kahilingan niya ay makita ka niya. Sana pumayag kang makipagkita ka sa kanya bago mahuli ang lahat."
Dumungaw ako sa bintana. "Pumapayag ako makipagkita sa kanya dahil may gusto akong malaman pero huwag kayo umasa na papasok kayo sa buhay ko."
"Salamat, kuya."
"Huwag mo kong tatawaging kuya. Magkapatid lang tayo dahil pareho tayo ng magulang pero hindi kayo ang kinilala kong pamilya. Matagal ng pata ang mga magulang ko." Tumingin ako sa kanya dahil may gusto ako malaman. "Bakit mo ko sinundan kanina?"
"Hindi ko intensyon sundan ka kung saan ka pupunta. Dahil nga gusto kitang makausap kaya pumunta ako sa bahay mo pero nakita kitang umalis." Tumingin rin siya sa akin. "Huwag ka magaalala hindi ko rin sasabihin sa iba ang sikreto mo."
"Eyes on the– Shit!" Inagaw ko ang manibela sa kanya para iliko ang kotse niya.
Ang huling naalala ko ay nahulog ang sinasakyan namin sa tubig at tumingin ako sa katabi ko dahil hindi kumikilos si Rhyme. Shit, malalagot ako nito kay Thea kapag hindi ko siya niligtas. Kahit naging karibal ko siya kay Thea ay kapatid ko pa rin siya.
Binasag ko na ang salamin sa side ko para makalabas na sa kotse at pumunta na sa side ni Rhyme para basagin rin ang salamin.
Damn, naipit ang isa niyang paa.
Wala na akong pakialam kung bumuka ang sugat ko. Ang importante mailigtas ko si Rhyme dito.
Nang mailigtas ko na siya ay umahon na kami sa tubig at nilapag ko si Rhyme sa damuhan.
"Damn! Gumising ka!" Sinusubukan kong bigyan siya ng hangin saka nilapit ang ulo ko sa dibdib niya para pakinggan ang heartbeat nito.
Nakita kong nilabas na niya ang tubig nainom niya at dumilat na siya. "W-What happened?"
"Oh God!" Napaupo ako sa damuhan at nakahinga ng maluwag. "Mabuti gising ka na. Kailangan na natin pumunta sa airport baka hindi ko na maabutan si Thea."
"Right!" Bumangon na siya. "Ugh... Why I can't feel my leg?"
"Gusto mo bang tumawag ako ng ambulansya?" Kinapa ko ang bulsa ko pero wala doon ang phone ko. Mukhang nahulog sa tubig habang nililigtas ko kanina si Rhyme. "Shit."
"Don't worry about me. The important thing is that you get to the airport right away. Go!"
Tumayo na ako para makaalis pero lumingon ako sa likod. Nagaalala talaga ako kay Rhyme pero baka magalit pa siya sa akin kapag hindi pa ako umalis.
Sumakay na ako ng taxi ng may huminto sa harapan ko. "Sa airport tayo."
Nang makarating na sa airport ay nagmamadali na kong pumasok sa loob. Sana hindi pa nakakaalis ang eroplano ni Thea. Kailangan ko pa siyang makausap kung bakit hindi niya sinabi sa akin na aalis siya ng bansa.
"Sir, bawal ho kayo pumasok kung wala kayong ticket." Pagpigil sa akin ng guard.
"Payagan niyo na kong pumasok kahit saglit lang baka nasa loob ang babaeng mahal ko. Kailangan ko lang siya makita." Sabi ko pero hindi talaga pumayag ang guard na pumasok ako.
BINABASA MO ANG
It Started With A Lie
RomanceChase Sequel # 4: Althea Chase Si Althea ang nagiisang anak na babae nina Trey at Pauline Chase. Maarte sa ibang bagay lalo na sa lalaking kinaiinisan niya dahil sinaktan lang niya ito. Isang gabi nagpaalam siya na pupunta siya sa bahay ng kaibigan...