Vixen's POV
May narinig akong nagdodoorbell at wala akong inaasahang bisita. Kung kay Dale iyon ay dapat nagpapaalam na muna siya sa akin na bibisita ang mga kaibigan niya.
Tumingin ako sa ibaba dahil kitang kita dito kung sino ang bumisita at kumunot ang noo ko ng malaman kung sino iyon.
"Vixen, may bisita ka."
Lumingon ko kay manang Ada. "Papasukin niyo ho siya."
Bumalik na ulit sa loob si manang Ada para papasukin ang bisita ko at nilagay ko na ang sigarilyo sa ashtray nasa tabing table.
Bumaba na ako para puntahan na ang bisita ko kahit alam ko na kung sino iyon.
"Why are you here?"
"Dalawang beses mo na akong tinanggihan kaya ngayon hindi na ako papayag na tumanggi ka pa sa akin." Sabi niya habang nakaturo siya sa akin.
Ang kulit pala niya pero kapag nalaman niya na isang delikadong tao ay baka siya pa mismo ang lalayo sa akin.
"Ano ang gagawin mo kung tumanggi ulit ako sayo?"
"Kukulitin kita hangga't pumayag ka na sa kagustuhan ko."
Tumawa ako ng mahina. "Okay...? Ano ba ang gusto mo? Bayaran ang pagtulong ko sayo?"
"Yes. Ano ba ang gusto mo? Tinanggihan mo na kasi ang paglilibre ko sayo ng coffee."
"Pasensya na. Kaya lamang ako nandoon dahil magkikita kami ng kasamahan ko sa trabaho."
Naayos na ang lahat kaya bumalik na ulit ako sa pagiging assassin ko. Hindi na ako bumalik s Chase Aviation Services para hindi na nila ako tanungin kung bakit ako biglang umalis, na walang pasabi at ayaw ko rin malaman ng iba na isa akong assassin.
Payagan ko na kaya siya sa kagustuhan niya para tigilan na niya ako sa pangungulit.
"May alam ako na gusto kong puntahan." Hinawakan ko na ang braso niya at sabay na kaming lumabas ng bahay.
"Saan naman iyon?"
"Basta. Sumama ka na lang sa akin."
Kahit tirik pa ang araw ay pumupunta ako ng bar para makalimutan ang masasakit na nakaraan ko.
"Eh? Bar?" Nagulat siya ng malaman niyang pumunta kami ng bar. "Pwede bang sa iba na lang tayo pumunta?"
"Bakit? Natatakot kang makita ng bartender dito?"
"Paano mo bang nalaman na may ginawa akong mali dati?"
"Thea, hindi mo na ba naalala na may nabangga ka dati? Ako lang naman yun at alam ko ang ginawa mo dati."
"Huh? Ikaw pala yun. Sorry talaga hindi ko naman ginusto ang ginawa ko. Minalas lang talaga ako noong mga panahon na iyon."
"Tara na sa loob at ililibre mo pa ako ng maiinom."
Mabuti na nga lang may mauupuan pa kami malapit sa bar counter at nakita kong nakahinga siya ng maluwag dahil iba ang bartender ngayon.
"Yung dati kong inoorder." Sabi ko at saka tumingin kay Thea. "Ano ang gusto mo?"
"Um, orange juice na lang sa akin."
"Coming up, sir Vixen."
"Madalas ka ba pumupunta dito?" Tanong niya sa akin.
"Oo. Lalo na kung may isang bagay ako gustong kalimutan. For example; gusto kong kalimutan ang nakaraan ko."
"Pwede bang magtanong sayo?"
"Kanina ka pa nagtatanong sa akin, Thea."
"I mean, personal. Kung ayos lang ba sayo."
"Alam mo namang personal iyang tatanungin mo pero gusto mo pa rin malaman."
"Oo o hindi lang ang sagot. Ang dami mo pang sinasabi diyan."
"Okay, ano ba ang gusto mong malaman?"
"Nasaan ang asawa mo? Yung mommy ni Dale. Dalawang beses na kasi ako pumunta sa bahay mo pero hindi ko pa siya nakikita."
"Ewan ko. Hindi ko alam kung nasaan na siya ngayon."
"Asawa mo pero hindi mo alam kung nasaan. Ibang klase ka, Vixen."
Ininom ko na ang whiskey ng sinerve na sa akin ng bartender. "Ito ang sasabihin ko sayo, Thea. Matagal na kaming hiwalay ng mommy ni Dale."
"Mahal mo pa rin ba?"
Binaba ko ang baso sa counter. "Hindi naman natin pwede pigilan ang nararamdan natin sa isang tao. Kahit sinaktan niya ako ay siya pa rin ang babaeng minahal ko pero sa ibang lalaki siya napunta."
"I'm really sorry to hear. Pero alam ko ang pakiramdam na hindi ikaw ang mahal ng mahal mo."
"Bakit? Nagmahal ka na ba?"
"Hindi ko masasabi na mahal ko siya kasi tatlong beses ko pa lang naman siya nakausap. Pero sa tingin ko may crush ako sa kanya."
Kumuha ako ng isang sigarilyo at nilagay sa bibig ko bago sindihan. "Ilang taon ka na ba?"
"That's rude! You should never ask the age of a woman."
Kumunot ang noo ko ng tumingin sa kanya. "At bakit naman?"
"Basta." Sagot niya at ininom na niya ang orange juice. "How about you? How old are you?"
"You don't want to answer my question to you, so I won't answer yours."
Lumabi siya. "Meanie! Okay, fine! I'm already 32. Ayan, sinagot ko na ah kaya ikaw naman."
"I'm already 36." Uminom ulit ako ng whiskey. "May naging boyfriend ka na?"
"Wala pa akong naging boyfriend."
"Imposibleng wala ka pang naging boyfriend. Sa ganda mong iyan."
Kita sa gilid ng mata ko ang pagiwas siya ng tingin. "I accept that as a compliment."
"Totoo namang maganda ka, Thea. Kaya imposibleng wala ka pang boyfriend."
"Thank you." Tumingin ulit siya sa akin. "Pero may mangliligaw ako dati."
Nilapag ko ulit ang baso na hawak ko sa counter bago tumingin sa kanya. "What happened?"
"Kasama ko noong mga panahon na iyon ang isa kong kaibigan at siya pa yung nakakita doon sa mangliligaw ko na may kasamang babae. I admit it he is a playboy pero kinausap ako ng isa kong kuya na bigyan ko siya ng pagkakataon. Binigyan ko nga siya ng pagkakataon na ligawan ako pero wala, eh. He never changed. Kaya nakita mo ko nandito dahil sa kanya."
"So, you love him?"
"Neither like him nor love him. Ang ayaw ko sa isang lalaki ay babaero hindi kasi sila kontento sa isang babae."
"I thought you love him kaya ka pumunta dito sa bar."
"Nah, naiinis ako sa kanya. Kapag nakita ko siya hindi lang talaga sampal ang matatanggap niya sa akin."
Ngumiti ako habang nakatingin sa baso ko. "Baka ma-turn on ako sayo dahil ang gusto ko sa isang babae palaban."
"Huh?" Binaling ko ulit ang tingin sa akin at kitang kita ang pagpula ng pisngi niya. "Ano kasi... Ayaw kong umasa sa mga kapatid ko lalo na sa mga kuya ko."
"So, you're the youngest?"
"I can't say I'm the youngest because I have a twin brother. Pero nagiisa babae lang ako sa magkakapatid."
"That's why..."
BINABASA MO ANG
It Started With A Lie
RomanceChase Sequel # 4: Althea Chase Si Althea ang nagiisang anak na babae nina Trey at Pauline Chase. Maarte sa ibang bagay lalo na sa lalaking kinaiinisan niya dahil sinaktan lang niya ito. Isang gabi nagpaalam siya na pupunta siya sa bahay ng kaibigan...