25

119 6 0
                                    

"So, tell us about yourself, Vixen..."

"Dati akong empleyado sa CAS pero nagkaroon ng personal emergency kaya bigla akong umalis."

"Wala kang trabaho ngayon?"

Umiling ako. "Hindi ho. Last year I applied to the restaurant owned by ms. Althea Chase. Ayaw kong mahirapan si Thea sa dalawang business niya kaya naisipan ko tulungan siya."

Tumingin ako kay Thea ng tumayo na siya. "I'm going back to my room."

"You didn't even touch your food."

"I lost my appetite, mom." Sabi niya at iniwanan na kami. Para bang pakiramdam kong ayaw niya kong makita.

"Ano nangyari? Parang biglang nawalan ng gana si Thea ngayon." Pagtataka ni Theo sa kakambal niya.

"I'm sorry but I'm worried about Thea. Excuse me." Sabi ko saka tumayo na. Kinuha ko na yung pagkain na hindi ginalaw ni Thea para dalhin ko sa kanya.

Kumatok na ako sa pinto ng nakatayo na ako sa tapat nang kwarto niya.

"Thea, please open the door."

Binuksan niya ang pinto. "Why are you here?"

Pinakita ko sa kanya ang hawak kong plato. "I'm worried about you."

"I lost my appetite nga, eh."

"Kahit konti lang kumain ka. Baka kasi magkasakit ka niyan kung hindi ka kumain."

"Ang kulit mo rin, 'no?"

"Like what you did before." Nakangiting sabi ko. "Alam kong hindi mo maalala na kinukulit mo ko dati."

"Argh! Pumasok ka na nga." Niluwagan na niya ang pinto dahilan na pumasok na ko sa kwarto niya. Kinuha na niya sa akin ang platong hawak ko at nagsimula na siyang kumain. "Ganyan ka ba kakulit?"

"Nope. May isang tao kasi ang sobrang kulit kahit tumanggi na ko sa kanya pero gusto niya talagang bayaran ang pagtulong ko sa kanya dati."

"So, tinanggap mo yung gusto niyang mangyari?"

"Yes. Ang akala ko nga lalayuan na niya ko pagkatapos niyang bayaran ang pagtulong ko sa kanya but I fell in love with her instead. Those time that I didn't know much about her yet but I still loved her even though she lied to me."

"Are... Are you referring to me?" Nakatingin siya sa akin habang may luhang pumapatak sa pisngi niya.

"Yes." Pinahid ko na ang luha niya. "Someone told me; Maybe person loses memory but the heart does not."

"Bakit nagtitiyaga ka pa rin kahit hindi na kita maalala?"

"I love you, Thea. I always love you." Hinawakan ko ang kamay niya at hinalikan ang likod nito. "No matter what happen I will always love you. If you don't remember me, we can make a new memories together."

"I–I really want to remember about you, Vixen. I know something is missing, maybe it's you..."

Pinadikit ko ang noo namin. "Not just me. Kahit anong mangyari gagawin ko ang lahat para maalala mo kaming lahat na mahalaga sayo. Your two best friends, my brother and your employees are waiting for you, Thea."

"I'm done. Wala talaga 'kong gana kumain ngayon." Inabot na niya sa akin ang pinagkainan niya.

Kinuha ko na sa kanya ang plato. "Okay. Hindi na kita pipilitin ubusin ang pagkain. Baba na ko para makapagpahinga ka na."

"Wait. Can... Can we meet tomorrow? Hindi ba may iba pa tayong pupuntahan dapat ngayon pero sa hindi inaasahan biglang sumakit ang ulo ko."

Ngumiti ako sa kanya. "Okay. Pagkatapos ng trabaho ko bukas ay ipapaalam ulit kita sa mga magulang mo."

"Ugh! I don't want to say this pero hindi mo naman kailangan iuwi ako bago gumabi. Hindi na ko bata para bantayan nila. I'm old enough to do whatever I want."

"Nagaalala lang sila sayo. Sige na. Pahinga ka na." Hinalikan ko siya sa noo bago lumabas ng kwarto niya.

Pagkasarado ko sa pinto ng kwarto ni Thea ay napatalon ako sa gulat dahil nasa likuran ko pala ang pamilya niya at mukhang hinihintay ako o may gustong sabihin sa akin.

"Nagpapahinga na ho siya ngayon."

Tumango ang mama ni Thea sa akin. "Can we continue what we started earlier?"

"Sige ho."

"But you don't have to tell me about yourself anymore. My husband and Evan told me everything about you and they also that you have an adoptive son."

"Yes, ma'am. Even though he's the son of my ex wife but I'm so proud of him."

Nagbago ang tingin ko kay Dale simulang kinausap ako ni Thea. Mas lalo akong bumabawi sa mga panahon na wala ako sa tabi niya at may bonding rin kami kapag wala kami masyadong ginagawa.

"Vixen, alam mo ba ang numero uno kinakatakutan ni Thea everytime she talks about you?"

Kumunot ang noo ko. "She mention something before. Natatakot siya kung bumalik ang ex wife ko."

"Yes, that's right."

"Ma'am, kahit anong mangyari si Thea pa rin ang pipiliin ko. Kung hindi dahil kay Thea baka wala ako ngayon dito. Kung hindi rin dahil sa kanya baka hanggang ngayon hindi pa rin maganda ang relasyon namin ng anak ko."

"Hindi ko inakala na magkakagusto ka sa kapatid ko. I admit it maganda si Thea at marami ring kalalakihan ang nagkakagusto sa kanya noong nagaaral pa sila ni Theo pero isang malaking tanong. Sigurado ka na ba?" Sambit ni Evan.

"I'm really sure. Why, Evan?"

"Hah! If you want to know more about our sister baka magbago lang iyang isip mo."

Umiling ako. "That's impossible. I really want to know more about her."

"Okay, if you really insist. Since we mention earlier na malapit na ang birthday ng kambal pero..." Binaling ni Evan ang tingin kay Theo na parang naguusap ang dalawang magkapatid.

"We want you to celebrate her birthday on that day. Hindi naman namin kailangan i-celebrate namin at same time. I have a family now and Thea needs you."

"Is that all? I thought you have something important to tell me."

"Nuh-uh. Paalala lang namin sayo na isang maarteng babae si Thea sa ibang bagay lalo na sa mga ayaw niya." Ani Evan.

Why I didn't know that? Hindi naman maarte si Thea sa tuwing magkasama kaming dalawa.

"One more thing, the three of us will give you the blessing. Please, take care of our sister." Ani Travis.

Ngumiti ako ng isang malawak. "I will. Thank you."

"Sorry po kung sumingit kaming tatlo kanina. Gusto lang namin pagusapan ang tungkol sa plano namin sa birthday ni Thea. Alis na po kami." Sabi ni Evan.

"It's okay. Alam kong may gusto rin kayong sabihin kay Vixen kaya hinayaan ko na lang kayo."

Nagpaalam na ulit ang tatlong kapatid ni Thea bago pa sila lumabas ng bahay.

"Um, alis na rin ho ako, ma'am." Binaling ko ang tingin sa papa ni Thea. "Sir..."

"Stop calling us ma'am and sir. Hindi ba boyfriend ka ng anak namin? Dapat ang tawag mo sa amin tito Trey at tita Pau." Tumingin ulit ako sa mama – I mean, tita Pau. "At saka nakikita ko na mahal mo talaga si Thea at handa kang gawin ang lahat para sa kanya."

"Yes po. Simulang naghiwalay kami ng ex wife ko hindi na ko naghanap pa ng iba hanggang sa dumating sa buhay ko si Thea."

"So I will give you the blessing too."

"Pinagkatiwalaan namin sa 'yo si Thea kaya alagaan mo siya." Seryosong sambit ni tito Trey.

"Makaasa ho kayo sa akin."

Sana maalala na ni Thea ang lahat para mayaya ko na siya magpakasal sa akin at gagawa kami ng masasayang alaala na magkasama.

It Started With A LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon