10

128 8 0
                                    

Vixen's POV

"Dad..." Kumurap ako pagkarinig ko ang boses ni Dale. "Akala ko po ba gusto niyong bumawi sa akin kaya tayo nandito ngayon sa basketball court pero mukhang wala ang utak niyo dito."

"Pasensya na, Dale. May iniisip lang ako."

"Balik na lang po tayo sa susunod kapag okay na kayo."

Hindi kasi mawala sa isipan ko yung sinabi ng Rhyme na iyon noong nakasalubong ko siya kung saan nagtatrabaho si Thea.

Kumunot ang noo pagkalingon ko sa kanya. "Hindi ba ikaw yung nangliligaw kay Thea?"

"Oo, ako nga iyon. At sino ka naman?"

"Vixen. Vixen Vermillion." Nilahad ko ang kamay ko at tinanggap naman niya agad.

"Rhyme Natividad. Paano mo pala nakilala si Althea?"

"Althea?"

"Yes. Her full name is Althea Chase. Hindi mo ba alam?"

Isa siyang Chase si Thea pero bakit hindi niya sinabi sa akin ang totoo? Nagsinungaling pa siya sa akin na isang normal na pamilya ang meron siya. Sabagay, sino ba naman ako para pagkatiwalaan niya? Isa rin naman ako hindi sinabi sa kanya kung sino ba talaga ako. Ayaw ko kasing lumayo siya sa akin pero kahit na nagsinungaling pa rin siya sa akin.

"Sige, alis na ako."

Ilang araw na rin ang lumipas na wala akong paramdam kay Thea. Hindi ko nga rin sinasagot ang mga tawag niya sa akin. Sobra akong nasaktan sa pagsinungaling niya sa akin.

"Nakakamiss si tita Thea. Ang tagal na kasi hindi siya nagpaparamdam sa atin." Rinig kong sambit ni Dale.

Kumunot ang noo ko. "Don't ever mention that name again!"

Simula ngayon pinagbabawalan ko na banggitin ang pangalan niyang iyan. Gusto ko siyang kalimutan.

Kinagabihan nakipagkita ako kay Axel dahil ang sabi niya sa akin may mission daw siya ibibigay sa akin. Matagal tagal na rin ang huling nagkaroon ako ng mission kahit matagal na akong bumalik sa pagiging assassin ko.

"Yo, Vixen. Good you're here." Pagkakita niya sa akin.

"Ano ang mission mo sa akin?"

"Maupo ka na muna." Alok niya ang bakanteng upuan sa harapan niya kaya umupo na ako doon. "Comeback mission mo itong gagawin mo ngayon."

"Para naman ang tagal kong nawala para magkaroon ng comeback mission. Sino ba ang target ko ngayon?"

"Huwag ka masyadong atat sa mission mo, pare. Sasabihin ko rin naman sayo agad kahit ang plano."

Sinabi na sa akin ni Axel kung sino ang magiging target ko sa mission na ito kahit rin ang plano na gagawin ko.

"Kung gusto mo ngayon mo na bantayan ang target mo para may ideya ka kung paano mo siyang papatayin."

"Pwede bang umuwi na muna ako sa bahay para kunin ang mga gamit ko? At kukuha na rin ako ng extra na damit. Tapos dederetso na rin ako doon."

"Ikaw ang bahala. Ang importante matapos mo itong mission at malaki laki rin ang makukuha mong share dito kapag tagumpay ka sa mission na ito."

Kinuha ko na ang mga kailangan ko sa mission dahil hindi ako sigurado kung gaano ako tatagal bago ko matapos ang mission na ito.

Nilagay ko na ang mga gamit ko sa kotse at dumeretso na sa lugar kung saan ako maaaring makita ang target ko. Malayo layo rin itong pupuntahan ko.

Nang makarating na ako sa kagubatan ay mabuti na lang may isang abandonado kaya doon ako pumuwesto at inayos ko na rin ang rifle ko.

"Sa dami pwede niyang pagbakasyunan dito pa talaga niya naisipan magbakasyon. Tsk."

Habang hindi pa siya lumalabas sa bahay niya ay inabala ko na muna ang sarili ko sa laptop. Kailangan ko rin kumuha ng ibang impormasyon sa target ko.

Isa pala siyang kilalang businessman at druglord.

"Kahit kailan talaga si Axel mainit ang ulo sa mga druglords." Dumungaw ako sa labas at binaling ko rin ang tingin ko sa relos. "May balak pa ba iyon lumabas ng bahay niya?"

Bigla akong nakaramdam na kakaiba. Sana mali ang inisiip ko ngayon.

Kinuha ko na muna ang maliit na kutsilyo bago lumabas sa abandonado para puntahan yung target ko at nakita ko siyang nakatalikod sa direksyon ko.

Good he still alive.

Mabuti na rin wala siyang kasamang bodyguards dahil ang sabi rin sa articles na nabasa ko ay mahirap daw makalapit sa kanya dahil marami siyang bodyguards.

Lumapit na ko sa kanya dahilan na lumingon siya sa akin. "Who are you?!"

"That's not important to know who I am." Agad akong lumapit sa kanya para saksakin siya. Mas lalo ko pang diniin ang kutsilyo sa dibdib niya bago binunot.

"Argh..." Tiningnan niya ang palad niya na may dugo at hinawakan niya rin ang damit ko bago pa siya bumagsak sa damuhan.

Hindi ko inaasahan na ganito pala kadali ang mission na binigay sa akin ni Axel.

Pinunasan ko na ang kutsilyo na may dugo ng target ko para wala makuhang ebidensya ang mga kapulisan sa nangyari kahit rin ang suot kong damit ay kailangan kong palitan at itago sa hindi makikita ng iba.

May narinig akong suminghap dahilan na lumingon ako sa likod ko at may nakita akong tumatakbo palayo sa direksyon ko. Shit! May nakakita sa akin.

Binitawan ko ang pala na ginagamit ko sa paghukay para habulin ang taong iyon. Hindi ako papayag na magsumbong siya sa mga pulis kung ano man ang nakita niya kanina.

Naabutan ko yung tao at tinakpan ko ang bibig niya para hindi siya makakagawa ng kahit anong ingay pero laking gulat ko makita kung sino ito.

"Thea?!"

Tumingin siya sa akin na may luha at kitang kita rin ang takot sa mga mata niya. "Mmm..."

Hindi ko alam na sinundan pala niya ako. Pero bakit? Binalaan ko siya dati na manganganib ang buhay niya kapag palagi niya akong kasama pero nagbalak akong liligawan siya.

Kahit gusto kong pigilan ang nararamdaman ko pero nagkakagusto na rin ako sa kanya.

"Hindi kita sasaktan kung hindi ka magsusumbong sa mga pulis kung ano man ang nakita mo kanina."

Hindi na siya sumagot kasi nawalan na siya ng malay dahil na rin siguro sa takot na maaaring gawin ko sa kanya. Ito na nga ba ang kinakatakutan ko kapag nalaman niya ang totoo.

Bumalik na rin ako sa abandonado para doon na muna ako papalipas ng gabi at binaba ko na si Thea sa kama.

It Started With A LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon