Ilang araw na rin noong pinayagan si Vixen na lumabas ng hospital at ilang araw rin siya nagpapahinga sa kanila kaya minsan bumisita ako sa kanila. Tapos pinakilala niya sa akin ang dalawa kong kaibigan na sina Megan at Stacey. Sa dami ko pwedeng kalimutan yung mga mahalagang tao pa talaga sa akin. At pinuntahan rin namin ang iba pang lugar gaya ng paano kami nagkakilala na dalawa pero naikwento niya rin sa akin na may pumasok na magnanakaw sa bahay nila kaya kailangan nilang lumipat.
Pa unti-unti na may naalala ako sa ibang bagay pero hindi ko pa naalala kung paano ako naaksidente at nagkaroon ng amnesia. Siyempre, hindi ko na muna sasabihin kay Vixen na may konti na kong naalala ngayon.
"Bakit bigla kang nagyayang kumain sa labas?" Tanong ko. Niyaya kasi ako ni Vixen na kumain daw kami sa labas.
"We're going to celebrate your birthday."
"Birthday ko? Ibig sabihin birthday rin ni Theo ngayon?"
"Of course. He is your twin brother."
"Bakit hindi natin siya kasama?"
"May pamilya na ang kakambal mo ngayon kaya gusto niyang mag-celebrate na kasama sila. Ayaw mo bang kasama ako ngayon?"
"Hindi naman sa ganoon." Nilibot ko ang paningin ko dahil isang mamahaling restaurant kami pumunta. Hindi sa restaurant na pagmamay ari ko ah. "I thought you don't want to spend much money. Or you have uh... um, you have your own ways. That's right!"
Lumingon siya sa akin gulat na gulat. Para bang nakakita siya ng multo. "I never mention that I have my own ways. How did you know that?"
"Um..." Napakagat ako sa ibabang labi ko.
Ang tanga mo, Thea. Bakit mo binigyan ng clue si Vixen? Ugh. Ang tanga ko talaga.
"Thea, may naalala ka na ba?"
"Konti pa lang ang naalala ko ngayon."
"That's good news, Thea. Anu-ano ang mga naalala mo?"
"Like how we first met. Naalala ko ang tungkol doon hindi dahil nakwento mo sa akin dati pero bigla ko na lang naalala ang tungkol doon. Simula noon kinukulit na kita na bayaran ko ang pagtulong mo sa akin."
"Yes, that's right. Kahit ilang beses na kitang tinanggihan noon pero todo pa rin ang pangungulit mo."
"Tapos naalala ko rin yung nalaman kong may pinatay kang tao dati."
"Shit. Thea, please... Nagbagong buhay na ko at matagal na rin akong umalis sa dati kong trabaho."
"Don't worry, my lips are sealed. Mahal kita kaya hindi ko kayang isumbong kita sa mga pulis."
"Wait. Did you say I love you?"
"Bakit naman hindi? Boyfriend naman kita."
"Nothing. Nagulat lang ako sa sinabi mo."
"Normal lang naman na sabihin ko iyon sayo lalo na boyfriend kita."
"Yes. Kahit ilan beses mo pa gustong sabihin sa akin ang I love you." Hinila niya ako papalapit sa kanya at sinunggaban niya ako ng halik sa labi. "I love you too."
Ngumiti ako. Bigla kasi akong kinilig doon, eh. Kahit wala pa ako masyadong maalala tungkol kay Vixen pero siya ang sinasabi ng puso ko.
Tumingala ako sa kanya. "Order na tayo. Nagugutom na kasi ako."
Narinig ko ang pagtawa niya. Aba'y pinagtatawanan ba daw ako at saka wala namang nakakatuwa sa sinabi ko.
"No need. Umorder na ako kanina bago tayo pumunta dito." Pinagtulak na niya ako ng upuan kaya umupo na ako at umupo na rin siya sa harapan ko. Nagtawag na siya ng waiter para sabihing dalhin na yung inorder niya. "Marami pa kong surprise sayo, Thea."
"Surprise? Ano iyon? Sabihin mo na sa akin."
"Hindi na surprise ang tawag doon kung sasabihin ko sayo."
Lumabi ako. May point naman siya doon. "Fine."
Dumating na yung inorder niyang pagkain kaya nagsimula na kaming kumain.
"I have a question, Vixen." Sabi ko habang nakatingin sa kanya.
Huminto siya sa pagkain at tumingin na rin sa akin. "Go ahead."
"I own a restaurant. Bakit dito mo pa naisipan kumain? Kung pwede naman doon sa restaurant ko."
"Para maiba naman at magkakaroon rin tayo ng ideya kung ano ang pwede natin idagdag sa menu. Saka may naririnig rin kasi ako na maganda ang feedback sa restaurant kaya gusto ko rin subukan." Pabulong niya sa akin.
"May naisip ka ba kung ano ang idagdag sa menu?"
"I hate to admit it, wala pa kong maisip kung ano ang idagdag sa menu natin at saka masasarap ang mga putahe nila. Damn. Hindi tayo pwede magpatalo dito."
Hindi naman ito high class restaurant. Sadyang marami talaga ang kumakain dito at gaya nga ng sabi ni Vixen masarap ang putahe nila.
Pagkatapos namin kumain ay binayaran na ni Vixen ang mga kinain namin at umalis na kami sa restaurant.
"Where next?" Tanong ko sa kanya pagkasakay namin sa kotse.
"Sa bahay. Doon kasi ang mga surpresa ko sayo." Sabi niya at pinatakbo na niya ang makina ng kotse.
"Meron pala akong tanong sayo. Kung ayos lang ba sayo kasi ang dami ko ng tinatanong sayo ngayong araw. Baka kasi naiinis ka na."
"Okay. Feel free to ask me anything you want."
"Gusto ko lamang malaman kung paano ka naaksidente noon. Ayos lang kung hindi mo sagutin."
"Papunta na sana ako sa inyo sa mga panahon na iyon pero biglang tumirik yung makina ng kotse ko. Tumawag pa ko ng tulong para dalhin sa talyer yung kotse at dederetso na rin ako sa inyo pero hindi ko namalayan na may sasakyan na parating."
Napahawak ako sa ulo ko dahil may image ng isang lalaki yata iyon at kausap ko pero sobrang labo at hindi ko makita ang mukha noong lalaki. Sino iyon kaya iyon?
"Thea, are you okay?"
Napasinghap akong tumingin sa kanya. "May image na lumabas kanina. Isang lalaki yata iyon pero hindi ko makita ang mukha niya dahil sobrang labo."
"Huwag mong pilitin ang sarili mo maalala ang lahat.".
"Hindi ko naman pinipilit ang sarili ko. Bigla na lang may lumabas na image ng lalaki sa isipan ko pagkatapos kong marinig ang nangyari sayo dati."
"Gusto mo bang iuwi na kita sa inyo?"
Umiling ako saka ngumiti sa kanya. "Ayos lang ako at saka ayaw kong masira ang lahat na pinaghirapan mo para sa birthday ko."
"Ang importante ay ang kalagayan mo ngayon."
"Ayos lang talaga ako. Huwag ka masyadong magaalala. Punta na tayo sa inyo."
BINABASA MO ANG
It Started With A Lie
RomanceChase Sequel # 4: Althea Chase Si Althea ang nagiisang anak na babae nina Trey at Pauline Chase. Maarte sa ibang bagay lalo na sa lalaking kinaiinisan niya dahil sinaktan lang niya ito. Isang gabi nagpaalam siya na pupunta siya sa bahay ng kaibigan...