From Vixen;
Mauna ka na sa venue ng kasal ng kakambal mo. Susunod na lang ako mamaya kasi may inaasikaso pa ako dito sa bahay.
Binalik ko na ulit ang cellphone ko sa pouch na hawak ko pagkabasa ko sa message ni Vixen pero biglang bumaliktad ang sikmura ko para bang gusto kong ilabas ang lahat na kinain ko kahapon.
"Sino yung nagtext sayo?" Tanong ni Stacey sa akin. Mabuti nga dumalo ang babaeng ito sa kasal ni Theo. Hindi na nga namin siya mayaya sa galaan dahil sobrang busy daw. Sus, ibang busy yata iyon.
"One of my suitors."
"Haba ng hair." Sambit ni Stacey.
"Nabanggit sa akin ni Rhyme na binasted mo na daw siya. Ang akala ko pa naman kayo na ang magkakatuluyan." Ani Megan.
"Oo kasi hanggang kaibigan lang talaga ang tingin ko kay Rhyme pero hindi pa rin masisira ang pagkakaibigan namin dahil lang dito."
"Anyway, Thea, crush mo pa rin ba ang crush mo?" Tanong ni Megan sa akin.
"Hala, sino iyon? Napagiwanan na talaga ako."
"Ayan kasi hindi ka sumasama sa amin kaya wala kang alam sa nangyayari kay Thea."
"Sorry na kasi. Isang taon na kaming kasal ni hubby kaya sinusubukan namin makabuo na hanggang ngayon kasi negative pa rin."
"Baka isa sa inyo ang may problema. Subukan niyo magpa check-up." Sabi ko kay Stacey.
"Nagpa check-up na kami ni hubby noong isang araw at ang sabi ng doctor wala daw problema sa amin."
"Maniniwala akong magkakaroon rin kayo ng anak."
"Kainggit. Buti pa yung mga kapatid mo may mga anak na, Thea. Naalala ko noon sina kuya Travis at Mavis palagi nagaaway sa tuwing nagkikita sa hallway o kung saan man tapos ngayon happily married na sila. Hindi nga ako makapaniwala kay kuya Evan na si ate Jas ang makakatuluyan niya. Oh 'di ba, ang Campus Queen pa natin. Tapos si Theo isang dakilang prankster pero ngayon ikakasal na. Lahat sila happily married."
"Magiging ganyan rin kayo ni Lucas. Tiwala lang Stacey." Sabi ni Megan bago tumingin sa akin. "How about you, Thea?"
"Anong how about me? Hindi ko pa nga siya sinasagot, eh."
"No, I mean... Kailan mo siya ipapakilala sa amin?"
"Later. Pupunta na siya."
Nagsimula na ang kasal nina Theo at Zia. Masaya ako para sa kakambal ko dahil sa kasalanan rin pala ang bagsak niya.
Nandito na kami ngayon sa reception pero ni anino ni Vixen wala pa rin.
"Anong oras dadating ang–"
Nagulat ako ng may humalik sa akin sa pisngi. "Sorry, I'm late."
Ngumiti ako pagkakita ko sa kanya. "Ang akala ko hindi ka na sisipot."
Umupo na siya sa tabi ko. "Medyo naligaw ako kanina kaya matagalan."
"Girls, si Vixen pala. Vixen, sina Megan at Stacey, childhood friends ko."
"Ang gwapo niya pero patas lamang sila ni Rhyme." Bulong ni Megan sa akin. Baliw talaga.
"Nice to meet you both." Sambit ni Vixen.
Tumayo na ako at hinawakan ang kamay niya. "Ipapakilala na kita kila mom. Wait lang, girls."
"Sure, introduce your future hubby to his in laws." Sagot ni Stacey.
"Baliw ka talaga, Stacey." Natatawang sabi ko.
Lumapit na kami kung nasaan ang table ng pamilya ko. Humiwalay ako sa kanila ng table para kumpleto ulit kami magkakaibigan at minsan lang mangyari ulit ito.
"Guys..." Pagkuha ko ng atensyon nilang lahat.
"If I'm not mistaken you're mr. Vermillion." Sabi ni dad.
"Yes, sir." Sagot ni Vixen.
Binaling ni dad ang tingin sa akin. "Thea, can we talk... in private?"
"Trey, kasal ni Theo ngayon kaya huwag na muna ngayon." Sabi ni mommy.
"Sure, dad." Tumingin ako kay Vixen na ngayo'y nakatingin pala siya sa akin. "Kakausapin ko lang si dad."
"Okay." Nakangiting sabi niya sa akin.
Sumunod na ako kay daddy kung saan man kami maguusap at kung ano ang gusto niyang sabihin sa akin.
Huminto na siya sa paglalakad at humarap na sa akin. "How long have you known that man?"
"More or less a year, dad. Siya yung tumulong sa akin noong gabing nawalan ako ng malay. Kaya malaki ang utang na loob ko kay Vixen."
"Walang pagitan sa inyong dalawa?"
"He is courting me."
"At pumayag kang ligawan ka niya? You've only known him for a year and you don't know him that well, Thea."
"Dad, hindi na ako bata para ipaalam pa sa inyo kung sino ang gusto kong mahalin. Kumpara doon sa naunang mangliligaw ko, iba si Vixen sa kanya dahil nakikita kong importante siya sa akin."
"Alam mo bang dati siyang empleyado ng CAS at biglang nawala na parang bula."
"I know. Nagkaroon lang ng emergency sa kanila kaya siya nawala." Hindi ko pwedeng sabihin kay daddy na isang assassin na ngayon ang dating empleyado ng CAS baka paghiwalayin niya kami.
"Nagkaroon ng emergency... Pero bakit hindi siya bumalik para sabihin sa akin o kay Theo kung gusto na ba niya magresign sa company?"
"Dahil nahihiya siyang kausapin kayo. Kung hindi ko siya niyaya na sumama sa akin ay hindi siya pupunta ngayon. Ang gusto ko lamang ipakilala sa inyo si Vixen pero kung hindi niyo tanggap bahala kayo. Hindi ko naman kayo pipilitin tanggapin si Vixen." Iniwanan ko na si daddy. Naiinis ako sa kanya! Grrr...
Bumalik na ako kung saan ko iniwanan si Vixen pero wala na siya doon kaya bumalik na ako sa table ng mga kaibigan ko.
"Nasaan si Vixen?" Tanong ko sa mga kaibigan ko. Kahit rin dito wala siya. Nasaan kaya iyon?
"Hindi ba't kasama mo siya kanina?" Tanong ni Megan.
"Oo. Pero gusto 'kong kausapin ni dad kaya iniwanan ko na muna siya sa table nila tapos pagbalik ko wala na siya. Ang akala ko bumalik na siya dito." Kinuha ko ang cellphone ko sa pouch para itext si Vixen.
To Vixen;
Where are you?
From Vixen;
Outside. Nagpapahangin lang ako.
Binalik ko ulit ang phone ko sa pouch at tumingin ako sa mga kaibigan ko. "Labas na muna ako ah. Nandoon kasi siya."
Nakita ko agad si Vixen pagkalabas ko habang nagsisigarilyo ito at inagaw ko sa kanya ang sigarilyo pagkalapit ko sa kanya.
"Stop smoking. You know smoking is bad for health."
"I will stop smoking for you."
Hinawakan ko na ang kamay niya. "Tara na sa loob."
Hinatak ko na siya para bumalik na kami sa loob pero hinila niya ako pabalik sa kanya.
"Let's stay here for a while." Sabi niya saka niyakap niya ko.
Ginantihan ko na siya ng yakap at tumingala sa kanya. "May problema ba, Vixen?"
"Nagalit ba sayo ang dad mo?"
Umiwas ako ng tingin saka umiling sa kanya. "Hindi siya galit."
"Thea, we made a promise that no more lies."
Tumingin ulit ako sa kanya. "Hindi siya galit, nagulat lang si dad kanina dahil sa tatlong mangliligaw ko ikaw pa lang ang ipinakilala ko sa kanila. Kahit kaibigan ni kuya Travis ang dati kong mangliligaw pero ayaw ko ng maalala tungkol sa kanya."
"Parang pakiramdam ko special ako sayo."
"Special ka naman talaga sa akin." Hinawakan ko na ulit ang kamay niya. "Balik na tayo. Baka kasi nagsisimula na silang kumain."
BINABASA MO ANG
It Started With A Lie
RomanceChase Sequel # 4: Althea Chase Si Althea ang nagiisang anak na babae nina Trey at Pauline Chase. Maarte sa ibang bagay lalo na sa lalaking kinaiinisan niya dahil sinaktan lang niya ito. Isang gabi nagpaalam siya na pupunta siya sa bahay ng kaibigan...