43

126 8 0
                                    

Nagising ako dahil wala na sa tabi ko si Vixen at kinuha ko na rin ang phone ko para tingnan kung anong oras na. Hala, late na pala ako ng gising. Bakit hindi ako ginising ni Vixen?

Nagmamadali na kong bumangon para bumaba pero hindi ko nakita ang asawa ko at sakto na rin ang pagkakita ko kay manang Ada.

"Gising ka na pala, Thea. Gusto mo na ba kumain?" Tanong ni manang Ada pagkakita niya sa akin.

Ngumiti ako sa kanya. "Wait lang po. Tatawagan ko lang po si Vixen."

Wala pa ngang isang ring ay sinagot na niya ang tawag ko.

"Hey, love. Bakit ka tumawag?"

"Don't hey love me. Bakit hindi mo ko ginising? May usapan tayo na pupunta tayo sa grocery."

"My love, ginigising kita kanina pero ang himbing ng tulog mo at saka nakapag grocery na rin ako bago pumasok."

"Late na rin ako ng gising kanina dahil hindi mo ko gini–" Tumakbo ako papunta sa lababo dahil biglang bumaliktad ang sikmura ko. May kutob na ko kung ano ang nangyayari sa akin ngayon.

"Thea, ano nangyari–" Binaba ko na ang tawag dahil naiinis ako sa kanya.

Kumuha na ko ng gusto kong kainin dahil ayaw ko yung nakahanda sa hapag. Sorry na lang kung sino ang nagluto ng mga iyon pero sigurado akong si Vixen ang nagluto ng mga nito.

Nagsimula na kong kumain ng narinig ko ang busina ng kotse ni Vixen at umuwi pa talaga ang magaling kong asawa ah.

"Thea..." Hindi ko siya pinansin dahil tinutuloy ko pa rin ang pagkain ko.

"Ang aga mong umuwi, Vixen."

"Si Thea po, manang?"

"Kumakain na yata ng pananghalian."

Narinig ko na ang mga yapak niya. "Thea..."

Lumingon ako sa kanya. "What?"

Tumingin siya sa kinakain ko bago binaling ang tingin sa akin. "Bakit hindi mo kinakain yung nakahanda sa hapag?"

"Eh, sa ayaw kong kainin."

Umupo na siya sa tabi ko. "May problema ba tayo? Sabihin mo sa akin."

"Umuwi ka pa talaga dahil naiinis ako sayo."

"Sorry kung hindi kita gising kanina."

"Gusto ko lang sumama sa grocery, eh." Kumuha ako sa pagkain ko at inabot ko sa kanya. "Gusto mo bang kumain?"

Umiling siya. "No thank you. At saka may isa pa ko gustong tanungin sayo."

"Ano naman iyon?"

"Limang buwan na rin nakalipas noong kinasal tayo at hindi malabong buntis ka ngayon, 'di ba? Saka hindi 'to ang unang beses na tinanghali ka ng gising."

"Ewan ko. Hindi pa naman ako nakakapag check-up pero may kutob na rin akong buntis ako ngayon."

"Gusto mo bang punta tayo sa clinic para makasigurado? Sasamahan kita."

Pagkatapos kong kumain ay pumunta na kami ni Vixen sa OB. Hindi naman imposibleng buntis ako ngayon at saka dalawang buwan na ako hindi dinadatnan.

Kinakabahan ako, paano kung mali pala ako? Ayaw ko namang umasa si Vixen dahil pareho kaming sabik na magkaroon ng anak at ayaw ko maulit ang nangyari dati.

Tiningnan na ko ng doctor pagkatawag sa akin pero nandoon pa rin ang kaba sa dibdib ko. Ngunit nawala ang kaba ko ng may nakita na ko sa monitor.

Tumingin ako sa asawa ko. "Vixen..."

It Started With A LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon