31

109 7 1
                                    

"Vixen..."

Lumingon ako ng marinig ko ang boses ni Thea. "Hey. What's up?"

Marami kasi akong ginagawa sa restaurant at hindi ko inaasahan ang pagbisita ni Thea dito. Ni hindi nga ako sinabihan nabibisita siya ngayon.

"Good news!" Kita sa mukha niya ang saya kung ano man ang magandang balita na gusto niyang sabihin sa akin. "Wala na pala yung restaurant na kinainan natin dati kaya kanina kinausap ako ng may ari kung gusto ko bang bilihin yung lupa. Pumayag na rin ako at saka sayang rin ang offer niya."

"That's great. Pero ano ang plano mo sa lupa?"

"Ang plano ko sana magpatayo ng coffee shop at maghahanap na rin ako ng mga empleyado na pagkakatiwalaan sa coffee shop natin."

"Natin?" Gusto ko makasigurado kung tama ba ang dinig ko. Baka nagkakamali lang pala at mag-assume ako sa wala.

"Yes, I want you to be the co-founder. You also helped me a lot in a coffee shop during times I don't even remember, especially here in the restaurant."

Ngumiti ako. "Ayaw ko lang mapagod ka at wala akong masyadong alam sa coffee shop."

Kahit nga rin dito sa restaurant wala akong alam. Ang ginagawa ko lang dati tinulungan ko ang ibang chef kung sobrang busy dahil sobrang dami ng customers na kumakain sa restaurant. I know I can cook but I still don't know much.

"Ayaw mo ba?" Biglang nawala ang ngiti sa mga labi niya. "I should have talked to you first before I decided."

"No, no. Ayos lang sa akin. Tatanggapin ko iyang offer mo."

"Baka napipilitan ka lang, Vixen. Ayos lang sa akin na tumanggi ka, hindi ako magagalit sayo."

Binigyan ko siya ng mabilis na halik sa labi at ngumiti sa kanya. "Hindi ako napipilitan. Actually, gusto ko rin ng maraming ginagawa."

Paano bang humindi sa taong mahal mo na hindi siya nasasaktan? Hindi ko rin alam lalo na ayaw kong makitang malungkot si Thea. Marami rin siguro ako matutunan kapag bumukas na ang coffee shop. Doon naman sa isang coffee shop ay bihira lang din ako pumunta kapag nagkaroon ng problema lalo na sa mga deliveries.

"Iyon ang pinunta ko. Kailangan ko na pala pumunta sa isang coffee shop tapos uuwi na rin ako pagkatapos."

"Don't forget tonight." Paalala ko sa kanya.

Tonight is the night, I'm going to ask her to marry me. Gusto kong memorable mangyayari mamayang gabi at may naisip na ko kung saan kami pupunta pero nagpasya akong huwag na muna out of town.

Lunch break ay napansin kong may message sa akin si Rhyme kaya binuksan ko na ang text message niya sa akin. Baka kasi importante ito.

From Rhyme;

Bro, can we meet later? This is really important.

To Rhyme;

Okay. What time?

From Rhyme;

Around 7pm. Puntahan kita sa restaurant.

Shit. May date kami ni Thea mamaya pero importante ang sasabihin ni Rhyme sa akin. Kung sasabihin ko kay Thea na hindi matutuloy ang date namin baka magtampo pero susubukan ko pa rin sabihin sa kanya.

Wala pa ngang isang ring ay sinagot na niya ang tawag ko.

"Miss mo agad ako."

"May gusto lang akong sasabihin sayo. Sana huwag ka magtampo sa akin ah."

"Bakit ako magtatampo sayo? Hindi matutuloy ang alis natin mamaya?"

"Oo, eh. Nagtext kasi si Rhyme sa akin kanina na gusto niyang makipag kita sa akin at importante daw ang sasabihin niya."

"Ayos lang sa akin. Actually, Rhyme called earlier if he could borrow you first because he said he had something important to tell you."

"Pumayag ka?"

"Bakit hindi ako papayag? Kung importante ang sasabihin niya sayo."

"You have a point there. Thank you, Thea."

"Hindi naman akong masamang girlfriend para hindi ka payagan makipag kita sa kapatid mo at magtatampo kapag hindi natutuloy ang date natin."

"Babawi ako sayo bukas. O kung maaga matapos ang paguusap namin ni Rhyme ay pupuntahan kita sa inyo."

"Huwag na. Alam kong pagod ka kaya pagkatapos niyo magusap ni Rhyme ay dumeretso ka na sa inyo para magpahinga at bukas na lang tayo magkita."

"Okay. I love you."

"I love you too." Binaba na niya ang tawag.

Ang swerte ko talaga na si Thea ang naging girlfriend ko at saka hindi na rin niya iniisip kung bumalik man si Alicia sa buhay ko pero siya pa rin ang pipiliin ko kahit anong mangyari dahil alam kong si Thea ang babae para sa akin.

Kinagabihan nakita ko na ang pagpasok ni Rhyme sa restaurant kaya lumapit na ako sa kanya.

"Hey. Ano ang gusto mong pagusapan natin?" Tanong ko sa kanya.

"Pwede bang kain na muna tayo? Dumeretso ako agad dito pagkagaling sa station at nagutom ako agad sa amoy pagkapasok ko."

Tumawa ako ng mahina. "Okay. May bakanteng table doon. Sumunod ka sa akin."

Umupo na kami ni Rhyme at umorder na rin ng makakain namin.

"Ano ba yung paguusapan natin? Sabi mo kanina sa text importante iyon."

"Oo kasi noong umalis ka sa bahay ay hindi mawala sa isipan ko ang nangyari sayo. Kung ano man ang natuklasan mo habang kausap mo si mama kaya noong araw na iyon ay kinausap ko rin si mama para alamin kung ano ang pinagusapan niyo. At kanina ko nalaman kung sino ang pumatay sa mga magulang mo."

"Ang akala ko pa naman sinabi sayo ng mama mo ang tungkol diyan."

Umiling siya. "Hindi. Sinabi nga sa akin ni mama lahat pero hindi niya sinabi sa akin kung sino ang pumatay sa mga magulang mo. Kaya naghanap ako ng clue sa station tungkol sa ambush 30 years ago at natuklasan ko isa si papa ang pumatay sa mga umampon sayo."

"Kaya hindi ko sinabi sayo ang tungkol dito dahil ayaw kong mapahamak ka pa nang dahil sa akin."

"Ano ang binabalak mo ngayon, kuya?"

"Sa ngayon hindi ko pa alam kung saang kulungan siya ngayon."

"Alam ko kung saan siya pwede makita. Kung gusto mo pwede kitang samahan doon."

Dumating ang inorder namin bago pa ko sumagot kay Rhyme. Gustong gusto kong gumanti sa ginawa niya sa mga umampon sa akin. Kahit siya pa ang biological father ko pero hindi ko pa rin mapapatawad ang ginawa niya.

"May isa pa ako gustong malaman, Rhyme."

"Okay. Ano iyon, kuya?" Tanong niya habang kumakain siya.

"Nalaman ko ang dahilan kung bakit ako iniwan sa bahay ampunan noong baby pa lang ako. May sakit ako noon at pinalabas ng mama mo namatay ako. Sa nakikita ko kaya naman pagamutin ako noon na hindi na kailangan iwanan ako sa bahay ampunan."

"Kung iniisip mo na mayaman talaga kami, doon ka nagkakamali. Hindi kami mayaman dati at tinutulungan ko si mama umahon sa kahirapan."

"Kung may kaya na kayo ngayon, bakit hindi mo pagamot ang mama mo?"

"Si mama na ang ayaw. Tinupad ko ang pinangako ko sa kanya na hahanapin ko ang kapatid ko para makita at makausap niya dahil iyon ang huling kahilingan ni mama. Iniwan na rin ako ni mama kinabukasan pagkatapos niyo magusap."

Nabitawan ko ang hawak kong kutsara sa binalita ni Rhyme na wala na yung mama niya.

"I'm sorry to your loss, Rhyme."

"Kung saan man si mama ngayon ay alam kong masaya na siya dahil nakita ka na niya bago pa siya mawala."

It Started With A LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon