15

112 7 0
                                    

Vixen's POV

Masaya ako ngayong araw para kasing sinasabi na rin ni Thea sa akin na mahal niya rin ako noong sinabi niyang special ako sa kanya pero ang gusto ko sabihin niya mismo na mahal niya talaga ako at gagawin ko talagang ang sinabi ko sa sarili ko na aalis na ko sa pagiging assassin ko.

"Vixen." Bumalik ako sa katinuan at tumingin kay manang Ada na maiiyak na.

Kumunot ang noo ko. "What's wrong?"

"May tumawag kanina at ang sabi hawak daw nila si Dale."

"What?!"

Hindi naman kami ganoon sikat para dukutin ang anak ko. Pero shit sino naman ang dudukot kay Dale?

"Ano pa ho ang sinabi ng kidnapper?"

"Bawal daw tumawag ng pulis kung ayaw mong mapahamak ang buhay ng anak mo. Ano ang gagawin natin, Vixen?"

"Tsk." Sinabunot ko ang buhok ko dahil wala ako maisip kung paano ko ililigtas si Dale. "I don't know. The police cannot be involved in this."

Hindi ko naman pwedeng kunin ang mga gamit ko sa kwarto baka makita ni manang Ada at malaman kung ano ang ginagawa ko. Ayaw kong masangkot sila sa pinasok kong trabaho.

"Manang, may sinabi ba kung magkanong ransom ang kailangan nila? At kung saan magkikita?"

"Walang sinabi kung magkanong ransom ang kailangan nila pero gusto nilang pumunta ka sa lugar na ito." May inabot na isang pirasong papel si manang Ada. That's weird walang hinihinging ransom pero gusto nila ako pumunta kung nasaan sila. Hindi ordinaryong kidnapper ito maaaring isa sa mga kasamahan ng mga pinatay ko at gusto nilang gumanti. "Masyadong panganib kung pupunta ka doon."

"Manang, hindi ako papayag mapahamak si Dale dito kapag hindi ako nakipagkita sa kanila at alam ko ako ang dahilan kaya nila dinukot ang anak ko. Kung tumawag si Thea huwag niyo sabihin kung saan ako pumunta dahil magaalala iyon sa akin." Pumanhik na ako papunta sa kwarto ko para kunin ang mga kailangan ko. Hindi ko pwedeng kalimutan ang baril dahil paniguradong may mga baril ang mga iyon.

Pumunta na ako doon sa lugar kung saan nila dinala si Dale. Hinding hindi ko sila mapapatawad kapag sinaktan nila si Dale.

Naglalakad ako papasok sa isang building habang hinahanap ko kung saan nila tinago ang anak ko.

Sumulyap ako sa likod ko ng may nagtutok ng baril sa akin.

"Don't move! Kung ayaw mong mapahamak."

"Sa tingin mo bang natatakot sa banta ko sa akin!" Humarap ako at sinusubukan kong agawin ang baril niya. Napasinghap ako ng nakalabit ang gatilyo kaya kinuha ko na ang baril na dala ko at pinutok sa kanya.

Umupo ako sa sahig habang hawak ang sugat ko sa may tyan. Tsk, hindi ako pwedeng mamatay dito hangga't hindi ko pa nakikitang ligtas ang anak ko.

Sinubukan ko ng tumayo muli kahit kumikirot ang sugat ko at kinuha ko ang baril ng kalaban.

Nakikipaglaban ako sa kanila kahit marami na akong nakukuhang tama ng baril. Ang importante sa akin ay mahanap ko si Dale

"Dale!" Kahit nahihirapan na ko ay nagawa ko pa ring sumigaw baka marinig ako ni Dale.

Namilog ang mga mata ko ng makita ko si Dale nakaupo sa isang upuan habang nakatali ang mga braso at may takip rin ang bibig nito.

"Mmm..."

Lumapit na ako para alisin ang takip sa bibig niya at kinuha ko na rin ang dala kong kutsilyo para tanggalin na ang nakatali sa mga braso niya. "Don't worry, son. Hindi ko hahayaan na may mangyaring masama sayo."

"Dad, sa likod niyo!" Sabi niya sa akin kaya binaril ko na yung kalaban na hindi nakatingin doon.

Nilagay ko na sa palad niya ang susi ng kotse ko. "Gamitin mo na ang kotse ko, Dale."

"Paano ka, dad?"

"Don't worry about me. May tatapusin lang akong trabaho at uuwi rin ako agad. Ang importante ay ligtas kang makauwi. Go!"

Nagmamadali na akong naglalakad para hanapin ang boss nila. Damn, saan nagtatago ang duwag na iyon?!

Nagawa ko pang lumabas sa building kahit ang dami ko ng tama ng bala natanggap habang nakikipaglaban kanina. Wala na 'kong lakas kaya umupo na ako sa ilalim ng isang puno at pinikit ko na ang mga mata.

Dumilat ako ng may narinig akong mga yapak at tumingala sa taong bagong dating. "Why are you here?"

"Kung kailan nahanap na kita kaya hindi ko hahayaan na mamatay ka lang dito."

Kumunot ang noo ko. "What are you talking about?"

"Hintayin mo ko dito, kukunin ko lang ang first aid at iba pang gamit ko sa kotse ko." Sabi niya at umalis na sa harapan ko.

Hindi naman ako ganoon katagal naghintay sa pagbalik niya at tinulungan na niya ako alisin ang bala nakuha ko kanina.

"Pwede mo bang–"

"Huwag ka na muna magsalita habang tinatatahi ko ang sugat mo." Seryosong sabi niya.

Nang matapos na niyang gamutin ang mga sugat ko ay tumayo na ulit ako kahit kumikirot ang ibang sugat.

"Pwede mo na bang ipaliwanag sa akin ang ibig mong sabihin kanina? Bakit mo ko hinahanap?"

"Nabanggit ni Thea sa akin dati ang tungkol sayo."

"Ang tungkol sa akin?" Hindi naman siguro sinabi ni Thea na isa akong assassin sa ibang tao. May tiwala ako sa kanya. "Anong tungkol sa akin?"

"Tungkol sa pagkatao mo at may naikwento sa akin dati si mama na may nakakatandang kapatid ako na iniwanan sa bahay ampunan noong baby pa lang siya. Hindi ako pwedeng magkamali na ikaw ang kapatid ko."

"Wow. I don't know what to say. Naging karibal ko pa dati ang kapatid ko sa isang babae."

Hindi ako makapaniwala yung kaibigan pa ni Thea na si Rhyme ay kapatid ko pala. Damn, kaya pala familiar ang itsura niya sa akin.

"Huwag ka magaalala hindi ako manggugulo sa inyo ni Thea dahil nakikita kong mahal ka niya talaga, kuya. Pero may isa ka pang dapat malaman."

"Ano naman iyon?"

"Ang tungkol kay Thea."

"Ano ang tungkol kay Thea?" Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Sana walang mangyaring masama kay Thea. Shit! Hindi ko kaya kung pati si Thea ay mapahamak rin.

"Wala ba siyang sinabi sayo na aalis siya ng bansa?"

"Aalis siya ng ban– Ugh!" Biglang kumirot ang sugat ko. Not now. "Kailan ang alis niya."

"Nasa airport na siya ngayon."

"I need to go there." At doon ko rin naalala binigay ko nga pala kay Dale ang kotse ko para makauwi siyang ligtas sa bahay. "Shit! Wala nga pala ang kotse ko."

"Sumakay ka na sa kotse para makarating tayo agad sa airport."

It Started With A LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon