20

115 6 0
                                    

Sobrang pagod ko dahil ang dami naming pinuntahan na tourist spot ng mga pinsan ko kaya paguwi namin ay gusto ko na muna magpahinga pero nagkukwentuhan pa kami ni Dustin habang nagpapahangin.

"Musta naman ang buhay mo sa Pilipinas, Thea?" Tanong niya sa akin.

"Okay lang naman at saka dalawa ang business ko doon."

"Sipag ah. Dalawa ang business mo."

"Alam mo naman pangarap ko ang maging chef at baker. Ikaw pa nga magsuggest sa akin dati na bakit hindi ko na lang gawin pareho."

"Mahirap siguro ang ginagawa mo araw-araw. Dalawa ang kailangan mong asikasuhin."

"Sobrang hirap. Mabuti nga hindi ko kailangan masyadong pumunta sa coffee shop kaya sa restaurant ako madalas."

"How's love life?"

"Well... Someone is courting me."

"Wow! Malapit ka na pala magkaroon ng boyfriend. Hindi ka no boyfriend since birth, Thea. Pero alam ba ni tito Trey?"

"Alam na nilang lahat. Ipinakilala ko siya noong kasal ni Theo."

"Too bad wala kami noong kasal ni Theo. Dapat pala umuwi kami ng Pilipinas para makilala ko rin siya."

"Ipapakilala ko rin siya sa inyo. Isasama ko siya sa susunod na punta ko dito."

"Great! Anyway, sabi nga pala ni papa ay buntis ka daw. Hindi mo pa nga sinasagot ang mangliligaw mo pero magkakaroon ka agad kayo ng anak."

"Baliw ka talaga." Natatawang sabi ko.

"Siya ba ang ama ng dinadala mong bata?"

Tumango ako. "Oo, siya lang naman ang madalas kong kasama dati."

"Hindi ka pala pwede mapagod baka mapaano ang baby mo. Pasok na tayo sa loob at malapit na rin kumain ng hapunan."

Biglang kong naalala na hindi ko nga pala natawagan si Vixen kahapon dahil sobrang pagod ko rin sa haba ng biyahe ko.

"Tatawagan ko na muna siya. Baka kasi naghihintay siya ng tawag ko."

"Sige. Kailangan mo ba ng laptop?"

"Much better!"

"Okay, kukunin ko yung laptop sa kwarto at dadalhin ko sa kwarto mo."

"Thank you."

Ni-log in ko na ang account ko sa laptop ni Dustin at nakita ko agad na online si Vixen. Hinihintay nga talaga niya tumawag ako sa kanya kaya tinawagan ko na siya. Mga ilang ring ng sagutin na niya ang tawag ko.

"Hey."

"Sorry kung ngayon lang ako tumawag. Ang dami kasi namin kinuwento ng mga pinsan ko. Kanina ka pa naghihintay sa akin?"

"Ayos lang. Musta naman ang unang gabi mo diyan?"

"Ayos lang. Medyo pagod kasi ang dami namin pinuntahan na magagandang lugar dito. Ang gusto ko sana sa susunod na balik ko dito kasama na kita."

"A-Ako?" Kumurap pa siya. Para naman ayaw niyang sumama sa akin pagbalik ko sa Australia.

"Yes. Ayaw mo ba?"

"Siyempre gusto ko. Anyway, Thea, ano pala yung gusto mong sabihin sa akin dati?"

"Gusto kong sabibin sayo?"

Ano ba yung dapat kong sasabihin sa kanya? Sa sobrang nangyari sa akin ngayong araw ay hindi ko na maalala kung ano iyon.

"Oo, yung bago ka umalis ng bansa. Hindi na kasi mawala sa isipan ko ang dapat mong sabihin sa akin at mukhang importante."

"Ahhh... Huwag ka sana mabibigla sa sasabihin ko, Vixen."

Kumunot ang noo nito. "Ano ba iyon?"

"Actually, three ago ko lang nalaman ang tungkol dito. I'm pregnant, Vixen."

Wala akong nakuhang sagot mula sa kanya parang hindi siya natutuwa sa binalita ko sa kanya na buntis ako. Dapat pala hindi ko na lang sinabi sa kanya ang tungkol sa pagdadalang tao ko.

"Vixen?" Kumurap siya at tumingin ulit sa screen. "Hindi ka ba masaya?"

"Of couse, I'm happy. Shit! Kung isa lang itong panaginip ayaw ko ng magising pang muli."

Tumawa ako sa narinig ko. "This is not a dream, Vixen."

"Wait. Alam ba ng mga magulang mong buntis ka?"

Tumango ako. "Alam nila. Actually, si dad ang unang nagkaroon ng duda dahil nakita niya kong nagsusuka kaya kinausap niya si mom na samahan ako sa doctor."

"How about your siblings?"

"Wala pa alam ang dalawa kong kapatid maliban kay kuya Travis kasi nakita niya kami ni mom. Noong nakumpira na ngang buntis ako ay pinagalitan pa ko ni kuya Travis at gusto ka nila makausap pero ang sabi ko pagbalik ko na lang galing Australia."

"I see... Huwag ka magaalala papakasalanan naman kita."

"Alam ko pero natatakot pa rin ako."

Bumalik na naman kinakatakutan ko baka bumalik ang ex wife niya. Paano kami ng anak namin sa pagkakataon na siya piliin ni Vixen?

Kumunot ang noo niya. "Natatakot ka saan? Kay Alicia?"

Tumango ako sa kanya. "Natatakot kasi ako baka isang araw ay bumalik siya."

"Huwag ka magiisip ng ganyang bagay. Makakasama 'yan sa inyo ni baby at kayo ang pipiliin ko."

"Thank you, Vixen."

"Hmm? For what?"

"For loving me. Pinapakita mo sa akin na mahal mo talaga ako."

"Don't mention it. Ikaw nga hindi mo pa ko mahal pero ganyan ka na magisip. Baka bumalik si Alicia at manggulo sa atin. Sa tagal ko na siyang kilala hindi magagawa ni Alicia iyon pero kung gawin nga niya ako mismo ang lalayo sa kanya."

"Wala naman akong sinabing hindi kita mahal. Mahal kita kahit noong mga panahon na kinukulit kita na payagan mo kong bayaran ang pagtulong mo sa akin."

"Wait, what?!" Parang hindi siya naniniwala sa narinig niya. Siya nga yung tinutukoy kong crush. "You love me?"

"Ikaw nga yung tinutukoy kong crush ko na ilang beses ko pa lang nakilala."

"I'm so happy because the woman I love loves me too."

Sana hindi ako magsisi sa magiging desisyon ko ngayon pero kailangan kong gawin ito lalo na't magkakaroon na kami ng anak ni Vixen.

"So, sinasagot mo na ba ako?"

Tumango ako. "Oo, sinasagot na kita."

"Yes! Thank you, Thea. Hindi ka magsisi na sinagot mo ko."

"Papahinga na pala ako. Sobrang pagod ko kasi ngayon pero tatawag ulit ako bukas para marami ulit akong ikukwento sayo."

"Sige, good night. Dream of me. I love you."

Oh my God! Masyado na kong kinikilig sa tuwing sinasabi ni Vixen ang I love you.

"Good night. I love you too." Pinutol ko na ang video call.

It Started With A LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon