Kinabukasan maaga akong pumunta sa restaurant ni Thea. Simulang umalis kasi ako sa pagiging assassin ay sinubukan kong magapply dito at susurpresahin ko sana si Thea paguwi niya galing Australia. Kaso hindi nangyari ang plano ko noon dahil sa nangyari sa kanya. Alam na rin ng mga empleyado niya kung ano nangyari kay Thea kahit rin sa coffee shop. Handa rin sila tulungan ako para maalala na ni Thea ang lahat.
Natutuwa ako dahil ang mababait ng mga empleyado niya.
Nagpasya akong pumunta sa bahay nila Thea pagkagaling ko sa restaurant. Baka sakaling makausap ko ngayon ang mama niya.
Speaking of her mother, siya pa mismo ang nagbukas ng gate sa akin at hindi na rin ako magulat kung makita ko rin ang bahay nila pagkatapos kong makita ang mala-mansion na bahay nila Rhyme kahapon.
"Good morning ho, ma'am."
"Good morning rin sayo. Pasok ka." Alok niya sa akin kaya pumasok na ko. "Nabanggit ni Trey sa akin nagusap kayo kahapon."
"Yes po. Kahapon ko rin ho nalaman ang nangyari kay Thea. Kaya gumagawa kaming lahat para maalala na kami ni Thea."
"Mom, who is that?" Biglang bumilis ang tibok ng puso ko noong marinig ko ang boses ni Thea.
"An Acquaintance of yours." Sagot ng mama niya.
"An acquaintance?" Binaling niya ang tingin sa akin. "Ohh... If I'm not mistaken you... you are the one who approached me last time."
"Yes, that's me." Kahit masakit pero nagagawa ko pa rin ang ngumiti sa kanya at nilahad ko ang kamay ko. "I know you don't remember me but let me introduce myself. My name is Vixen Vermillion."
Tinatanggap niya ang kamay ko. "Nice to meet you."
Shit! Sobrang sakit kapag hindi ka maalala ng taong mahal mo. Letsugas naman. Alam kong marami ako naging kasalanan pero ang sakit naman ng parusa na binigay sa akin.
"Balik na ulit ako sa loob."
"No. Stay here, please." Humarap na ulit ako sa mama ni Thea. "Ma'am, kung maaari po hiramin ko na muna si Thea. Ibabalik ko rin siya bago gumabi."
"Magiingat kayo sa pupuntahan niyo."
"Mom! Hindi ko nga siya kilala tapos - ugh!"
Humarap ako kay Thea. "Please. May gusto akong puntahan pero gusto kong kasama ka rin."
"Fine."
Sumakay na kami ni Thea sa kotse pagkapaalam ko na aalis na kami.
"Saan ba tayo pupunta?"
"Sa lugar kung saan tayo unang nagkakilala. Yung mga panahon na hindi mo pa ko nakakalimutan."
Tumahimik na siya pagkarating namin sa bar. Sa lugar na ito kaya ko kaya nakita ko si Thea at hinding hindi ko makakalimutan ang pangyayari noon.
"Bar? Alam mo bang hindi ako pumupunta sa ganitong lugar?"
"I know." Hinawakan ko ang kamay niya at pumasok na kami sa loob ng bar. Pinuwesto ko pa siya kung saan niya ako banda nabangga noon. "Dito sa pwesto na ito ang unang pagtatagpo natin. Nabangga mo pa nga ako noon dahil wala kang pangbayad sa mga ininom mo dati kaya ako na mismo ang nagbayad."
"Ininom? Hindi nga ako pumupunta sa ganitong lugar. Ang kulit mo rin, 'no?"
"Nahuli mo ang unang lalaking nangligaw sayo dati pero nabanggit mo rin sa akin na hindi mo siya gusto. Pumayag ka lang dahil kagustuhan ng kuya Travis mo."
"Paano mo nakilala si kuya Travis? Sino ka ba talaga?"
"I already introduced myself."
"No, I mean... Who are you really for me?"
"Malalaman mo rin ang tungkol sa akin." Hinawakan ko na ulit ang kamay niya. "Okay, next place."
Binawi niya ang kamay niya dahilan tumingin ako sa kanya. "Hindi ako sasama sayo kung hindi mo sabihin sa akin kung sino ka ba talaga."
"Okay, sasabihin ko na ang tungkol sa akin. Isa ako sa mga mangliligaw sayo at halos isang taon mo na noong sinagot mo ko."
"Teka nga. Ilan ba kayo nangligaw sa akin?"
"Tatlo kami pero hindi ko kilala yung isa dahil ang sabi mo sa akin dati isang babaero ang isang mangliligaw mo at kinausap ka ng kuya Travis mo."
"Kung hindi mo kilala yung isa, ibig sabihin kilala ko naman yung isa pa?"
"Yes, he is my brother. Huli ko na rin nalaman na kapatid ko pala ang karibal ko pero aabutin tayo ng gabi kung ikukwento ko sayo ang lahat. Nangako ako sa mama mo na iuuwi kita bago gumabi."
"Hindi na ko bata para pagalitan nila ako na late umuwi. Pwede ko naman sila tawa-" Humawak siya sa ulo niya sabay sigaw. "Ahhh! Ang sakit ng ulo ko!"
Inuwi ko na lang si Thea sa kanila sa halip na ituloy namin ang pagpunta sa iba pang lugar.
"What happened to Thea?" Tanong ng papa niya.
"Biglang sumakit ang ulo niya kanina. Sa tingin ko ho pinilipit niyang maalala ang pangyayari habang nasa labas kami. Pasensya na ho." Tumingin na muna ako kay Thea bago binaling sa mga magulang niya. "Alis na ho ako."
"Maggagabi na rin. Bakit hindi ka lang dito kumain ng hapunan?"
"Nakakahiya naman, ma'am." Napakamot ako ng batok.
"Gusto kita makilala ng lubusan para alam kong nasa mabuting tao ang unica hija namin. Sinabi na rin ng asawa ko kung ano ang pinagusapan niyo kahapon at ibigay na niya sayo ang basbas niya pero sa akin hindi pa."
"Okay po."
Tumawag na muna ko sa bahay para hindi na nila ko hintayin kumain. Maya't maya pa sumabay na kong kumain sa mga magulang ni Thea habang hindi pa siya nagigising.
At sa hindi inaasahan dumating rin ang mga kapatid ni Thea.
"Sakto pala ang punta namin ngayon." Sabi ni Evan saka tumingin sa akin. "Hindi ko alam nandito ka rin pala, Vixen."
Ngumiti ako sa kanila. "Hello, Evan. We meet again."
"Inimbatahin ko siya dahil gusto ko pa siyang makilala."
"Bakit pala kayo bumisita na walang pasabi sa amin?" Tanong ng papa nila.
Umupo na muna sila sa mga bakanteng upuan bago sila sagutin ang tanong ang papa nila.
"Dito po kasi namin naisipan pagusapan ang tungkol sa darating na birthday namin ni Thea." Sagot ni Theo.
Kumunot ang noo ko dahil wala akong alam kung kailan ang birthday ni Thea because I never ask her about that before.
"Nandito ka na rin naman. Samahan mo kami sa plano namin sa birthday ni Thea." Ani Travis.
"Mamaya niyo na pagusapan ang tungkol sa birthday ng kambal. Ako ang nauna sa inyo na gustong makausap si Vixen." Sabi ng mama nila.
Nakita ko na ang pagdating ni Thea. Mabuti naman nagkaroon na siya ng malay ngayon. Masyado kasi akong nagaalala sa nagyari sa kanya kanina.
"What's going on? Bakit nandito kayo mga kuya at Theo?"
"Gusto ka lang namin bisitahin." Sagot nilang lahat.
BINABASA MO ANG
It Started With A Lie
RomanceChase Sequel # 4: Althea Chase Si Althea ang nagiisang anak na babae nina Trey at Pauline Chase. Maarte sa ibang bagay lalo na sa lalaking kinaiinisan niya dahil sinaktan lang niya ito. Isang gabi nagpaalam siya na pupunta siya sa bahay ng kaibigan...