19

113 6 0
                                    

"Magiingat ka doon at huwag mong kalimutan ang tumawag sa amin pagkarating mo doon ah. Tatawagan ko ang tito Jim mo kung hindi ka tumawag." Sabi ni dad sa akin.

"Dad, dad... Hinay-hinay lang po at saka tatawag naman po ako sa inyo."

Tinalo pa ni dad si mom ngayon sa sobrang pagaalala sa akin. Hanggang ngayon kasi tinuturing pa rin niya akong bata sa sobrang overprotective niya sa akin.

"Sige na baka maiwanan ka pa ng eroplano mo."

Habang naghihintay sa pagdating ng eroplano ko ay may inanunsyo na madedelay daw ang eroplano papuntang Australia.

Bigla ako nakaramdam ng gutom kaya bibili na muna ako ng makakain ko.

"Althea Chase!" May sumigaw sa pangalan ko at hindi lang iyon familiar sa akin ang boses na iyon.

Pagkakuha ko sa binili kong pagkain ay pinuntahan ko na kung saan galing ang boses na iyon at may nakita akong lalaking nakaluhod pero nakatalikod sa direksyon ko. Hindi ako pwede magkamali, si Vixen iyon.

"Vixen?"

Inangat niya ang ulo niya at lumingon sa kanyang likuran kaya agad siyang tumayo. "Thea..."

"Ano nangyari sayo?"

"Hindi na importante kung ano nangyari sa akin. Ang mahalaga nakita na kita." Sabi niya at niyakap niya ko.

Ginantihan ko na rin siya ng yakap. "Paano mo nalaman na aalis ako?"

"Pinuntahan ako ni Rhyme at sinabi niya sa akin na aalis ka ng bansa." Humiwalay na siya ng yakap at hinawakan niya ang parehong balikat ko. "Bakit hindi mo sinabi sa akin na aalis ka? Hanggang kailan ka doon?"

"Baliw talaga si Rhyme. Sinabi ko naman sa kanya na saglit lang ako sa Australia. Kasal ng isa kong pinsan at hindi makakadalo ang mga kapatid ko dahil mga busy sa trabaho. Babalik rin ako kaagad."

Kinausap ko noong isang gabi ang mga kaibigan ko at sinabi ko sa kanila na kailangan kong pumunta sa Australia para dumalo sa kasal ni Dustin.

"Hanggang kailan ka doon?"

"More or less 2-3 weeks. Sabay bakasyon na rin kasi first time ko pa lang makapunta doon."

Pinadikit niya ang noo sa akin. "Maghihintay ako sa pagbalik mo."

"Asahan ko iyan ah."

"Siyempre hindi pa tapos ang pangliligaw ko sayo." Hinalikan na niya ako sa mga labi niya at tumugon rin ako agad.

Ako na ang humiwalay sa amin. "Tatawagin rin naman ako para hindi mo ko ganoon mamimiss."

"Hihintayin ko 'yan."

"May isang oras pa ako kasi delay yung flight ko."

Sinamahan na muna ako ni Vixen bago ang flight ko pero tinatanong ko rin siya kung kasama ba niya si Rhyme at nagulat ako sa sinagot niya sa akin dahil naaksidente pala sila kanina.

"Huh? Kamusta na si Rhyme ngayon?"

"Hindi ko alam kung may nakakita ba at tumulong sa kanya kanina kasi pinapunta niya ako agad dito pagkaligtas ko sa kanya."

"Bakit mo niligtas si Rhyme? I mean, ang akala ko ay ayaw mo sa kanya dahil magkaribal kayong dalawa."

"Wala akong sinabing ayaw ko sa kanya. Huwag kang gumawa ng kwento diyan, Thea." Natatawang niyang sabi pero napansin kong nasasaktan yata siya sa sugat nakuha niya. Baka nakuha niya yung sugat nang naaksidente sila ni Rhyme.

"Sorry naman."

"Wala naman akong ibang iniisip kung 'di iligtas siya. Kapag nalaman mo kasi na ako ang huli niyang kasama ay alam kong magagalit ka sa akin kapag hindi ko siya niligtas. Hindi ko na nga iniisip ang sarili ko kahit sariwa pa ang sugat para iligtas lang ang kapatid ko."

"K-Kapatid mo?" Nagulat ako sa narinig. Magkapatid sila ni Rhyme?

"Yes, Rhyme is my brother. Kanina ko lang nalaman kaso hindi ko masabi sayo ang tungkol dito pero noong unang beses ko siya nakita ay parang familiar sa akin ang itsura niya."

"Napansin ko nga na magkahawig kayong dalawa ni Rhyme pero ang akala ko ay nagmamalik-mata lang ako. Totoo pala."

"Ang liit talaga ng mundo. At saka makikipag kita ako sa mama niya dahil ang sabi sa akin ni Rhyme may malubhang sakit at ang huling kahilingan niya ay makita ako."

"Mabuti pumayag ka makipag kita."

"Hmph. May gusto lang ako malaman at hindi ako pumayag na pumasok pa sila sa buhay ko."

"Ano pala nangyari sayo kaya ka may mga sugat?"

"May dumukot kay Dale kanina at ang gusto nila na pumunta ako doon na magisa."

"Sumugod ka doon na magisa?"

Tumango siya. "All I want to do is save my son at any cost."

"Kamusta na si Dale? Is he okay?"

"He's fine. Wala naman silang ginawa sa kanya pero kung meron ako pa mismo ang magdadala sa kanila sa impiyerno." Hinawakan ko ang kamay niya at baka ito na rin ang tamang pagkataon na sabihin sa kanya ang tungkol sa pagdadalang tao ko ngayon.

"Bago ko nga makalimutan, Vixen. May gusto akong sabihin sayo at kailan ko lang ito nala–" Naputol ang sasabihin ko dahil may naganunsyo nakarating na daw ang eroplano papuntang Australia. Bad trip! Kung kailan sasabihin ko na kay Vixen doon pa dumating yung eroplano. Tsk.

"You just tell me whatever you want to tell me next time. O pwede rin habang magkausap tayo sa video call." Tumayo na siya. "Baka maiwanan ka pa ng eroplano mo at aalis na rin ako."

Tumayo na rin ako at binigyan ko siya ng mabilis na halik sa labi. "Magkita na lang tayo sa pagbalik ko."

"Okay. Magiingat ka doon."

"You too."

Bumuga ako ng hangin pagkaupo ko sa upuan ko. "Hindi ko man lang nasabi sa kanya."

Pasensya na, baby kung hindi ko nasabi sa papa mo ang tungkol sayo.

Sasabihin ko na lang sa kanya kapag may pagkakataon na kong sabihin sa kanya. Naiimagine ko na nga ang magiging reaksyon ni Vixen kapag sinabi ko na sa kanya ang tungkol sa pagdadalang tao ko.

Nang makababa na ko ng eroplano ay kinuha ko na ang mga gamit ko at hinahanap ko na rin ang susundo sa akin hanggang sa makita ko na si tito Jim.

Lumapit n ako sa kanya. "Hi, tito."

"It's good to see you again, Althea."

"Kayo rin po."

"Tara na at kanina pa naghihintay sa bahay ang mga pinsan mo."

Pagkarating namin sa bahay nila ay sinalubong ako ng soon-to-be groom, si Dustin.

"Dust! Congrats dahil malapit ka na ikasal." Sabi ko.

"Thanks, insan. Naunahan pa kitang magpakasal." Pangaasar niya sa akin pero hindi naman ako naasar.

"Ayos lang. Di naman ako nagmamadali magpakasal."

"Ate Thea!" Tumakbo papalapit sa akin ang isa ko pang pinsan na si Cole. "Welcome to our humble abode, ate."

"Thank you, Cole."

Gaya nga ng sabi ko first time ko pa lang pumunta sa Australia kaya isa lang ibig sabihin noon, first time mo rin pumunta sa bahay nila dito. Sila kasi ang umuuwi sa Pilipinas kapag bakasyon nila.

"Bakit hindi natin ipasyal si ate Thea, kuya? Habang nandito siya sa Australia."

"Pagpahingain mo muna si insan, Cole. Alam mo naman mahaba ang binayahe ni Thea."

"Bukas niyo na lang ako ipasyal."

"Althea." Lumingon ako kay tito Jim ng tawagin niya ako. "Tumawag kahapon si Trey at pinapasabi tumawag ka daw kapag nandito ka na."

"Sige po, tito."

"Samahan na kita sa magiging kwarto mo, insan."

"Salamat, Dust."

Tinulungan na ako ni Dustin sa iba ko pang gamit at sinamahan na ko ng magkapatid papunta sa magiging kwarto ko habang nandito ako sa kanila.

Tinawagan ko rin agad si dad at hindi na siya tumawag pa kay tito Jim para makausap lang ako.

It Started With A LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon