Althea's POV
Tinawagan ko si kuya Travis noong isang araw kung makakapunta ba siya sa kasal ng pinsan namin. Sigurado akong hindi makakapunta si kuya Evan dahil wala siya sa bansa ngayon at mas lalo na si Theo kasi buntis si Zia kaya kailangan niyang alagaan. Pero hindi rin daw makakapunta si kuya Travis dahil hindi niya maiwanan ang trabaho niya kaya no choice na ako lang ang makakapunta sa Australia. At least makakapunta na ako sa Australia nito at magbabakasyon na rin ako doon ng ilang araw. Kahit mayaman ang pamilya ko ay hindi ako lumalabas ng Pilipinas dahil masyadong busy ang mga magulang namin kaya walang oras magbakasyon. Kung magbabakasyon man kami dito lang sa Pilipinas.
Isang araw nga bumaliktad na naman ang sikmura ko na gusto kong ilabas ang lahat na kinakain ko kahapon. Ano ba ang nangyayari sa akin? Minsan nga ayaw kong kainin ang mga pagkain nakahanda sa hapag o minsan naghahanap ako ng iba.
Tumakbo ako sa lababo dito sa kusina at sumuka pero walang lumalabas. Ano ba talaga nangyayari? Hindi naman ako ganito dati.
"Thea." Pinunasan ko na muna ang bibig ko bago humarap kay dad na ngayo'y nakakunot na ang noo. "Buntis ka ba?"
Nagulat ako sa tanong ni dad. "What? Imposible po iyang sinasabi mo dahil wala naman–"
At doon ko naalala dalawang beses pala may nangyari sa amin ni Vixen at posibleng nagkaroon na nga ng bunga ang huling gabi na may nangyari sa amin.
"Pau." Pagtawag ni dad kay mom.
Lumapit na si mom sa amin. "Yes, Trey?"
"Can you do me a favor, wife? Pwede mo bang samahan si Thea sa doctor dahil may duda ko na maaaring buntis siya at kung tama nga ako may duda na rin ako kung sino ang ama nito."
"Buntis ka, Thea?" Tanong ni mom sa akin.
"I have no idea, mom. Pero palagi rin bumabaliktad ang sikmura ko at minsan ayaw ko kumain sa mga nakahanda sa hapag o minsan naghahanap ako ng ibang makakain."
"Kahit hindi ako doctor pero alam ko ang mga sintomas nararamdaman mo ngayon pero kailangan pa rin pumunta sa doctor para makasigurado tama ang hinala namin ng daddy mo."
Kinakabahan ako ng nandito na kami ngayon sa waiting area habang hinihintay tawagin ako. Iniisip ko kung paano kumpirmang buntis nga talaga ako, ano kaya ang magiging reaksyon ni Vixen? Alam kong sinabi niya sa akin dati na pananagutan niya ako pero yung ex wife niya ang pwedeng maging problema. Paano na lang talaga bumalik ang ex wife niya?
Naramdaman ko ang paghawak ni mom sa kamay ko. "Huwag ka matakot kung ano ang sasabihin ng daddy mo kung kumpirmang buntis ka. Hindi niya ipapagawa sayo na ipalaglag yung bata. Kilala mo naman ang daddy mo strict siya pagdating sayo dahil ikaw lang ang anak naming babae."
"Alam ko po iyon pero hindi tungkol doon ang iniisip ko. Paano kung buntis nga talaga ako?"
"Hindi ba niya sinabi sayo na pananagutan na niya kung magkaroon man kayo ng anak?"
"Sinabi po niyang papanagutan niya ko. Ang iniisip ko lang po kung paano isang araw ay bumalik ang ex wife niya at guluhin ako."
Alam ni mom na may naging asawa dati si Vixen pero naghiwalay rin agad noong nalaman niyang hindi pala siya ang ama ng dinadala niya at sinabi ko rin sa kanya na kay Vixen rin ang anak ng ex wife niya dahil wala na siyang balita kung nasaan na ito ngayon.
"Mom? Thea?" Tumingala ako ng marinig ko ang boses ni kuya Travis. "Ano po ang ginagawa niyo dito?"
"Sinamahan ko lang si Thea magpacheck-up. Gusto kasi malaman ng daddy niyo kung buntis nga ba si Thea ngayon."
Kumunot ang noo ni kuya Travis ng tumingin sa akin. "Buntis ka, Thea?"
"Hindi ko pa alam, kuya. Hindi pa ako tinatawag."
"Wala pa naman akong pasyente ngayon kaya sasamahan ko muna kayo." Umupo na si kuya Travis sa tabi ko at tumingin siya sa akin. "Siya ba ang nakabuntis sayo?"
"Iyan ang positive, kuya. Si Vixen lang naman ang madalas kong kasama nitong mga nakaraang araw."
"Ahh... Kaya pala binigay mo ang sarili mo sa kanya."
"Kuya!" Singhal ko dahilan lumingon ang ibang tao sa amin. "Mom, niloloko ako ni kuya Travis."
"Tumigil ka na muna sa pangaasar mo sa kapatid mo, Travis." Sabi ni mom.
"Joke lang, mom."
Nang tawagin na ako kaya pumasok na kami sa loob ng clinic para alamin kung buntis nga ba talaga ako pero sa sinabi ni mom na sintomas nangyari sa akin ay maaaring buntis nga talaga ako. At naluluha ako ng malaman kong may buhay sa sinapupunan ko ngayon. I'm 6 weeks pregnant.
"Isang beses mo pa lang pinakilala sa amin iyang ama ng anak mo, Thea. Gusto ko ulit siya makita at makausap." Seryosong tugon ni kuya Travis.
"Pagbalik ko na lang galing sa Australia ay isasama ko si Vixen sa bahay. Sa ngayon kailangan ko na muna sabihin sa kanya na buntis ako."
"Hindi ko na kayo masasahan kaya magingat kayo ni mom sa paguwi ah."
"You too, kuya."
"Kailangan mong sabihin sa daddy mo na buntis ka at gaya ng sinabi ng kuya Travis mo ay ganoon rin ang gustong gawin ng daddy mo."
Paguwi namin ni mom galing sa doctor ay bigla akong kinabahan kapag sinabi ko na kay dad na buntis ako ngayon. Baka kasi hindi siya sang-ayon na si Vixen ang ama nito kasi para ganoon ang gusto niyang iparating sa akin noong kasal ni Theo.
"Dad..." Tawag ko sa kanya pero nandoon pa rin kaba sa dibdib ko.
Humarap na siya sa akin. "Tinawagan ako kanina ng mommy mo at sinabi sa akin kumpirmang buntis ka pero gusto ko rin makausap ka, Thea."
Alam na pala ni dad.
"Tungkol po ba kay Vixen?"
"Yes, about mr. Vermillion. Gusto ko siyang makausap at makilala pa ng lubusan. Sinabi rin sa akin dati ni Evan na may naging asawa siya dati."
Nawala sa isip ko na kakilala nga pala ni kuya Evan si Vixen noong sa CAS pa siya nagtatrabaho.
"Opo, may naging asawa si Vixen pero hiwalay na sila. Matagal na."
"Huwag ka magaalala hindi ko sasabihin sayo na ipalaglag yung bata. Hindi ako ganoon masamang tao para ipagawa ko iyon sa 'yo. Basta ang gusto ko laman ay makausap ko rin ang ama ng anak mo."
"Okay, dad. Pero kakausapin ko na muna siya para sabihin nagdadalang tao ako ngayon. At dadalhin ko siya pagkauwi ko galing sa Australia."
"Kailan ang flight mo papuntang Australia?"
"Sa makalawa pa po ang flight ko."
"Magiingat ka doon. Pero hindi ka naman pababayaan ni Jim at ng mga pinsan mo."
"Hindi na po ako bata, dad at saka magkakaroon na nga ako ng anak."
BINABASA MO ANG
It Started With A Lie
RomanceChase Sequel # 4: Althea Chase Si Althea ang nagiisang anak na babae nina Trey at Pauline Chase. Maarte sa ibang bagay lalo na sa lalaking kinaiinisan niya dahil sinaktan lang niya ito. Isang gabi nagpaalam siya na pupunta siya sa bahay ng kaibigan...