23

108 7 0
                                    

"Maiwan ko na muna kayo. Kuya, ikaw na muna ang bahala kay mama ah." Sabi ni Rhyme at lumabas na siya ng kwarto.

Kumuha ako ng upuan para ilagay sa malapit sa kama niya at saka umupo na.

"Kamusta ka na, hijo?"

"Ayos lang ho."

"Ilang taon ka na ulit?"

"I'm turning 37 this year."

"Alam ko ang dahilan kung bakit ka nandito ngayon. Gusto mong malaman kung bakit kita iniwanan sa bahay ampunan noong baby ka pa lang. Susubukan kong sagutin ang lahat na katanungan mo."

"That's all I want to know. Why you abandoned me when I was a baby?"

"Kahit labag sa kalooban ko ay kailangan kong gawin iyon."

Kumunot ang noo ko. "What do you mean?"

"May sakit ka noong ipinanganak kita at kapag nalaman ng asawa ko na may sakit ang inaasam niyang anak ay baka kabaliktaran ang mangyayari sayo ngayon. Kaya ipinalabas ko sa kanyang namatay ka habang ipinapanganak kita. Kung hindi ko iyon ginawa baka magaya ka sa amin ng kapatid mo."

"Ano maaaring mangyari sa buhay ko kung hindi niyo ko iniwan sa bahay ampunan?"

"Maaaring saktan ka rin ng papa mo, Vixen."

"At nabanggit ni Rhyme kanina sa akin nasa kulungan daw ang papa niya. What exactly happened?"

"Nangyari ang lahat na ito 30 years ago, wala akong ideya na may ginagawa na pa lang masama ang asawa ko at isang gabi nabanggit niya sa akin nakapatay siya ng dalawang tao. Kaya pinakiusapan niya kong huwag ko siyang isumbong sa mga pulis pero sinabi ko pa rin sa mga pulis ang lahat nalalaman ko."

30 years ago?! Shit! Hindi kaya konektado ang lahat na ito sa kaso ng mga umampon sa akin?

"May iba pa ho bang sinabi ang asawa niyo? Like ambush?"

"Oo, meron. Inambush rin nila ang isang sasakyan noon."

Napatayo ako. Konektado ang lahat na ito. Ngayon buo na ang nawawala piraso ng puzzle sa kasong ito. Nahanap ko na rin ang pumatay sa mga umampon sa akin.

"Thanks for everything, ma'am. I have to go." Sabi ko at lumabas na rin sa kwarto.

Nakita ko ang paglapit sa akin ni Rhyme. "Kamusta ang paguusap niyo ni mama? Nalaman mo na ba ang lahat na gusto mong malaman sa pagkatao mo?"

"Yes. Even the one who killed my adoptive parents."

"Huh? Maybe I can help you."

"Ano ka ba talaga?"

"I'm a police officer, kuya."

"I see... Pero huwag na dahil ayaw kong mapahamak ka pa nang dahil sa akin at malulungkot lang ang mama mo kapag may nangyaring masama sayo. Kaya ko na magisa ito at huwag mo sana kalimutan na isa akong assassin."

Pumunta na ko sa address na binigay sa akin ni Rhyme, which is Megan's address.

Nang makarating na ako sa bahay Megan ay nagdoorbell na ko at may isang maid ang bumukas ng gate sa akin.

"Hello, boyfriend ako ng kaibigan ni Megan na si Althea. Gusto ko lang malaman kung nandito ba si Megan ngayon." Sabi ko doon sa maid

"Pasok po muna kayo, sir." Alok niya sa akin dahilan na pumasok na ko sa loob. "Tatawagin ko lang ho si ma'am Megan."

Nakita ko ng lumabas sa kusina si Megan at parang pinagaaralan pa niya ang mukha ko.

"Your Thea's suitor, right?" Sabi niya habang nakaturo sa akin.

It Started With A LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon