12

131 7 0
                                    

Althea's POV

Mas naging busy pa ako sa trabaho, hindi sa restaurant kung 'di sa coffee shop. Lalong tumatagal ay mas dumadami ang customer namin at isa lang ang masasabi ko mahirap pala magtrabaho ng dalawa pero ito ang mga pangarap ko simulang bata pa lang ako. Hindi ko kasi pwedeng talikuran ang restaurant para sa coffee shop. Pero minsan lang ako dumalaw sa coffee shop dahil mas kailangan ako sa restaurant.

Napapangiti ako sa tuwing naalala ko yung gabing pagiisa namin ni Vixen noong isang gabi. Hindi ako magsisi na binigay ko sa kanya ang sarili ko.

"Ay!" Nagulat ako ng may yumakap sa akin mula sa likod kaya lumingon ako. "My gosh! Nagulat ako sayo, Vixen."

Hinalikan niya ako sa pisngi. "Sorry."

Humarap na ako sa kanya. "Bakit ka pala nandito? Wala ka bang pasok?"

Muntik na mahulog ang puso ko sa pagkagulat kanina.

"Wala akong mission ngayon." Pabulong niya at sakto lang para marinig ko. "Galing ako sa restaurant mo at ang sabi ng guard hindi ka daw pumasok. Baka daw nasa coffee shop ka kaya binigay niya sa akin kung nasaan ang coffee shop mo. Ang sipag mo dahil dalawa ang business mo."

"Ang hirap kaya ng ganito. Mabuti na nga hindi ako masyado kailangan dito sa coffee shop. Anyway, ano pala ang kailangan mo sa akin?"

"I'm going to court you, remember? Kaya magsisimula na kong mangligaw sayo."

"Ibang klase ka talaga, Vixen wala ka man lang binibigay sa akin."

"That's not how I court someone. I'll wait for you after your work. Kain tayo sa labas."

"Mamayang alas cinco pa ko matatapos dito."

"Maghihintay nga ako sayo dito." Tumalikod na siya at pumunta na sa isang bakanteng upuan.

Bumalik na ako sa trabaho pero hindi ko maiwasan tumingin sa direksyon ni Vixen

Bumuga ako ng hangin at lumapit na ko sa kanya. "Let's go."

Tumingala siya sa akin. "Oh, ang akala mo ba mamaya ka pa matatapos."

"Ayaw ko kasing paghintayin ka ng matagal at wala na rin ako masyadong gagawin ngayon dito."

Tumayo na siya. "Let's go."

Pagkalabas namin sa coffee shop ay sumakay na kami sa kotse niya.

"May gusto pala ako tanungin sayo, Thea. Kung ayos lang ba sayo."

"Okay. Ano ang gusto mong tanungin sa akin?"

"Tungkol sa isang mangliligaw mo. Nangliligaw pa rin ba siya sayo?"

"Si Rhyme? Hindi na kasi noong mga panahon na iniiwasan mo ko ay madalas rin ang pagsasama namin ni Rhyme pero isang araw ay binasted ko siya dahil hanggang kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kanya kahit noong mga bata pa lang kami."

"Ang ibig sabihin ba niyan ako ang pinili mo?"

"Baliw. Hindi pa. Ngayon ka pa lang nangliligaw sa akin."

"Just kidding. Pero parang nakita ko siya kanina nakatayo diyan sa labas. Hindi ako sigurado kung siya ba iyon o hindi."

"Ano naman kaya ang ginagawa niya? Hindi man lang niya ako sinabihan na pupunta siya."

Hindi mawala sa akin na pumunta rin pala si Rhyme kanina sa coffee shop na hindi ko man lang alam. Bakit siya pumunta? Sa anong dahilan?

"May problema ba?" Rinig kong tanong niya dahilan na tumingin ako sa kanya. "Simulang sinabi kong nakita ko siya kanina ay bigla ka na lang tumahimik."

Ngumiti ako. "I'm fine."

"Thea." Tumingin ulit ako sa kanya ng tawagin niya ako. "Promise me something."

"Promise you about what?"

"That you won't keep any secret from me."

"Since when did I keep a secret from you? Teka nga hanggang ngayon pa ba iyon pa rin ang issue natin? Ang paglihim ko sayo dati. Okay, no more secrets but you should be the same to me."

"Of course, no more secrets."

Para tuloy boyfriend ko na itong si Vixen pero paalala lang hindi ko pa siya sinasagot ah. Huwag na muna siya umasta na boyfriend ko kahit may gusto ako sa kanya.

Huminto ang kotse niya sa isang bahay na kinataka ko.

"Baba na tayo dito." Sabi niya at nauna na siyang bumaba ng kotse.

Sumunod na ako sa kanya. "Kaninong bahay ito?"

"My parents' house. Simulang inambush sila ay wala ng nakatira dito." Hinawakan na niya ang kamay ko. "Tara na sa loob."

"Ang akala ko pa naman dadalhin mo ko sa isang restaurant."

"Masyadong common kapag dinala pa kita sa restaurant. Ang gusto ko ipagluluto kita at gusto rin kita ma-solo."

"Yan tayo, eh. Galawan ng isang Vixen Vermillion."

Narinig ko ang pagtawa niya. "I told you earlier I have my own ways to court someone. Masyadong common ang date sa isang restaurant at magbigay ng flowers or chocolates sa nililigawan."

Pinagtulak na niya ako ng upuan at naalala ko bigla yung ginawa niya noong unang beses namin pagkikita. Ganitong ganito rin ang ginawa niya sa akin.

"Maupo ka na muna diyan at ipagluluto kita ng makakain. Alam kong gutom ka na."

"Sige nga. Gusto kong matikman ang luto mo at malaman kung gaano kasarap iyan para kasing pinagyayabang mo sa akin na magaling ka sa pagluluto."

"Hindi ko pinagyayabang sayo."

Pinapanood ko siya habang abala si Vixen sa pagluluto niya at nagugutom ako bigla dahil sa amoy ng niluluto niya.

"Here you go." Nilapag na niya ang niluto niya sa harapan ko.

"Masarap ba talaga ito?"

"Tikman mo para malaman mo kung masarap ba o hindi yung niluto ko."

Tinikman ko na ang niluto ni Vixen at hindi ako makaniwala na sobrang sarap ng niluto niya.

"Ang sarap!"

"I told you! Hindi naman kita ipagluluto kung alam kong hindi ako marunong magluto."

Pagkatapos namin kumain ay tinulungan ko na siya maghugas ng pinagkainan namin. Kahit anak mayaman ako at may ari ng isang restaurant ay marunong naman ako maghugas ng mga pinagkainan.

"May isa pa akong surprise sayo. Wait me here." Sabi niya at nawala na siya sa paningin ko.

Maya't maya ay may narinig na akong tugtog at nakita ko na ang pagbalik ni Vixen.

"May I dance with you?" Nilahad na niya ang kanyang kamay kaya tinanggap ko agad at sumayaw na kami sa gitna.

Hindi ko inakala na ganito pala siya ka-sweet. Kung nakilala ko lang siya dati baka naging asawa ko na si Vixen.

Habang sumasayaw kami ay pinatong ko ang ulo ko sa dibdib niya at rinig na rinig ako ang tibok ng kanyang puso.

"I love you..." Tumingala ako sa kanya gulat ma gulat. "Bakit gulat na gulat ka diyan?"

"Did you say I love you?"

"Yes. What's wrong with that? Masaya ako sa tuwing kasama kita, Thea. Nasaktan ako noong hindi mo pagsabi sa akin ng totoo tungkol sayo." Hinaplos niya ang pisngi ko. "Wala bang I love you too?"

"Aba, hindi porke't nagsabi ka ng I love you sa akin ay magsasabi na rin ako ng I love you too sayo." Pinatong ko ulit ang ulo ko sa dibdib niya.

I love you too, Vixen.

Natatakot lang akong umamin sa kanya baka isang araw ay bumalik ang ex wife niya at guluhin lang kami. Sana hindi mangyari ang ganoong bagay dahil ayaw kong mawala siya sa akin.

It Started With A LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon