9

122 7 0
                                    

"Thea, are you okay?" Tanong ni Vixen sa akin. Hindi ko namalayan huminto pala kami sa paglalakad.

"Huh? Yeah, I'm okay." Binawi ko na ang kamay ko at hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko. Dahil siguro sa sinabi niya na nilalagawan niya ako.

"Bigla ka kasing tumahimik kanina kaya nagaalala ako baka masama na pala ang pakiramdam mo."

Tipid akong ngumiti sa kanya. "Salamat sa pagaalala pero okay lang ako. Wala akong sakit o kung ano man."

"Okay. Hanapin na natin si Dale."

Nakita namin si Dale kasama ang mga kaklase niya pero hindi niya ito kinakausap o nilalapitan man lang.

"May nangyari ba kay Dale at sa mga kaklase niya?" Tanong ko kay Vixen.

"Nakipag away dati si Dale sa mga kaklase niya. Baka hanggang ngayon masama pa rin ang loob niya."

Tumingin ako sa kanya. "Sa anong dahilan?"

"Family issue. Halos alam na ng karamihan ang ginawa ng asawa ko sa akin at saka hindi ako sumasama kay Dale sa ganitong event sa school nila kahit noong bata pa lang siya. Si manang Ada ang madalas niyang kasama." Sagot niya at nilapitan na niya si Dale.

Tumingala siya kay Vixen. "Dad, nandito na pala kayo."

"May sasabihin ako sayo pagkatapos nitong school event niyo."

"Magandang balita po ba iyan?"

"It's up to you, buddy. Sa ngayon kailangan na muna natin manalo sa mga palaro."

Nagsimula na ulit ang event pero ako ay sinusuportahan ko sila hanggang sa nanalo sina Dale at Vixen.

Lumapit na ako sa kanila pero nagulat ako sa sunod na ginawa ni Vixen dahil binuhat niya ako at hinalikan rin sa labi.

Did he kissed me? Oh my God!

Binaba na niya ako. "I'm sorry. Hindi ko sinasadyang gawin iyon."

Umiwas na ako ng tingin dahil hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko. Ang bilis na ng tibok ng puso ko.

"Dad, parang alam ko na ang gusto niyong sabihin sa akin kanina."

Lumingon siya kay Dale. "Napagisipan ko ng mabuti ang sinabi mo sa akin dati. Kaya balak kong ligawan si Thea."

"I knew it but I'm happy for you."

Tumingin ako sa oras dahil malapit na pala gumabi. "Kailangan ko na pala umalis."

"Hindi ka na sasama sa amin?" Tanong niya sa akin.

"Hindi na. Uuwi na rin ako sa amin." Sabi ko at umalis na sa school.

Naguguluhan na talaga ang utak ko hindi pa nga nagsisimulang mangligaw sa akin si Vixen pero hinalikan niya ko tapos si Rhyme pa. Inamin niya sa akin na gusto niya ako at liligawan niya rin ako kaya pumayag ako. Matagal ko rin namang kilala si Rhyme.

Pagkauwi ko sa bahay ay dumeretso na ako sa kwarto ko para magpahinga pero kinuha ko ang phone ko dahil tumatawag sa akin si Rhyme.

"Ugh, ayaw ko na muna kausapin siya." Pero sinagot ko pa rin ang tawag. "Hello?"

"Where are you? Galing ako sa pinagtatrabahuhan mo pero hindi ka pumasok."

"Nasa bahay ako. Why?"

"Are you okay?"

"Yes, I'm okay. May pinuntahan ako kanina kaya hindi ako pumasok sa trabaho."

"Good to hear."

"Ay, Rhyme, pwede ba tayo magkita bukas? Mga lunch time."

"Sure. Saan tayo magkikita bukas?"

Sinabi ko na kay Rhyme kung saan kami magkikita bukas.

"Alright. See you there, Thea."

"Okay, see you tomorrow."

Kinabukasan maaga ako pumasok sa trabaho. Isa akong restaurant slash coffee shop owner at sa hindi nagyayabang marami rin ang pumupunta sa dalawa.

"Good morning, ma'am."

Ngumiti ako kay manong guard. "Good morning, manong."

Dahil ang daming customers ang kumakain sa restaurant kaya sobrang busy ng mga empleyado ko.

Lunch time na at nakatanggap ako ng text galing kay Rhyme sinabi niyang malapit na daw siya sa restaurant kaya lumabas na ako sa kitchen para doon ko na ang hihintayin ang pagdating ni Rhyme.

Kumurap ako na may humalik sa pisngi ko. "Sorry kung ngayon lang ako."

"It's okay. Hindi naman ako ganoon naghintay ng matagal at marami rin ako ginagawa sa kitchen kanina."

May inabot siyang bouquet sa akin. "For you."

Kinuha ko na sa kanya ang bouquet at nilapag na muna sa table. "Thank you."

Umupo na rin siya sa bakanteng upuan. "Bakit mo ba gusto makipag kita sa akin ngayon?"

"May gusto lang kasi ako itatanong sayo."

"Dapat habang magkausap tayo kagabi doon mo ko tinanong."

"Hindi pwede sa tawag."

"About what?"

Huminga ako ng malalim dahil kinakabahan ako. "Paano kung may isa pang lalaki na may gustong mangligaw sa akin? Ano ang gagawin mo?"

"Siyempre hindi pa rin ako titigil sa pangliligaw sayo. Teka nga may isa pa bang mangliligaw sayo?"

"Oo, may isa pa gustong mangligaw sa akin."

"Hindi pala madaling ligawan ka dahil may karibal ako sayo. Rerespektuhin ko ang magiging desisiyon mo kung sino ang pipiliin mo sa aming dalawa. Hindi naman kita pagmamay ari para pilitin ka na ako ang piliin mo imbes na siya."

"Ang ayaw ko lang naman may masasaktan kapag pumili na ako kung sino ang sasagutin ko sa inyo. Pumayag akong ligawan mo ko hindi dahil matagal na kitang kilala at best friend ka ni Meg pero sa nakikita ko hindi ka gaya ng dati kong suitor."

"Nabanggit nga sa akin ni Megan na may mangliligaw ka dati na isang babaero. Huwag ka magaalala, Thea hinding hindi kita sasaktan dahil ikaw lang ang babaeng mamahalin ko."

"Medyo naguguluhan pa kasi ako kahit hindi pa siya nagsisimulang mangligaw sa akin."

"Naiintindihan ko, Thea."

"Thank you talaga, Rhyme." Ngumiti ako sa kanya. "Kain na muna tayo. Medyo nagugutom na kasi ako."

"Sure, pero ako ang magbabayad ng mga pinagkainan natin ah. Kahit ikaw ang may ari nitong restaurant."

Tumawa ako ng mahina. "Okay, okay..."

Pagkatapos namin kumain ay nagpaalam na sa akin si Rhyme kaya bumalik na ako sa trabaho ko.

Nang nagsarado na kami ay nagtataka ako dahil walang Vixen ang pumunta. Ang akala ko ba gusto niya ko puntahan ngayon kasi magtext rin siya kanina pero hindi siya dumating. O baka busy siya sa trabaho niya at nakalimutan niyang gusto niyang makipag kita sa akin. Sinubukan ko rin tawagan si Vixen pero out of coverage ang phone niya ngayon. Ano kaya ang nangyari sa kanya?

It Started With A LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon