Pasakay na sana ako sa kotse ko para makauwi na nang nakaramdam na naman ako kakaiba. Ito rin yung naramdaman ko bago pa kami ikasal ni Thea na parang may nagmamasid sa akin. Pero napansin kong may anino ng isang tao sa tapat ng restaurant namin kaya agad akong pumunta doon.
"Show up yourself." Sabi ko kaya lumabas na siya kung saan siya nagtatago at kumunot ang noo ko. "You?! So, ikaw ang napapansin kong nagmamasid sa amin. Ang pagkaalam ko kinausap ka ni Thea noong kasal namin. Ano pa ang kailangan mo?"
"Gusto ko lang talaga malaman kung inaalagaan mo ng maigi si Althea."
Mas lalong kumunot ang noo ko. "What the hell are you talking about? Sa tingin mo ba papayag ang mga magulang ni Thea lalo na ang mga kapatid niya na ipakasal sa akin kung hindi ko magawang alagaan si Thea? Huwag mo kong ikumpara sa ginawa mo sa asawa ko noong nililigawan mo pa lang siya dahil ako sa simula pa lang sigurado akong si Thea na ang babae para sa akin."
"Ang akala ko rin na si Althea na ang babae para sa akin pero hindi ko naman inaasahan magkakagusto ako sa ibang babae."
"Yeah, sinabi na rin sa akin ni Thea kung ano ang pinagusapan niyo noong kasal namin"
"Hindi rin naman ako manggugulo dahil nakikita kong masaya si Althea sa tuwing kasama ka niya."
Nagmumukha siyang stalker sa ginagawa niya. Tsk. Kapag makita ko pa siyang nagmamasid hindi na ko magdadalawang isip na magtawag ng pulis at ipapakulong ko ito.
"Kaya please lang ayaw ko ng maki–" Hindi natapos ang sasabihin ko ng marinig kong tumunog ang phone ko kaya kinuha ko iyon para sagutin ang tawag. "Hello, Dale."
"Sinugod po namin si mommy sa hospital."
"Huh? Ano nangyari sa mommy mo?"
"Manganganak na po siya."
Shit. Nawala sa isipan ko malapit na pala manganak si Thea kaya sinabihan niya kong huwag na muna pumasok pero sinabi ko sa kanya uuwi ako ng maaga ngayon.
"Okay, pupunta na ako diyan." Binaba ko na ang tawag at tumawid na ulit ako para sumakay na sa kotse ko.
Pagkarating ko sa hospital ay hinanap ko agad sila Dale hanggang makita ko na sila kaya lumapit ako kaagad sa kanila.
Mukhang napansin ni manang Ada ang presensya ko dahil lumingon siya sa gawi ko. "Nandito ka na pala, Vixen."
"Ano na ho ang balita kay Thea?"
"Dad..." Tumingin ako kay Dale noong tumayo na siya. "Kapapasok pa lang po kay mommy sa loob."
Mga ilang oras ang hinihintay namin bago may lumabas ang doctor kaya agad akong lumapit sa kanya.
"Doc, musta na ho ang mag-ina ko?" Tanong ko. Excited na talaga ako makita ang anak namin ni Thea.
"Everything is fine, mr. Vermillion. Healthy ang anak niyo at congratulations for having a baby boy. Maaari niyo rin bisitahin ang anak niyo sa nursery room."
Napangiti ako dahil lalaki ang naging anak namin. Wala naman akong pakialam kung ano pa man ang magiging gender niya. Ang mahalaga mahal namin siya ng mommy niya.
"Dadalhin na rin namin ang asawa niyo sa private room."
Tumango ako. "Maraming salamat ho."
"Dad," Lumingon ko kay Dale. "Pwede po bang puntahan namin ni manang ang kapatid ko? Gusto po namin siya makita."
"Sasama na ako sa inyo."
Pumunta na kami sa nursery room para makita na ang anak namin ni Thea. Kapag malaman ng asawa ko na hindi kami sabay makita ang anak namin ay paniguradong magagalit iyon sa akin. Bahala na nga mamaya pagkagising niya.
BINABASA MO ANG
It Started With A Lie
RomanceChase Sequel # 4: Althea Chase Si Althea ang nagiisang anak na babae nina Trey at Pauline Chase. Maarte sa ibang bagay lalo na sa lalaking kinaiinisan niya dahil sinaktan lang niya ito. Isang gabi nagpaalam siya na pupunta siya sa bahay ng kaibigan...