22

106 7 0
                                    

"Dad, pinapatawag niyo daw po ako." Ani Dale.

"Gusto ko kayong kausapin ni manang tungkol kay Thea." Seryoso kong tugon.

"Parang seryoso ang sasabihin mo sa amin, Vixen."

"Matagal tagal na rin ang huling kita ko kay tita Thea. Kamusta na po siya?"

"Isa sa mga dahilan kung bakit isang taon na natin hindi nakikita at nakakasama si Thea dahil wala siyang maalala tungkol sa atin." Anunsyo ko at nagulat silang pareho.

"Diyos ko. Ano ang nangyari sa kanya?"

"Sana okay lang si tita Thea."

"Nakausap ko kanina ang papa niya at sinabi niya sa akin naaksidente si Thea habang nasa Australia siya. Kahit sila hindi niya maalala noong nagkaroon na siya ng malay pero 'di naman nagtagal ay naalala na niya ang pamilya niya."

"Um, dad... May tanong po ako."

Binaling ko ang tingin kay Dale. "Okay. Go ahead."

"Tungkol po sa baby niyo ni tita Thea... Did he survived?"

Umiling ako. Hindi ko man lang nakita ang anak namin ni Thea. "The baby didn't survived. Pero hindi tayo pwede mawalan ng pagasa. Kailangan ko ng tulong niyo para maalala tayo ni Thea."

"Ano ang bibabalak mo ngayon, Vixen?" Tanong ni manang Ada sa akin.

"Time travel. Babalikan namin ang mga lugar na pinuntahan namin kahit yung lugar na unang pagkikita namin. Pero kakausapin ko pa rin ang mga kaibigan niya. That's all. May pupuntahan pa ko."

Pagkarating ko sa isang bahay ay hindi ako sigurado kung ito ba ang bahay ni Rhyme dahil ngayon pa lang ako pumunta sa kanila pero ito ang address na binigay niya. Baka dito nga siya nakatira. Ang laki kasi kumpara sa bahay namin, baka mansion na ito.

Nagdoorbell na ko pero nagulat ako na may tumahol. My gosh! May alaga pala silang aso. At may isang maid na bumukas sa gate nila.

"Sino ho sila?"

"Vixen. Uh, kaibigan ako ni Rhyme. Nandiyan ba siya?"

"Pasok ho kayo. Tatawagin ko lang po si sir Rhyme." Alok ng maid kaya pumasok na ako sa loob.

Nilibot ko ang paningin ko. Letsugas naman labas pa lang ang laki na, paano pa kaya kung nasa loob nang bahay?

"Maupo na po muna kayo." Sabi niya.

Lumingon na muna ako sa likod bago umupo sa sofa. Damn, nakaramdam tuloy ako ng hiya dahil 'di naman kami ganoon close ni Rhyme pero siya lang pwede kong lapitan para alamin paano malaman kung saan nakatira ang mga kaibigan ni Thea.

"Kuya!" Rinig ko ang boses ni Rhyme kaya napatayo na ako. "Naparito ka ba para makipag kita na kay mama?"

Hindi pa nga pala ako nakikipag kita sa mama niya dahil naging busy ako simulang umalis ako sa pagiging assassin.

"Kamusta ka na, Rhyme?" Hindi ko ulit nakita si Rhyme pagkatapos ng aksidente namin dati.

"I'm doing great kahit ganito ang nangyari sa akin." Pinakita niya sa akin ang nangyari sa paa niya. Isang artificial leg ang gamit na niya ngayon.

"I'm sorry. Kung hindi dahil sa akin hindi ganyan mangyayari sayo."

"Ano ka ba. Kung hindi dahil sayo baka patay na ako ngayon. Utang na loob ko sayo ang buhay ko, kuya. So... Naparito ka ba para bisitahin si mama?"

Umiling ako. "May ibang bagay pa ako kung bakit nandito ako ngayon."

"Ano iyon, kuya?"

"Hindi ako sigurado kung may alam ka na ba sa nangyari kay Thea. Last year she had an accident when she was in Australia. She doesn't remember all of her friends, even me."

Namilog ang mga mata niya. "What?! Paano mo nalaman ang nangyari kay Althea?"

"Isang araw nakita ko si Thea pero nagulat ako ng hindi na niya ako maalala tapos kanina nakausap ko ang papa niya at sinabi niya sa akin naaksidente si Thea habang nasa Australia siya. Naalala niya ang pamilya niya pero tayo – wala siyang maalala tungkol sa atin."

"Ano ang matutulong ko sayo?"

"Gusto ko malaman kung may alam ka kung paano ko makikita ang dalawang best friend ni Thea."

"Alam ko kung saan nakatira si Megan pero si Stacey hindi, eh. Baka kapag pinuntahan mo si Megan ay ibigay sayo ang address ni Stacey. Teka lang ah. Hahanapin ko kung saan ko nailagay yung binigay niyang address sa akin."

"Okay, take your time, bro. Hindi naman ako nagmamadali." Umupo na ulit ako nang umaakyat ulit siya sa taas.

Hindi naman ako ganoon matagal naghintay sa pagbalik ni Rhyme at may inabot siya sa akin isang papel na may nakasulat.

"Diyan ang address ni Megan. Puntahan mo na lang siya."

Kinuha ko na ang papel sa kanya. "Thank you, Rhyme. Um, since nandito na rin naman ako. Bibisitahin ko na rin ang mama mo."

"Matutuwa si mama kapag makita ka niya. Sumunod ka sa akin, kuya."

Sumunod na ako sa kanya. "Ang mama at mga maids lang ba ang kasama mo dito?"

"Oo, simulang nakulong ang papa ko."

"If you don't mind... What happened?"

"Bata pa lang ako noong marinig ko naguusap sina mama at papa na may napatay si papa dati. I don't know who."

"Ambush ba?"

"Hmm... Hindi ko na maalala kasi bata pa ako noon, eh." Lumingon siya sa akin. "Why?"

"May nagambush kasi sa mga umampon sa akin at pareho silang dead on arrival sa hospital. Kaya si manang Ada ang naging legal guardian ko hangga't wala pa ako sa tamang edad noon. At hinahanap ko rin ang pumatay sa kanila para bayaran ang ginawa nilang pagpatay sa mga magulang ko."

"I see... May kilala akong investigator baka gusto mo siyang makausap tungkol sa kaso ng mga umampon sayo. Pwede ko ibigay sayo kung saan siya nagtatrabaho."

"Salamat pero may ibang bagay pa ako kailangan asikasuhin ngayon. Gusto ko na muna maalala tayong lahat ni Thea at yayain ko na siya ng kasal."

"Wow. Pero alam na ba ng pamilya niya na may balak kang yayain si Thea ng kasal?"

"May basbas na ko ng papa niya pero pupunta rin ako sa kanila para makausap ang mama at mga kapatid niya."

"We're here." Huminto na siya sa tapat ng isang kwarto at kumatok siya na siya sa pinto. "Ma, may bisita po kayo."

Pagbukas niya sa pinto ay bumungad sa akin ang machine at mga aparatus nakasabit sa mama niya.

"Bakit nandito siya? I mean wala sa hospital." Tanong ko.

"Isang taon rin nasa hospital si mama pero gusto na niya na umuwi para dito sa bahay siya magpapahinga. Kapag nasa hospital daw siya para humihina daw ang pakiramdam niya."

Tumingin ang mama ni Rhyme sa amin. "Rhyme, sino siya?"

"Ma, si kuya Vixen po. Sinabi ko sa inyo na tagpuan ko na ang kapatid ko."

"Ikaw pala si Vixen. Kung alam ko lang na bibisita ka sana pinaghandaan ko ang pagdating mo."

"Ayos lang ho. Biglaan lang din ang punta ko ngayon." Biglang umurong ang dila ko at nawala ang galit ko pagkakita ko sa kalagayan ng mama ni Rhyme.

It Started With A LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon