33

101 6 0
                                    

Habang namamasyal kami magkakaibigan ay biglang tumutunog ang phone ko kaya tiningnan ko kung sino ang tumatawag at nakita ko ang pangalan ni Dale sa ID caller ko.

"Di mo ba sasagutin yung tawag?" Tanong ni Stacey dahil hinahayaan ko lang magring ang phone ko. Ayaw ko muna makausap na kahit sino sa kanila.

Inagaw ni Megan ang phone ko sa kamay ko. "Dale? Hindi ba anak niya ito?"

"Oo, anak nga niya si Dale."

"Bakit naman kaya tumatawag sayo ang anak niya?"

Nag kibit balikat ako. "Ewan ko."

"Meg, subukan mong i-reject yung tawag. Kung tumawag ulit kay Thea, ibig sabihin importante ang tawag. Kung hindi na tumawag ulit, hindi importante."

Kusang gumalaw ang kamay ko para agawin kay Megan ang phone ko bago pa niya pindutin ang reject call. Sinagot ko na ang tawag ni Dale.

"Tita Thea, kasama niyo po ba si dad?"

"Hindi ko siya kasama. Bakit?"

"Pagkauwi ko po kasi kanina ay biglang umalis si dad. Ang akala ko po may lakad kayo ngayon tapos anong oras na hindi pa rin siya bumabalik at sinusubukan namin tawagan pero hindi niya sinasagot ang tawag. Nagaalala na po kami ni manang dito. Baka may alam po kayo kung saan maaaring pumunta si dad."

Hindi na ko sumagot kay Dale dahil biglang bumilis ang tibok ng dibdib ko. Dapat wala na kong pakialam sa kanya pagkatapos niyang magsinungaling sa akin pero mahal ko pa rin siya at nagaalala kung ano ang maaari niyang gawin.

"Susubukan kong hanapin ang daddy mo, Dale. May lugar akong alam na maaari niyang puntahan."

"Salamat po, tita."

Binalik ko na ang phone ko bago tumingin sa mga kaibigan ko.

"Girls, I have to go."

"Oh, akala ko ba hindi na muna isipin ang tungkol sa kanya tapos ngayon aalis ka." Inis na sambit ni Megan.

"Pasensya na. Nagaalala lang ako sa pwede niyang gawin."

"Sus, Thea... Malaki na iyang si Vixen at hindi mo na kailangan puntahan kung saan pumunta ngayon. Bakit kasi hindi mo pa aminin sa amin na hindi mo kayang lumayo sa kanya dahil mahal mo pa rin siya."

"Meg, hayaan mo na si Thea sa problema nila ni Vixen."

"Tsk. Marupok rin kasi."

"Maiintindihan mo rin kapag ikaw ay magmahal. Baka mas higit pa ang gawin mo kaysa kay Thea."

"Imposible iyang sinasabi mo, Stacey."

"Huwag kang magsalita ng tapos." Binaling ni Stacey ang tingin sa akin. "Umalis ka na at hahatid ko na si Meg sa kanila."

Pumunta na ko sa bar kung saan ang unang pagkikita namin dahil alam kong dito lang talaga siya pumupunta kung may problema siya at alam ko rin kung saan siya madalas pumupwesto kapag nandito siya sa bar.

Tumingala siya sa akin at halatang marami na siyang nainom. "Nandito ka ba para sa akin?"

"Yes, because Dale called me earlier. Kailangan mo ng umuwi sa inyo dahil marami ka ng nainom ngayon, Vixen."

"Nope, I'm not going home until you tell me you still love me, Thea."

Hinawakan ko siya sa braso. "Lasing ka na kaya iuuwi na kita sa inyo."

Inagaw niya ang braso niya. "Hindi ako lasing!"

"Vixen, ano ba ang gusto mo?! Gusto mo bang magaaway na naman ba tayo?"

"Isa lang naman ang gusto ko, Thea. Ang makipag balikan ka sa akin. Kapag nakipag balikan ka sa akin... uuwi na ko."

Wala naman akong sinabing makikipag hiwalay ako sa kanya pero ganoon pa rin pala yung huli kong sinabi sa kanya bago ako umalis sa bahay niya.

"Alam mo naman kung bakit ko ito ginagawa, 'di ba? Ayaw ko sa mga taong sinungaling."

"Aba, ayaw mo sa taong sinungaling? Hindi ba pagsisinungaling ang ginawa mo dati na hindi umamin kung sino ka ba talaga? Ganoon ka rin naman. Fair enough."

Sinampal ko siya sa inis ko sa kanya dahil binabalik na naman niya ang hindi ko pagsabi sa kanya kung sino ba talaga ako. Hindi ko naman intensyon maglihim sa kanya.

"Kung ayaw mong umuwi, huwag kang umuwi! Sinasayang mo lang ang oras ko!" Wala na kong pakialam kung may makarinig pa sa sigaw ko. Mas lalo akong naiinis sa kanya. Sana hindi na lang ako pumunta dito at hinayaan ko lang siya magpalunod sa alak.

"Hindi ko naman sinabing pumunta ka dito. Ikaw mismo ang pumunta dito dahil tumawag sayo si Dale. Bakit ko ba pipilitin ang sarili ko sa taong ayaw na sa akin?" Ito ang pangawalang beses na makita ko siyang umiyak. Nadudurog ang puso ko kapag nakikita ko siyang umiiyak. Pero napansin kong my bandage ang isa niyang kamao. Ano nangyari doon?

"Please, Vixen..."

"Ano ba! Umalis ka na dahil ayaw ko pang–" Hindi ko na tinapos ang gusto niyang sabihin sa akin dahil sinunggaban ko siya ng halik kahit nalalasahan ko ang alak na iniinom niya at tumugon rin siya agad.

Humiwalay na ako sa aming dalawa. "Nasasaktan ako kapag nakikita kitang ganyan dahil mahal pa rin kita, Vixen. Kaya pwede bang iuwi na kita sa inyo?"

Hindi na siya sumagot kaya binayaran ko na ang lahat na ininom niya kanina bago ko siya inalalayan maglakad. Ang bigat niya pero no choice ako. Pagkalabas namin sa bar ay humingi ako ng tulong sa driver ko na isakay si Vixen sa kotse at hatid namin sa kanila.

"Kuya, pagkarating natin sa kanila huwag mo na ko hintayin. Doon muna ako sa kanila papalipas."

"Okay po, ma'am."

"Mmm... I love you too, Thea." Rinig kong sambit ni Vixen kaya lumingon ako sa kanya habang ang sarap ng tulog niya sa balikat ko at hindi niya binibitawan ang kamay ko simulang sumakay kami sa kotse. Pero iniisip ko tuloy kung ano ang napapanigipan niya.

Pagkarating namin sa bahay niya ay sinalubong ako ni Dale sa may labas dahil nagtext ako sa kanya kanina na parating na kami at tinulungan na niya ako alalagayan ang dad niya.

"Tulungan mo kong dalhin ang daddy mo sa banyo para mapaliguan ko siya." Sabi ko kay Dale at hindi na bago sa akin kung makita kong walang saplot si Vixen. Ilang beses na may nangyari sa amin.

"Okay po."

Pagkarating namin sa banyo ay napalingon ako dahil parang may crime scene naganap dito, eh. May dugo at basag ang salamin.

"Ano ang nangyari dito, Dale?"

"Hindi ko po alam ang saktong nangyari pero ang sabi ni manang naririnig niyang sumisigaw si dad kanina at may narinig rin siyang basag na salamin."

Kaya bang may bandage ang kamao niya? Dahil sinuntok niya kanina ang salamin.

It Started With A LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon