21

109 8 0
                                    

Vixen's POV

Isa o dalawang beses lang tumawag sa akin si Thea at hindi na siya tumawag pang muli sa akin simula noon. Hindi ko nga alam kung kung kailan siya bumalik ng Pilipinas dahil ang sabi niya 2 to 3 weeks siya doon sa Australia. Nagaalala na tuloy ako sa girlfriend ko.

Isang taon na rin ang lumipas noong huling kita o usap ko sa kanya at gusto ko rin sila kamustahin ng anak namin. Gusto ko rin malaman kung lalaki o babae ang naging anak namin pero wala akong pakialam kung ano ang gender basta si Thea ang ina sa magiging anak ko.

Isang araw nagulat ako ng makita ko si Thea pero wala akong makitang may tinutulak siyang stroller o kinakargang bata. Baka hindi niya sinama ang anak namin ngunit noong lumapit na ako sa kanya at tinawagan ang pangalan niya ay hindi niya ako maalala. Ano nangyari sa kanya habang nasa Australia siya?

Hanggang ngayon kasi nahihiya akong lumapit sa pamilya niya para tanungin ang nangyari kay Thea.

"Damn!" Binaba ko ang hawak kong baso sa counter. Kahit isang araw gusto kong kalimutan ang sakit na nangyari. Hindi ako maalala ni Thea. Anong kalokohan iyon? Pumunta lang siya doon tapos pagbalik wala na siyang maalala tungkol sa akin.

"Dito lang pala kita makikita, mr. Vermillion." May narinig akong familiar na boses.

Tumingala ako sa kanya at namilog ang mga mata ko. "Sir!?"

Umupo na siya sa tabi ko at umorder ng maiinom. "Matagal na kita gustong makausap pero wala akong ideya kung saan kita maaaring puntahan. Tinanong ko rin si Evan kung may alam siya. Since naging magkaibigan kayo noong nagtatrabaho pa kayo sa CAS."

"Sir, pasensya na ho kung bigla akong umalis sa CAS na hindi nagpapaalam sa inyo. Nagkaroon ng problema sa amin at nahihiya na kong humarap sa inyo." Sabi ko habang nakatingin sa basong hawak ko.

"Kalimutan natin ang nangyari dati. Naparito ako tungkol kay Thea."

Binaling ko ang tingin sa kanya. "Ano ho ba nangyari kay Thea? Noong isang araw nakita ko siya pero wala siyang maalala tungkol sa akin."

"Hindi lang ikaw ang hindi maalala ni Thea."

Kumunot ang noo ko. "What do you mean, sir? May amnesia si Thea? Paano nangyari iyon? Paano na yung anak namin?"

"Hinay-hinay lang sa pagtatanong sa akin." Sabi niya at kinuha na niya ang inabot ng bartender sa kanya.

"Pasensya na ho." Uminom ulit ako ng whiskey. "Nagaalala lang ho ako sa mag-ina ko."

"Naiintindihan kita, mr. Vermillion."

"Pero paano ho nagkaroon ng amnesia si Thea?"

"I don't know the exact datails but my friend called me to tell what happened to Thea. Sorry to say this but the baby didn't survive when she had an accident."

Nanigas ang buong katawan ko sa narinig. Naaksidente si Thea at hindi lang iyon namatay ang anak namin. "Ang sabi niyo ho kanina hindi lang ako ang hindi maalala ni Thea."

"Oo, pagkagising ni Thea sa coma wala siyang maalala tungkol sa amin pero isang araw bumalik ulit ang memorya niya. Ngunit wala na siya maalala pa maliban sa amin."

Bumuga ako ng hangin. "Ibig sabihin hindi rin niya maalala ang mga kaibigan niya."

Kailangan ko rin sabihin sa iba ang tungkol sa kalagayan ni Thea kahit rin sa mga kaibigan niya para matulungan nila ako para bumalik ang memorya niya sa amin.

"Sir, nakapagdesisyon na ho ako. Kung papayagan niyo kong gawin ito." Seryoso kong sambit.

Kumurap siya ng humarap sa akin. "And what is that?"

"I know you this is not the right place to tell you that I want to marry your daughter and I will do anything no matter what happen, she just remember me – us. At any cost." Nilalakasan ko na talaga ang loob ko. Balak ko rin naman kausapin ang mga magulang ni Thea pagkauwi niya galing Australia at hingiin ang basbas nila para pakasalan ko ang anak nila.

Nakita ang pagngiti niya. "Iba ang pagkakilala ko sayo, mr. Vermillion at sa nakikita kong mahal mo talaga si Thea."

"Isang beses na ho ako nasaktan dahil sa kasinungalingan ng ex wife ko kaya kinulong ko ang sarili ko sa nakaraan kaya hindi na ko naghanap pa ng iba. Ang akala ko ho hindi na ako magmamahal pa pero dumating sa buhay ko si Thea. Masaya ako sa tuwing kasama ko siya kaya kinausap ako ng anak ko na ligawan ko si Thea at wala naman mawawala sa akin kung susubukan ko."

"Wait. You have a son?"

Tumango ako. "Meron ho. Actually, inampon ko lang siya dahil inabandon na siya ng mga magulang niya."

"How old is your son?"

"Um, 17 years old. 1st year college na ho siya ngayon."

"I will give you my blessing but you still need to go to our house to talk to my wife and Thea's siblings as well."

"I will." Biglang sumigla ang mukha ko dahil may basbas na ko ng ama ni Thea para pakasalan siya. "Thank you, sir!"

Sa ngayon kailangan kong kausapin ang mga taong mahalaga kay Thea para sabihin sa kanila ang kalagayan niya ngayon. Kahit mahirap itong gagawin ko pero gagawin ko ang lahat para maalala niya kaming lahat at kapag naalala na niya ako ay doon ko na siya yayain magpakasal. Pero bago ang lahat kakausapin ko na muna ang mama ni Thea para bigyan rin ko ng basbas.

"Sir, kailangan ko na ho umalis. May importante pa kasi ako kailangan gawin." Nilagay ko na ang bayad sa ininom ko at nagmamadali na kong lumabas sa bar.

Operation: Time Travel

Dadalhin ko si Thea sa mga lugar na pinuntahan namin at susubukan ko ang lahat para maalala niya ang tungkol sa akin. At saka tutulungan ko rin ang iba para maalala rin sila ni Thea kahit hindi ko pa ganoon kilala ang dalawa niyang best friends.

Paguwi ko sa bahay ay hinahanap ko sina Dale at manang Ada. Dapat nakauwi na rin si Dale dahil maaga natatapos ang klase niya ngayong araw.

Nang makita ko na si manang Ada ay lumapit na ako sa kanya. "Manang, si Dale ho?"

"Nasa kwarto niya. Gusto mo bang tawagin ko si Dale?"

Tumango ako. "Yes, please. Gusto ko ho kayo makausap ni Dale at importante ito."

It Started With A LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon