36

112 7 1
                                    

"Saan mo ba ko dadalhin, Vixen?" Tanong ko habang hawak ang kamay niya. Hindi ko kasi alam kung nasaan kami ngayon dahil nilagyan niya ng piring ang mga mata ko.

"Saan ka ba nakakitang surpresa na sinasabi ang surpresa?" Sagot niya sa akin.

"Bwesit ka talaga. Kung iwanan kaya kita dito." Inis kong turan sa kanya.

"Binibiro lang kita pero surprise talaga ito. Humawak ka lang ng maigi sa kamay ko para makarating na tayo agad doon."

Bumangga ako sa isang matigas na bagay. Bastos rin minsan si Vixen. Ang sakit kaya kung ano man iyon.

"You can remove your blindfold."

Inalis ko na ang piring at dahan-dahan kong dinidilat ang mga mata ko para makita kung nasaan na kami. "Where are we?"

Napansin ko nandito pala kami sa yacht, pero paano nagkaroon ng yacht si Vixen?

"In the middle of the ocean."

"Saan mo nakuha itong yacht?"

"My family owns this yacht but it hasn't been used for a long time since dad died. He also often takes me here to show me the beautiful views from here. That was the good memory I had with them."

"Bakit hindi mo naisipan ibenta itong yacht? Kung ang sabi mo matagal tagal na rin ang huling gamit nito."

"Hindi papayag si dad na ibenta ko itong yacht. Ang sabi niya sa akin noong huling punta namin dito; When you have your own family you can bring them here and also show your future children the beautiful scenery."

"Wala pa naman tayong anak kaya ako na muna." Sabi ko.

"Exactly. Kaya kita dinala dito para ipakita rin sayo ang magagandang tanawin at gaya ng palagi kong ginagawa sa tuwing magkasama tayo ay gusto kong memorable ang lahat."

"Pwede bang tingnan ang loob? Gusto ko kasi makita ang loob."

"Oh, sure." Hinawakan niya ang kamay ko. "Let's go inside."

Pumasok na kami sa loob at tiningnan namin ang bawat kwarto na makikita namin. Meron ngang indoor pool at jacuzzi.

"Hindi mo naman sinabi sa akin meron pa lang indoor pool at jacuzzi dito. Dapat nagdala ako ng swimsuit."

Humahalakhak siya. Wala naman nakakatuwa sa sinabi ko ah. "Hindi mo na kailangan ng swimsuit. Tayong dalawa lamang ang nandito."

Suminghap ako. "Ang bastos mo!"

"Wala naman masama kung makita ko ulit ang hubad mong katawan, eh. Hindi ito ang unang beses na makikita ko iyan."

"You're so annoying! Hindi ko alam yung naging boyfriend ko pala ay isang pervert."

"Hey, I'm not a pervert. Pero ano ang gagawin mo?"

"Nothing. Okay lang na pervert ka basta sa akin lang."

"So, inaamin mong gusto mo rin pala."

"Inamin mo rin na pervert ka." Sabi ko sabay labas ng dila ko sa kanya.

"Damn. Oo na pero sayo lang ako pervert."

"Ang sabi mo sa akin kahapon ay magoovernight tayo kaya pinadala mo ko ng extrang damit pero hindi mo ko sinabihan na may jacuzzi at indoor pool pala sa pupuntahan natin."

"Okay na 'yang suot mo sa pool pero sa jacuzzi next time na lang pagkabalik natin."

"Babalik pa ba tayo dito?"

"Of course. Kasama na ang mga magiging anak natin."

"Mga magiging anak natin ah? Ilan ba ang binabalak mo, hmm?"

Kibit balikat siya sa akin. "I don't know but I don't care if we only have one child."

"Tara na sa pool." Sabi ko dahil excited na talaga ako maligo sa pool.

"Susunod ako sayo kaya mauna ka na sa pool."

Nagmamadali na ko sa isang kwarto para makaligo na ko sa pool. Para tuloy ako bumalik sa pagiging bata dahil sobrang excited ko maligo sa pool. Hindi niyo rin ako masisi dahil matagal na rin ang huling ligo ko sa pool. Simulang nakapag tapos ako sa pagaaral ay hindi na kami pumupunta sa swimming pool. Niyaya ako dati nina Cassey at Jonas na magswimming pero sobrang busy ko noong mga panahon na iyon kaya hindi ako nakasama tapos sinabi sa akin ni Jonas na nakita daw niya si kuya Travis at Mavis. Kainis! Nainggit tuloy ako.

Hindi ko namalayan ang oras dahil sobrang nagenjoy ako sa pool pero hindi yata dumating si Vixen. Ang sabi niya susunod siya kasi may gagawin pa daw kaso 'di naman sumunod.

Pagkatapos ko magasikaso ay bumalik na ulit ako sa upper deck at nakita ko si Vixen na nakatingin lamang sa tanawin kaya naisipan kong lapitan siya.

"Akala ko ba susunod ka sa akin pero 'di ka naman sumunod."

Tumingin siya sa akin. "Pasensya na. Nilagay ko pa sa kwarto ang iba pang gamit natin at humiga na muna sa kama ako para magpahinga pero hindi ko namalayan nakatulog pala ako. Babawi ako sayo. Gutom ka na ba?"

"Yes. Nagutom yata ako habang lumalangoy sa pool kanina." Sabi ko habang nakatingin sa tanawin. "Ang ganda nga dito."

"Sabi ko sayo, eh. Maganda talaga ang tanawin dito pero sayang nga lang 'di natin naabutan ang sunset kanina. Maganda panoorin ang paglubog ng araw dito."

"Okay lang. May next time pa naman."

"Naghanda na rin ako ng makakain natin. Tara kain na tayo." Sabi niya kaya sumunod na lamang ako sa kanya at pinagtulak niya ako ng mauupuan.

Umupo na ko sa upuan. "Sa susunod dadalhin naman kita sa paborito kong lugar."

"Asahan ko iyan." Umupo na rin siya sa harapan ko.

Nakatingin lamang ako sa tanawin pagkatapos namin kumain. Ang ganda kasi at saka hindi ko makakalimutan ang pangyayari na ito.

"Thea..."

Humarap ako sa kanya at namilog ang mga mata ko dahil nakaluhod na sa harapan ko si Vixen.

"Oh, shit. Bakit ba ko kinabahan?" Tumawa ako ng mahina sa sinabi niya kaya huminga muna siya ng malalim bago tumingin ulit sa akin. "Althea Chase, will you be my wife?"

Oh my God! Hindi maproseso sa utak ko ang nangyayari. Nagpropose ba si Vixen sa akin? Hindi ako handa kahit alam ko kahit kailan ay magpopropose siya sa akin dahil narinig ko dati na binigay na sa kanya ng pamilya ko ang basbas pero hindi ko sinasabi sa kanya kasi ayaw kong masira ang plano niya.

"Thea? Don't you want to marry me?"

"Huh?" Tumingin ako sa kanya na ngayo'y nakatayo na siya. "Of course, I want to marry you."

Sinuot na niya ang singsing sa daliri ko at niyakap niya ako. "Thank you."

Ginantihan ko na rin siya ng yakap. "I love you, Vixen."

"I love you too." Humiwalay na siya at sinunggaban niya ako ng halik kaya tumugod ako agad.

Tumingin ako sa kalangitan noong may narinig akong fireworks. Mas lalong gumanda ang tanawin noong nagkaroon ng fireworks.

"Ang ganda!"

"But you are the most beautiful in my sight."

Tumingin ako sa kanya. "Hindi mo naman kailangan bolahin ako."

"Hindi naman kita binobola dahil totoo ang sinabi ko. Tanda mo pa ba yung sinabi ko sayo dati?"

"Marami kang sinabi sa akin. Alin doon?"

"Noong sinabi mo sa akin na wala ka pang naging boyfriend kaya nasabi ko na; sa ganda mong iyan wala ka pang boyfriend. Pero masaya ako na ako ang una at huli mong boyfriend at your soon-to-be husband."

It Started With A LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon