1 — Unwind
'Pag mahal mo ang isang tao, kahit hindi naging maayos ang relasyon niyo, hindi agad-agad mawawala ang nararamdaman mo. Darating ang mga araw na kahit nakalipas na ang ilang taon, hahanap-hanapin mo siya. Iyan ang pinagdadaanan ni Giselle Alexine ngayon.
She brought her past to her present voluntarily. Siya ang ayaw pang-mag-let go. Ayaw niyang bitawan ang kaunting pag-asa na 'pag nagkita ulit sila ni Geeo ay maaayos pa nila ang relasyon nila. She was badly inlove with her bestfriend.
Five years ago, they were okay. Forever exists, according to them. Maging ang mga kaibigan nila ay naniniwalang sila na ang end game ng isa't-isa. Akala din naman nila. It so happened that fate made its way to separate them. No communication. Just pursuing their passion. That they forgot about each other.
Inaayos ni Alex ang tent niya. Nasa Marine Base siya kasama ang mga kapatid ng Mommy niya. Sumabay lang siya sa mga ito papunta at sasabay din pauwi. Mga alas kwatro ng hapon ng umalis sila sa Dasma at sakto lang ang dating nila sa Ternate bago dumilim. Mangilan-ngilan ang tao pagkarating nila roon. Humiwalay na siya sa mga Tita at Tito niya nang makapili na ang mga ito ng cottage nila. She brought herself a tent tulad ng payo sa kanya ng isa sa mga girlfriends niyang si Janine.
Madali niya itong naayos dahil hinihila lang naman ang tent niya sa tuktok nito. Pumuwesto siya sa may bandang gitna ng island, sa may ilalim ng puno, malayo ng kaunti sa cottage ng mga Tita niya. Pumasok siya sa loob nito at nilapag ang bagpack niya. Dahil naka-swim suit naman na siya bilang panloob ay hinubad na lang niya ang pink niyang off-shoulder blouse at puting short. Iniwan niya na rin ang toeberries niyang tsinelas sa loob ng tent bago siya lumabas dala ang iPhone niya.
Kalulubog lang ng araw kaya halo-halong violet, orange, yellow at pink ang kulay ng langit. She swiped the screen of her phone and took a picture of the beautiful view. May 3G ang kanyang iPhone kaya naipost niya ito agad sa Instagram. Naglakad-lakad siya sa dalampasigan hanggang makarating sa may batuhang bahagi sa dulo ng isla. Naupo siya roon sa isang malaking bato. Kung titingnan siya ay para siyang nasa isang photoshoot. Bagay na bagay sa kanya ang suot niyang itim na two-piece. Sabayan pa ng seryoso niyang mukha habang nakatanaw sa pinakamalayong makikita ng mga mata niya.
She wanted to unwind, to self-reflect, to be with herself alone para makapag-isip-isip ng tungkol sa lovelife niyang naging bato pa.
Isa lang ang naalala niya sa magagandang view na tulad ng nakikita niya ngayon. Si Geeo. Parang lahat na lang ay may kinalaman rito. Palibhasa'y photographer. Nasanay siya na sa tuwing matatanaw na kakaiba ang mga mata niya, Geeo will capture it for her. Maging ang mga priceless expressions niya. Palagi siyang may mga stolen shots sa DSLR nito. She began to wonder... D-in-elete na kaya ni Geeo ang marami niyang pictures sa camera at cellphone nito?
"Ehem." Napalingon si Alex sa umismid sa likuran niya. "Bakit nag-iisa ang magandang binibining tulad mo sa lugar na ito?"
Hindi niya inalis ang tingin niya sa lalaki. Nakangiti ito habang nakatanaw sa kaninang tinitingnan niya. Pinapakiramdam niyang mabuti kung masamang tao ito. Agad niyang nilinga nang mabilis ang isla. May mga tao namang malapit sa kanila. Siguro nama'y maririnig siya ng mga ito kung sakaling sumigaw siya kapag h-in-arass siya ng lalaki.
"I'm no kidnapper, dear." Mahina itong tumawa bago tumingin sa kanya. Husky ang boses nito at mukhang maginoo.
"And I'm not a kid," sagot niya rito sabay irap. She crossed her arms. "May I know who you are at bakit mo ginagambala ang isang babaeng tulad ko rito?"
"Why so mad, dear? I just—"
"Stop calling me dear!"
"Okay, okay. Relax." He chuckled. "Seryoso, hindi ako masamang tao. Mukha ba 'kong manyak?"
Nagtaas siya ng kilay habang pinapasadahan ng tingin ang lalaki. Naka-clean cut ang buhok nito, matangos ang ilong at nang matitigan niya ang mga ito ay alam niyang hindi ito itim o brown. Parang ma-blue ito o green. Hindi niya alam dahil sa padilim na padilim nang langit. Dahil naka-board shorts lang, hindi nakaligtas sa kanya ang abs nito. He's totally a hot guy! Hindi niya nga matagalan ang pagtingin sa mukha nito dahil napakaguwapo nito. He's like a foreigner or something pero mukha rin namang Pinoy dahil sa kayumanggi nitong balat. Baka may lahi lang.
"You're drooling," biro nito. "Tell me, do I look like a bad person?"
You looked like a Greek God, she wanted to say.
"Ahm, I don't know. Can you please...leave me alone."
Tinalikuran niya ito.
"Mukha kang broken-hearted," out of the blue nitong sabi. He moved closer to her. "Who's the idiot?"
Feeling close ito! Naghahalo ang pagkairita at pagkamangha ni Alex. She's irritated dahil nakikialam ito. She's amazed on the other hand dahil sa kakisigan ng lalaki at sa paglapit nito sa kanya kahit na hindi siya nito kakilala.
"Geeo's not an idiot!"
Agad siyang napatakip ng bibig nang ma-realized na nasabi niya ang pangalan ng bestfriend slash ex-boyfriend niya.
"Geeo," pag-uulit nito. "Ang panget naman ng pangalan."
Naningkit ang mata niya. Bakit ba nase-sense niya na ang kayabangan ng isang ito?
"Fate doesn't want you to be together. You are destined with someone else."
"Puwede bang...umalis ka na? And mind your own business."
"Nah, not when you are here, thinking of that Geeo, nagpapaka-senti habang siya ay nagsasaya."
"At pa'no mo naman nasabing nagsasaya siya?"
"Kung hindi siya nagsasaya, wala ka ngayon dito. E di sana, he chase after you and you're back together."
Natahimik siya. Wala itong alam sa kahit ano. Paanong nakakapagsalita ito ng nga ganoong bagay? She wanted to yell at him, to clean Geeo's name pero wala siyang lakas para gawin iyon. Nanatili siyang tahimik, thinking things. Thinking about Geeo.
Nagpunta siya sa lugar na iyon para mag-unwind. Alone. Bakit ba bigla-bigla na lang may lalapit sa kanya at manggugulo? Paano na siya magre-relax kung may isang estrangherong lalaki ang makikialam sa kanya?
"I just wanted to help, you know." Sumeryoso na ang tinig nito.
But she said no words. Nakatingin siya sa screen ng phone niya. She got a text message from Charlie, isa pa niyang girlfriend.
Charlie: His Facebook account has been activated a couple of minutes ago.
Dumagundong ang puso niya, parang nalimutang may isang lalaki sa tabi niya. Mula nang makabalik si Alex sa LA ay inii-stalk na niya si Geeo. Sa Instagram nga lang dahil dineactivate nito ang Facebook account nito for quite a while. Alam niya ang mga e-mail address at password ng mga ito pero natatakot siyang buksan. Una, wala na siyang karapatan. Pangalawa, hindi siya handang malamang pinalitan na nito ang mga iyon.
"Hey," untag ng katabi niya. "I'm still here, just so yow know."
Nilingon niya ito. Hindi niya rin naman alam ang gagawin niya.
"Activated na ulit ang Facebook account niya. Okay lang bang tingnan ko?"
Bakit ko siya tinatanong?
"Susundin mo ba ang isasagot ko?"
"Hindi ko alam."
They both fell silent. Madilim na talaga. Binuksan ng lalaki ang cellphone niya at in-on ang flashlight.
"Madilim na. Ihahatid na kita sa tent o cottage mo."
Hinawakan nito ang kamay niya at ginabayan siya hanggang malampasan nila ang batuhang daanang iyon.
He let go of her hand. Awkward.
—
#Iloveviewmore
www.facebook.com/nayinkofficial
YOU ARE READING
I Love View More
Romance[COMPLETED] Book 2 of I Love View © Nayin Yagdulas (nayinK) Will Geeo and Alex find their happy ending this time?