44 - Tears, Tease and Twins
Palagi akong sinusorpresa ng asawa ko sa pagdadalang-tao niya. Kahit gustuhin kong surpresahin din siya ay hindi malalampasan ng kahit ano iyong regalo niya sa 'kin. I feel like I'm floating in the air right now. Sobrang saya ko na hindi ako makapagsalita. Hinahayaan lang ako ni Alex na yapusin siya. Hindi na ako nawala sa tabi niya pagkatapos ng announcement niya.
Panay ang bati sa akin ng pamilya at kaibigan. Si Alex ang sumasagot sa kanila habang nakangiti ako. Ninanamnam ko ang sandali. Na-speechless talaga ako. Nag-uumapaw sa saya ang dibdib ko at masarap ang pakiramdam. Ayoko munang matapos ang araw na ito.
Hindi na namin hinintay na matapos ang party nang umalis kami. Hindi na rin ako nakapagpaalam sa mga kaibigan namin. Tinext ko na lang sila na mauuna na kami. Alam naman na nilang sobrang nasorpresa ako.
We drove all the way to Tagaytay. As much as I want to visit Mama's grave to tell her the good news, bukas na lang. My wife and my twins need to rest.
Pagkarating sa bahay ay hindi ko mapigilan ang sarili ko na alalahanin si Alex sa bawat pagkilos niya. Bawat hakbang niya ay tinitingnan ko. Ayoko siyang matalisod o madapa. Ayoko siyang matumba o masugatan. I want to take care of them. Always. Kung kailangan ay bawat segundo, gagawin ko. I don't want them out of my sight.
"Mahal, kalma ka nga," natatawa niyang sabi nang makapasok kami sa kwarto. "I'm so okay. We're so okay."
She placed a quick kiss on my lips.
"I'm.. I'm.." Hanggang ngayon ay nauutal ako!
"Mahal," aniya. Her voice is full of love. "Ayos lang talaga kami. Gusto ko lang isurprise ka. Noon kasi, hindi ako ready no'ng nasabi kong buntis ako. 'Di ba akala ko pa nga alam mo na kaya ka nag-propose sa 'kin. Kaya naisip kong, this time, isurprise ka talaga. Bukod sa best gifts sila kina Mommy G, best gifts ko rin sila sa 'yo."
Hinila niya ako at naupo kami sa kama. Umayos ako nang upo para mayakap ko siya mula sa likuran. Nakaupo siya sa pagitan ng hita ko. I intertwined my fingers with hers. I placed my chin on top of her shoulder.
"Tama ka nga," simula niyang muli. "May chance nga na magkaroon tayo ng kambal dahil hindi mo naman alam kung may kambal sa real family mo. Sobrang saya ko lang dahil hindi man natin nakasama si panganay, dalawa naman ngayon. Maybe our baby up there told God that we deserve more kids. Na sobra sobra ang pagmamahal nating dalawa sa magiging pamilya natin kaya biniyayaan Niya agad tayo ng dalawa."
Nanlalabo ang panginin ko. Humihigpit ang hawak ko kay Alex. Gusto kong hawakan sana ang dibdib ko dahil parang sasabog ang puso ko sa saya.
Tumawa ang mahal ko. "Naririnig ko ang heartbeat mo, Mahal."
"Yeah?"
"Oo! Ang lakas! Are you happy?"
Tumango lang ako.
"Sa mga susunod na buwan, heartbeat naman nila ang maririnig natin."
She slowly placed my hand on her tummy. Napapikit ako. And the tears I'm trying to stop came rushing down like rain. Happy tears.
Humihikbi na ako habang hinahaplos ang tiyan ng asawa ko. I never been this happy. Mas matindi pa ito sa pakiramdam ko noong um-oo si Alex sa proposal ko, sa araw na kinasal kami, sa araw na nalaman kong buntis siya noon. Akala ko ay iyong mga sandaling iyon na ang pinakamasaya. But this day came and all the happiest days before become just happy. And this... is happier.
Bagong buhay namin ito ng asawa ko. Dahil nalampasan namin ang isang matinding pagsubok, ginabayan Niya kami kasama ang aming anghel at binibigyan ng biyaya na hindi ko sigurado kung deserve namin. Everything is just so perfect right now. My heart will really explode.
YOU ARE READING
I Love View More
Romance[COMPLETED] Book 2 of I Love View © Nayin Yagdulas (nayinK) Will Geeo and Alex find their happy ending this time?