17 - Only Love
"May pasok bukas, Ms. Alex," ani Rush siguro ay gustong malaman kung bakit narito ako ngayon.
"Ano ka ba, wala tayo sa office. Don't be too formal!"
He chuckled.
"Overnight lang. Have to rest," I said, hoping he wouldn't ask for more. But Quen did.
"Sino'ng kasama mo?"
Can I tell them that I'm with Geeo? Sa huling usap namin ni Quen ay sinabi ko rito ang nangyari sa amin ni Geeo--iyong nagkahiwalay kami and I assumed we broke up. Ang hirap kasi ng gusto ni Geeo! Hindi ko tuloy alam kung paano lulusutan ito.
"Friend." That the safest answer I could think of. Agad kong ibinalik ang tanong sa kanila. "Kayo? Sino'ng kasama niyo? Uy, may mga date!"
Then I realized, hindi ko pa nga pala sila napapakilala sa isa't-isa.
"Oo nga pala, Quen, si Rush, officemate ko. Rush, he's Enrique, college close friend."
Mukha namang okay sila dahil nagbatian pa.
"I'm with my cousins," Quen said, smiling. Nakakamiss ang dimples nito!
"Nagyaya naman ang kapatid ko pagkauwi galing office." I looked at Rush no'ng siya naman ang sumagot.
"Kumain ka na ba?"
Napatingin ako sa kanilang dalawa ng salitan dahil sabay sila sa pagsasabi noon.
"You can join us." Quen said as Rush told the same. Ano bang meron sa dalawang ito? Hindi ko tuloy napigilang hindi mapatawa.
"I'm good. Thanks for the offer though."
"Langoy tayo!" Rush exclaimed with delight. Pero hindi rin nakaligtas sa akin ang sinabi ni Quen na "Let's swim."
Nginitian ko lang silang pareho matapos nilang magkatinginan. Mukha ngang may binubulung-bulong pa sila sa mga sarili nila na hindi ko na narinig.
"Maganda ang swimming pool sa banda ro'n. Mas maganda rin ang view."
"Thanks Rush but I need to wait for my friend here."
"Aww, three rejections in a day!" He commented. Oo nga pala, kanina ko pa siyang lunch hinihindian.
I saw Quen grin kaya agad kong hinampas ang braso nito. Buti na lang ay hindi iyon nakita ni Rush.
They both invited me kanina pero si Quen lang ang nabigyan ko ng confirmation. I think I should give Rush a chance. Baka isipin niya'y ayaw ko siyang makasama. I also missed talking to him the way we spent at Marine Base. Palagi na lang kasi akong inaasar ni Jay sa office kaya hindi kami nakakapagkuwentuhan doon at marami ring trabaho.
"Sige, Rush I'll come."
"But Alex.."
"Saglit lang kami, Quen. I'll be right back. Siguradong hinihintay na rin ako ng kaibigan ko kaya bawal akong magtagal. But I promise to have a little chitchat with you bago ako bumalik sa kanya."
"That would be nice. Thank you."
"O pa'no, pare, una na kami."
Tinanguan lang ni Quen si Rush. I waved at him.
Iniisip kong magtext kay Geeo at sabihing nakita ko ang dalawa. Kaso baka mabadtrip lang siya. Kanina'y ang mga ito rin ang pinaguusapan namin. Pero wala naman siyang dapat ipagselos. Kung papalitan ko lang din naman siya ay sana noon pang nagkalayo kami. I love him wholeheartedly.
Sige, hindi ko na lang sa kanya sasabihin. Hindi naman ako magtatagal.
"Rush, I can't stay long ha. May naghihintay, e."
YOU ARE READING
I Love View More
Romance[COMPLETED] Book 2 of I Love View © Nayin Yagdulas (nayinK) Will Geeo and Alex find their happy ending this time?