15 - Envious
Alex received an invitation from Enrique. He invited her to be his date on a formal gathering next month. Kahit na saglit lang silang nagkausap ng dating manliligaw niya ay marami na rin siyang nalaman dito. Naging mailap si Quen sa kanilang lahat pagka-graduate nila. She was surprised to see him at Alter Block that night. She missed her friend. Hindi mawawala sa isip niya ang memories nilang dalawa noong college. That moment when she fell on the floor while on her seat dahil sa pagsilip niya sa binabasa ni Charlie noong first day of class. Quen helped her. That incident was the start of their friendship hanggang sa maging partners sila sa Mr. And Ms. University. The rest was history.
S'yempre, dahil back on track na ulit sila ng kanyang bestfriend turned ex boyfriend turned ka-MU turned suitor, naisip niyang baka kailangan niya munang ipaalam kay Geeo ang imbitasyon ni Quen. Iyon pa nga lang pagbibigay ni Rush sa kanya ng bulaklak ay ikinaselos na nito. What more si Quen na alam nitong nagkaroon ng pagtingin sa kanya. They don't know if Quen still like her. Ang nalaman lang niya tungkol dito ay ang naging trabaho nito. Quen's underemployed. Naging businessman ito at ngayo'y nagmamay-ari nang malaking stocks sa isang kompanya. Kahit na graduate ito ng MA gaya niya ay mas pinili raw nitong sundin ang parents nito na nasa larangan ng negosyo. Ang mga ito rin ay major stockholders ng same company na kinabibilangan nito. Kaya siguro ito naging busy dahil roon. At least, after their mini reunion, Quen kept in touch with them.
"Please? I missed you! Please say yes. My parents would love to meet you, Alex."
Yes, Quen even called her.
"Check ko Quen ha? Will tell you later."
"Sa isang buwan pa naman."
"Sige na nga," she confirmed. "I missed tou, too! Sana ay hindi lang sa mini reunion ang huli nating pagkikita. Magparamdam ka na palagi sa barkada ha?"
"As you wish, my princess."
Napangiti si Alex. They used to be so close back then. Ang makulit, gwapo at mabait na si Enrique ang sa tingin niya'y magugustuhan niya kung hindi niya nakilala si Geeo.
Oh, speaking of her katukayo!
"I'll hang up na, Quen. May kailangang gawin."
"'Kay! Thank you! Thank you!"
She immediately call Geeo after. Buti na lang at lunch break.
"I am about to call you, too."
"Nauna ko."
"Can I fetch you after work? Date tayo."
Sandali pa lang sila nagkakausap pero kilig na kilig na siya. Tinakpan niya ang bibig niya ng panyo, nahihiyang makita ng staff niya ang itsura niya ngayon.
"Sure. Saan?"
"Night swimming. Pico De Loro."
"Wow! Pico De Loro! Sure sure! Pero may pasok bukas, Mr. Andrade."
"E 'di 'wag pumasok."
"So, B.I. Ka na ngayon?"
"No. I just wanted to spend more time with you. Masama ba 'yon?"
Natahimik siya. Nagpipigil ng irit.
"Hey?"
"Nandito pa 'ko."
"Kumain ka na?"
"'Di pa."
Iniikut-ikot niya ang swivel chair niya nang lumapit sa kanya si Rush.
"Lunch tayo," masaya nitong sabi.
Nag-sign lang siya ng wait dito bago ito naupo sa bakanteng upuan sa harap ng table niya.
YOU ARE READING
I Love View More
Romance[COMPLETED] Book 2 of I Love View © Nayin Yagdulas (nayinK) Will Geeo and Alex find their happy ending this time?