5 – Promise
He's knocking on Gia's door. Pangatlong balik niya na ito roon ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nito pinagbubuksan. Matapos ang ilang sinabi ng nakababatang kapatid niya kanina sa hapag-kainan ay marami siyang na-realized. Hindi rin mawala sa isip niya ang naging pag-uusap nila ng parents niya. He then made up his mind to make things right. Nagsimula na siya sa parents niya. Now, it's his turn to make her siblings talk to him like before. Gusto niyang maibalik muli ang closeness nilang tatlo lalo nan i Gia. But her little sister seemed really hurt.
"Gia, please let me in. I know you're still awake." There's loneliness in his voice. "Hindi ako aalis dito hanggang hindi mo ako kinakausap."
Naupo siya sa tapat ng pinto ng kwarto ng kapatid niya. Kailangan niyang simulant nang ipahayag ulit ang nararamdaman niya. Nasubukan niya na kanina kina Georgina at George. Sana magtuluy-tuloy na. Dahil kailangan niya ng kasagutan at kapayapaan ng isipan. Di niya na kakayanin kung matapos ng Mama Leny niya at ni Alex ay pati ang pamilya niya ay mawawala na rin sa kanya.
Naka-indian seat siya na upo habang nakatungo, nakapikit ang mga mata nang biglang mapamulat siya at mapatingala dahil may nagsalita.
"Bakit kailangan mong magbago for the worse e binago ka nga niya for the better?"
It's Gia. Dahil sa occupied ang isip niya ay hindi niya narinig ang pagbukas ng pito nito. O baka sadyang dahan-dahan nito iyong ginawa para hindi niya mapansin. Whatever the reason is, he's happy that she finally gave him a chance to talk to her. Sa sobrang pagkamiss kahit na magkasabay naman silang kumain ng hapunan ay niyakap niya agad ito.
"I'm sorry," he said while still hugging her.
"Let go of me, kuya." He did. "Ikaw talaga." She pinched his nose that made him smile.
Bata pa lang ang kapatid niya ay alam niyang lalaki itong matalino. At a young age ay may pagka-mature na rin itong mag-isip at magsalita tulad ng mga sinabi sa kanya nito kanina.
Ang dami niyang nakaligtaan na pangyayari sa pamilya nila pero sinisimulan niya nang alamin lahat ng hindi niya nasaksihan. Lalo na ang tungkol sa mga kapatid niya.
"Dalaga ka na pala sabi sa 'kin ni Mommy." Nakita niya kung paano nag-blush ang pisngi nito. "Pero baby girl pa rin kita."
Nakaupo na sila ngayong dalawa sa sahig, magkatabi.
"Kuya, you're the topic here. Not me." Isinandal ni Gia ang kanyang ulo sa balikat ni Geeo. "So, ikaw na ba ang kuya ko? Ang kuya kong masayahin, nagsasalita, nag-e-express ng feelings, napapatawa, thankful for every day at good-looking?"
"'Yong huli, hindi naman nawala," biro niya. "Hindi ko pa alam, 'By. Mahirap. Pero sinusubukan ko. Promise ko sa 'yo, I'll try my best to be the better version of myself again."
"I'm looking forward to that, kuya. Ahm, puwede akong magtanong about Ate Alex?"
"Kung kaya ko bang sagutin, sure."
Ikinawit nito ang braso nito sa kanya. Para rin itong nag-isip ng maraming tanong. Nang ready na siguro ay inisa-isa na ni Gia ang mga bagay na gusto nitong malaman mula sa kanya.
"Is she still your best friend?"
"Yeah."
"Nag-break na ba talaga kayo?"
"I don't know."
"Do you still love her?"
"I never stop loving her, Gia."
YOU ARE READING
I Love View More
Romance[COMPLETED] Book 2 of I Love View © Nayin Yagdulas (nayinK) Will Geeo and Alex find their happy ending this time?