30 - Sensual Moment

2.8K 85 4
                                    

30 – Sensual Moment


Nag-dinner kami sa Dencio pagkatapos naming pumunta sa Sky Ranch. Nagtagal kami ro'n dahil nagustuhan namin ang view. Hindi nadala ni Geeo ang kanyang DSLR kaya ang cellphone niya ang napuno ng mga pictures namin. Minsan ay kinukuhanan niya ako ng mga stolen (hindi na ito bago) pero madalas ay pinipilit ko siyang mag-selfie kami. Mas gusto kong marami kaming kuhang dalawa. Para ma-preserve ang memories naming magkasama.

Ilang beses ko siyang kinuhanan ng picture at nakakatuwa dahil natututo na siyang ngumiti. Dati, ayaw niya talagang siya ang kukuhanan. S'yempre, hindi ako pumayag dahil kailangan ko ng recent photo niya para maging wallpaper ng cellphone ko.

Sabay kaming nag-post ng picture ng isa't-isa sa aming Instagram account. Mula nang mag-concert ang Alexandra na wala silang mga mascara ay lalong dumami ang bilang ng mga fans nila. Sino nga ba namang hindi hahanga sa kanila bukod sa magaling kumanta ay gwapo at mababait pa. Dumoble yata o tumriple ang followers ni Geeo sa IG. Sinabing kong 'wag niya na lang akong i-tag para hindi malaman ng mga ito ang account ko. Wala ring kaming nilagay na caption. 'Yon na 'yon – picture ko sa post niya at picture niya sa post ko. Hindi na kailangan ng mahaba pang paliwanagan.

Buti na lang at naka-private ang account ni Geeo sa Facebook at Alexander ang gamit niyang pangalan sa pagpapakilala sa banda. Siguradong ang pina-follow ng mga ito ay ang page niya na Alexander Andrade. Sana lang ay 'wag masyadong mag-stalk ang mga fans nila. Sa kanilangapat ay sgurado akong si Geeo ang may pinakamaraming tagahanga dahil siya ang vocalist. I'm still her number 1 fan though.

We headed on his Mama Leny's place afterwards. Ganoon pa rin ang lugar. Huli kong punta rito ay noong muli naming pagkikita ni Geeo sa Alter Block – the time when Janine and Charlie convinced me to have closure with him. Hindi ko mapigilang hindi mamula dahil naalala ko ang ginawa namin noon dito. In this very same place.

"Are you okay?" tanong niya. Nanindig ang mga balahibo ko dahil sa bigla niyang pagyakap sa akin mula sa likuran. His lips touching the side of my neck.

"Yes. I'm good," sagot ko, "this is the best birthday I have so far."

Mula umaga hanggang ngayon ay hindi nawala ang ngiti ko. Sobrang appreciated ko ang effort ni Geeo para sa 'kin.

I smiled at him bago ako nag-tip toe upang mahalikan siya sa labi. Pinulupot niya sa akin ang mga kamay niya at binigyan ako ng makahulugang ngiti. Kunwari akong nagpumiglas pero tulad ng inaasahan ko ay hindi niya ako bibitawan.

He kissed me on my forehead, then on my left cheek, right cheek and chin. Nang lumapat ang kanyang labi sa tungki ng aking ilong ay napapikit na ako dahil sa sweetness na nararamdaman ko. Hindi nga lang yata ito sweetness. I felt hot. Siya lang ang nagpaparamdam sa akin ng ganito. Sa tingin ko ay mababaliw na naman ako.

Naglapat ang aming mga noo. Hindi ko pa rin binubuksan ang aking mga mata. I don't want this end. Hindi lang itong sensasyong dumadaloy sa aking katawan kundi ang kasiyahan ko dahil kasama ko siya.

I want to feel this feeling forever.

"I love you, Alexine," he whispered.

"I love you more, Geeo."

Sasabihin ko pa sana ang pasasalamat ko ngunit hindi ko na nagawa. He claimed my lips in an instant. Namalayan ko na lang na ginagantihan ko na rin ang halik niya. The gentle kiss had gotten deeper. It was full of love. Gumagawa na naman kami ng aming sariling mundo.

We gasped for air so we separated a little. Ilang segundo pa lang ngunit gusto ko na muli siyang mahagkan. I really concluded that I was addicted to his kisses. I wanted to kiss him every freaking time!

I Love View MoreWhere stories live. Discover now