34 - Sing, Dance and Shout

2.5K 74 2
                                    

34 - Sing, Dance and Shout




Just like any other wedding, hindi makukumpleto kung hindi magkakaroon ng kasiyahan. The reception was held at Orchard Resort and Country Club, a private place na pinagdadausan din ng mga pormal na selebrasyon tulad ng debut at kasal. Pakiramdam ko ay nahahawa na sa ngiti ko ang kung sinumang tumitingin sa akin. Ang saya kasi. Who would not be, right? Kasal na ako sa babaeng pinakamamahal ko at ina na ng magiging anak ko. I'm on cloud nine!

Maganda ang organization ng lahat ng nagaganap sa hapong ito. Magaling ang nakuha naming wedding planner ni Alex. Everything was perfect. Even the feeling I was feeling inside. Hindi ko nga binibitawan ang kamay niya. Kahit na pinag-isa na kami sa harap ng altar ay hindi-hindi ako magsasawang ipangalandakan sa mundo na akin lang siya.

"Ehem.." Napatingin ako sa umubo sa likuran namin ni Alex. It was Rush.

"Baka naman pwedeng maisayaw ang magandang bride?" This guy and his confidence!

Napatawa si Alex dahil tulad ng sinasabi niya sa 'kin ay pakiramdam niya, laging may kompetisyon sa aming dalawa ng best friend niya. Sa totoo lang, sinasabayan ko lang din ang mga kalokohan ni Rush.

Nagustuhan ko na rin itong maging kaibigan dahil pinatunayan naman nito sa 'king hindi nito aagawin sa akin si Alex. He did tell me a secret pa nga. He's in love with Alex's girlfriend. Hindi na raw nito sasabihin sa akin kung sino dahil baka ibuking ko lang siya pero obvious na obvious naman kung sino! Palagi niyang kinukumusta si Janine sa asawa ko.

Asawa ko. Ang sarap namang pakinggan.

"Heart, pwede ba?" She jokingly asked for my permission. Kunwari akong nag-isip.

"Pare, isasayaw ko lang!"

Nagtakip ng bibig si Alex dahil sa pagtawa.

"Pakibalik lang sa akin ng buo, please."

"'Yon!"

Napatawa na lang din ako nang umalis na sila. Totoo na talaga 'to-I am not her best friend anymore. Okay lang naman. Ako naman ang asawa niyang makakasama niya habambuhay.

--

Pinasadahan ko ng tingin ang lahat. Kainan na at katatapos lang ng kaunting programa kung saan nagbigay ng mensahe ang ilan naming mahal sa buhay at mga kaibigan. Of course, my wife did cry. Kahit ako. Nakakaantig ng damdamin ang mga mensahe nila. They were all saying that we're really taking a next serious step. Mas mahirap, mas kailangang maging responsable, mas mahabang pasensya, mas malaking tiwala, mas totoong pagmamahal at kung anu-ano pang mas na kailangan sa buhay mag-asawa.

We are ready. Nakakatakot, s'yempre pero hindi naman ito laban ng isa lang. Dalawa kaming magtutulungan para mabigyan namin ng magandang buhay ang magiging anak namin at pamilya namin. We're both grown-ups, parehong pinalaking mabuti ng aming mga magulang kaya nasisiguro rin naming magiging kagaya namin ang mga magiging anak namin-may takot sa Diyos, may respeto sa magulang, may mataas na pangarap at iba pa.

Of course, they also requested us a basketball or a football team. Binigyan ko ng makahulugang tingin ang asawa ko kaya nakatikim ako ng hampas. Natawa na lang ako dahil kunwari pa siya.

Hindi rin nakaligtas sa paningin ko si Ely at Janine na magkasayaw. Mukhang naguguluhan na rin yata ako sa kung ano'ng meron sa mga kaibigan namin. Katatapos lang ng tugtog ng banda kaya nag-e-enjoy na rin maging sina Colton at Mendrez. Kanina sa simbahan ay tumugtog din sila.

I wonder how they cope up with the change. May bago nakaming vocalist, si Bliezl. Sinabi ko kasi sa kanila na minsan na lang ako makakasama sa mga gig lalo na at mga gabi iyon kadalasan. Kailangang pagtuunan ko ng pansin si Alex. Nagtatrabaho pa ako kaya mahirap kung may isa pang makikihati sa oras ko. Hindi ko naman kalilimutan ang pagkanta. Minahal ko na rin ang talent kong iyon pero mananatiling first love ko ang pagkuha ng mga litrato at s'yempre, ang pamilya ko.

I Love View MoreWhere stories live. Discover now