14 - Euphoria

3.3K 95 8
                                    

14 - Euphoria

Napapansin ni Alex ang bright aura ng mga kaibigan niyang sina Charlie at Janine. Wala siyang sinabi sa mga ito tungkol sa mga nangyari noong isang gabi nang umalis sila ni Geeo sa Alter Block. Hindi rin naman nagtatanong ang mga ito. But they dropped by their house even they haven't scheduled a bonding for the day. Siguro ay chineck ng mga ito kung nakauwi na siya. Even her parents never asked her. Maybe her friends told them what did happen, she guessed. Nararamdaman niyang may hinuha na rin ang mga ito at naghihintay na lang sa kwento niya. As much as she wanted to share them her happiness, she can't. Nangako siya kay Geeo. It will be a secret until the both of them are ready and everything has been fixed.

Before they took their separate ways, they decided to keep their 'relationship' secret. Sabi ni Geeo, wala raw nagbago, walang natapos. Pero para sa kanya, meron. Hindi sila magkasundo sa bagay na iyon kaya minabuti na lang nilang sarilihin ang kani-kanilang point at intindihin na lang ang kasalukuyan. Geeo wanted to court her that made her speechless. It's been two days but the memory of that night is haunting her. No, not in a bad way. Pakiramdam niya nga'y isa iyong napakagandang panaginip kaya ayaw niya nang magising.

--

"Come again?" sabi niya, hindi makapaniwala sa narinig.

"Can I court you?" pag-uulit ni Geeo.

Hindi pa siya agad nakasagot dahil talagang naglo-loading sa isip niya ang mga salita.

"Gusto kitang ligawan."

"W-wait. Why? Bakit? Para saan?"

Napatawa si Geeo sa naging reaksyon niya. Kinuha nito ang kamay niya at saka hinalikan habang nakatingin sa kanya. Ramdan niyang pinamulahan siya ng mukha! Nag-iwas na lamang siya ng tingin.

"Hindi naman kita niligawan dati. Gusto ko lang makita ng mga kaibigan mo ngayon na seryoso akong hindi na kita hahayaang mawalay sa 'kin ulit."

Nakasandig ito sa trailblazer nito habang siya ay nakaharap rito habang hawak pa rin nito ang isa niyang kamay. Alas singko pa lang ng umaga. Pareho silang nagising kaya tumambay na lang sila labas ng bahay.

"Hindi naman na kailangan."

Kinikilig siya! Ngayon na lang ulit siya kinilig ng ganito! At si Geeo pa rin ang dahilan. His words are so powerful, it's making her heart weak.

Mahina siya nitong hinila upang magkalapit sila at saka nito siya pinatalikod. He's now hugging her from behind. Inayos pa nito ang nakalugay niyang buhok so his chin could rest on her left shoulder.

Ang bilis bilis ng tibok ng puso ni Alex. Lalo pa ng pagdaupin ni Geeo ang mga kamay nila.

"Wala na akong sasayanging sandali ngayon. Everything will be about you and me and me and you alone."

She couldn't find the right words to say. Pakiramdam niya ay nasa langit siya sa sobrang kasiyahan ng puso niya.

"But can we not tell anyone about this?" He asked. "I mean, hayaan na lang nating malaman nila through their own means. Tayo, normal lang. Sila nang humusga."

"So..?" Hindi siya sigurado sa pagkakaintindi niya sa sinabi nito.

"Slow."

Mabilis siya nitong hinalikan sa pisngi. Nang maalala niya ang mga sinabi nito ay nagmadali siyang lumayo rito.

"Bakit?"

"Hindi pa tayo! Bawal kiss!" She joked.

"Sino'ng nagsabi?"

"Sabi mo manliligaw ka."

"Oo nga. Pero hindi ko sinabing hindi tayo. Ang sabi ko 'di ba, lumipas lang ang panahon na magkalayo tayo pero nagpatuloy ang pagmamahal at hindi matatapos."

"Ang gulo mo!"

In a blink of an eye, he kissed her. And they owned the dawn.

--

"Ms. Alex, bakit ka may aso? Bakit ka masaya? Bakit parang hearts ang eyes mo?" Sunud-sunod na tanong ni Jay sa kanya.

Matamis at malapad na ngiti lang ang naisagot niya rito sabay hanap sa OJT trainee nilang si Saira.

"In love si Ms. Alex!"

"Uy, grabe!"

Tumatawa itong umalis at pumunta na sa table nito.

Bago siya pumasok sa office ay dumaan muna siya sa Mall. Bumili siya ng bagong earphones. Nasira last month ang earphones niya at hindi niya naalalang bumili until that night - that night that is so special - that he discovered that Geeo's a vocalist of the band. Pinasend niya rito ang mga covers nito na may kopya sa cellphone nito. Nalaman rin niya ang dahilan sa likod ng pangalan ng banda nitong Alexandra maging kung bakit nakamaskara ang mga ito sa tuwing magpe-perform. She's so excited to listen to all his covers.

Nang palabas na siya ng mall ay may nakita siyang magkakapatid na may mga alagang aso. The dogs were so cute! At isa lang ang pumasok sa isip niya sa mga oras na iyon. Kaya hinanap niya ang pet shop sa mall at naghanap ng cute na aso. Wala siyang alam sa mga breed kaya sa cuteness na lang siya nag-based. Tuwang-tuwa niyang binitbit ang maliit na cage na may nakalagay na Chow Chow.

Nang makabalik si Jay sa table nito ay tumungo siya sa table ni Rush. Luckily, he's nowhere to be found. Kaya nilapag niya sa tabi ng swivel chair nito ang cage ng tuta. Nakangiti siyang bumalik sa table niya dahil pakiramdam niya'y may nagawa siyang maganda sa isang kaibigan. Naalala niya ang note na inilagay niya sa kulungan.

Mayo maybe gone but I will try my best to make you happy :'>

P.S.

I am a 'she'.

Love,

*what do you wanna call me?*

--

Lunch break na nang mareplyan niya ang mga text ni Geeo. Napapangiti na lang siya dahil clingy boyfriend na ito. She found it cute though. Feel na feel niya tuloy na may love life na ulit siya.

Wala siyang kasabay kumain sa cafeteria dahil medyo late na siya nakalabas dahil nag-meeting pag ang mga head ng departments ng AdHarmony Logic.

Pagpasok niya sa office ay natanaw niya agad ang makukulay na bulaklak sa mesa niya. Kahit na excited at gusto nang tumakbo patungo roon ay normal lang siyang naglakad. Gusto niyang tanungin si Jay kung kanino iyon galing pero naisip niyang mas maganda kung surprise. Though she is assuming that the bouquet of roses was from her boyfriend but when she opened the card attached on the flower, she saw Rush message instead. Still, Masaya pa rin siya. Ang bilis lang ni Rush na mag-thank you.

She heard a shutter tone afterwards. Jay took a stolen picture of her while reading Rush's message on the card.

It says there...

Daddy told me to say thank you. He is so happy that you gave me to him! :'> He hopes that these flowers can make you smile, too.

Love,

Ara (Short for Carbonara)

:p :p :p

Sa tingin niya ay nakuhanan sa picture na iyon ang malapad niyang ngiti dahil natawa talaga siya sa pangalan ng aso. She then concluded that Rush loves to eat and he also loves the color white!

"Tag na lang kita, Ms. Alex," Jay said, smiling.

Wala pang limang minuto siyang nakakaupo nang mag-ring ang phone niya. It's Geeo.

"Hi!" Bati niya.

"Hi. Kanino galing ang flowers?"

She can't help but to smile with the thought that's in her mind.

"Sa ka-work ko."

"Ah, okay. I love you."

The call ended.

Feeling niya ay nagseselos ito! At pakiramdam din niya ay bumabalik sila sa teenage years nila. She bit her lip and giggled inside.

I Love View MoreWhere stories live. Discover now