Thank you @myheartshoutshisname for recommending the song! I love it!
9 - Still
Geeo tried to look for Janine and Charlie's Facebook accounts. Napag-isip-isip na niyang nararapat na nga siyang makipagtulugan sa mga ito kung gusto niyang makita at makausap pa si Alex. He needs to clear things out bago pa maging huli ang lahat. Nag-text at nangako na rin siya sa kapatid niya. Kahit na hindi ito maging maayos ay okay lang basta sinubukan niya.
Malalim ang bawat paghinga niya habang nagko-compose ng message kay Charlie. Ito ang una nitong ime-message dahil mas madali itong makausap kaysa kay Janine. May pagka-mataray kasi kung minsan ang pangalawa at baka kung ito ang una niyang kakausapin ay hindian siya nito agad-agad.
May iilang sentence na siyang naita-type gamit ang messenger app ng phone niya nang magulat siyang may message ito sa kanya. Madali niyang binura ang ilang letrang na-type niya saka binasa ang mensahe nito.
Charlie Grace Alba
Geeo, pwede ka ba naming makausap? Importante lang. Sana makapag-reply ka agad 'pag nabasa mo na 'to.
Online si Charlie. Kinakabahan siyang kapag hindi siya agad nag-reply ay baka isipin nitong dineadma niya ito lalo pa at na-seen na niya. Naisip niyang sign na ito na tama ngang makipag-usap na siya at gumawa ng paraan na makitang muli si Alex. Ang kaibigan na nito ang lumapit sa kanya. Huling pagkakataon niya na ito. Pinapalakas niya ang loob niya kahit na ang bilis-bilis ng pagdagundong ng puso niya.
Alexander Andrade
Oo naman. Okay lang.
Charlie Grace Alba
Pwede bang personal kang kausapin? Like..we meet?
Alexander Andrade
Sure. No problem. Kailan ba?
Charlie Grace Alba
Later. 7PM. Sa Alter Block.
Hinahanda niya pa ang sarili niya. Balak niya talagang makipag-usap sa mga kaibigan ni Alex. Pero ngayon na? Agad-agad? Kinakabahan siya. Dumoble ang mabilis na pagpintig ng puso niya kaysa kanina.
Hindi muna siya agad nakapag-reply.
His phone beeped. He got a message from Ely. May gig daw sila sa Alter Block ng 6PM to 7PM. Maging ang pagkakataon ay nakikisama sa kanya. Marami ng signs ang nakuha niya ngayon. Maybe this is really the perfect time para magkita silang dalawa ni Alex.
Alexander Andrade
Okay. See you.
Charlie Grace Alba
Yes! Thank you! Alex will be there, too. You two need to talk, Geeo. It's now or never.
Napapikit siya at napahiga sa couch niya. Makikita niya na ulit si Alex. Magkakausap na ulit sila. Nervous, he prepared his outfit for tonight's gig. Hindi siya mapakali. Pero hindi niya rin mapigilang hindi mapangiti.
-
"Pupunta siya!" irit ni Charlie nang um-oo si Geeo sa invitation niya. Napakagat siya ng labi dahil ayaw niyang makita ng mga ito ang ngiti niya. Ang saya saya niya! Hindi na siya makapaghintay na mag-7PM na.
YOU ARE READING
I Love View More
Romance[COMPLETED] Book 2 of I Love View © Nayin Yagdulas (nayinK) Will Geeo and Alex find their happy ending this time?