6 - Issue

2.8K 90 6
                                    

6 – Issue

"Ms. Alex, may bago pong hired na graphic artist," Jay, one of Alex's staffs told her. "Kausap lang po ni Boss."

Nakabalik na siya sa office mula sa isang araw niyang pag-a-unwind kasama ang mga tita at pinsan niya. She enjoyed it really. Nakakilala siya ng isang bagong kaibigan sa hindi inaasahang pagkakataon. She's happy. Hindi niya na nga lang alam kung paano sila muling magkikita ni Rush. After their little chitchat, she must say, friends na sila. Not that close but she is really comfortable with him.

Monday morning is the start of her busy week. Balik-trabaho na siya. She's currently working as head lay-out and graphic designer in one of the top advertising companies in the country, the AdHarmony Logic. She is really happy with her course. Masaya din siya dahil tulad niya ay may magandang trabaho ang mga matalik niyang kaibigan na sina Charlie at Janine na katulad niya ring graduate ng Multimedia Arts. The former's working at Zenith Media, a publishing company while the latter is a Web Designer and Content Developer at Weblink.

"I see. Pakisabi mo na lang sa kanya na pumunta na lang sa akin. Thanks, Jay!" sabi niya rito nang hindi ito tinitingnan. Nakatuon ang atensyon niya sa kanyang laptop. Tinatapos niya ang isa sa mga latest projects ng team niya.

"Okay, Ms. Alex." She glanced and gave her a sweet smile. Favorite niya itong si Jay sa lahat ng staff sa team niya. Mabait naman at mapagkakatiwalaan ang lahat pero there's always one who stands out. Sa team niya, si Jay iyon. Bukod kasi sa doble ang sipag nito sa iba ay maamo ang mukha na parang teenager kahit na 22 na. She's just a year older than her pero sobra siya nitong galangin.

Habang busy siya sa  pagle-lay-out ng isang advertisement na ilalagay sa billboard, bumalik muli si Jay kasama ang isang tingin niya ay college student.

"Siya nga po pala, Ms. Alex, may OJT trainee rin po pala tayo. She's Saira Fernandez from University of Cavite," pakilala nito sa kanya. She looked at the girl. Mukha naman itong mabait. Ginantihan niya ang malapad nitong ngiti.

"Thanks, Jay. Ako nang bahala sa kanya."

Bumalik na si Jay sa table nito. Itinuro naman niya kay Saira ang isang upuan sa harap ng table niya.

"Why do you study MA, Saira?" tanong niya rito. Sa tatlong niyan sa AdHarmony ay una niya laging tinanong sa mga nag-o-OJT kung bakit nila kinuha ang Multimedia Arts or any arts-related courses.

"Good morning po," the girl greeted. "I took MA po because I have the talent. I can edit photos, covers, and anything using different software especially Adobe Photoshop."

Mukhang magaling ito, naisip niya. "Pero gusto mo ba talaga ito?"

"Nagustuhan na po."

"What do you mean?" she asked curiously. Mukhang iba naman ang pinagdanan ng isang ito kumpara sa ilang naging trainee nila.

"Ang gusto ko po talaga ay maging Fashion Design but I can't draw. Pinili ko na lang po ang course na kaya ko at may talent ako. Later on naman po natutunan ko rin itong magustuhan ng totoo."

She nods with the thought.

"Welcome to AdHarmony Logic, Saira."

"Thank you, Ma'am."

Sinubukan niya ang talent nito. Binigay nia rito ang pinakamdali sa mga projects na ginagawa niya ngayon. Business ad iyon na may model na anak ng isang business tycoon. Hindi niya na pinanood si Saira sa paggawa nito dahil baka mailang. Tinapos niya na lang din ang ginagawa niya.

After almost thirty minutes ay pinakita na nito sa kanya ang gawa nito. She's impressed. May talent nga talaga ito. She scanned the whole lay-out. Hindi nakaligtas sa kanya ang pangalan ng photographer na hindi niya pwedeng makalimutan.

Photograph by Geeo Alexander Andrade

Pangalan lang iyon sa softcopy ng isang business ad pero ang laki na ng epekto sa kanya. Bumilis na ang tibok ng puso niya.

"Ma'am, may problema po ba?" tanong ni Saira.

"Wala, wala. Familiar lang ang name."

Hindi lang basta pamilyar ang pangalan na iyon. Her best friend's name's always in her heart.

"Good job," she said saka siya bumalik sa table niya. "You can start doing the next."

Suddenly, her minds' occupied.

Buti na lang at lumapit muli si Jay sa kanya. "Ms. Alex, nandiyan na po ang bagong member ng team. Inaayos niya na po ang table niya."

"Thank you, Jay, susunod na ako."

Binaba niya ang screen ng laptop niya saka siya nag-excuse kay Saira.

Nang makarating siya table na nasa kabilang dulo ng room, nakita niya ang isang lalaki na nakatalikod. Naka-long sleeves itong gray at black slacks. Clean cut ang buhok nito. Nakatalikod ito sa kanya dahil may inaayos ito sa cabinet sa gilid ng table nito.

Inalis niya muna si Geeo sa isip niya. Kailangan niyang i-welcome ang bagong myembro ng team niya. Kailangan ay hindi ito mahiya sa unang araw pa lang. Masayahin ang lahat ng staff niya sa Lay-out and Design team. Siya ang pasimuno ng kasiyahan doon. Ngayong nadagdagan sila, the more the merrier!

"Good morning," masaya niyang bungad dito. Ang lapad-lapad ng ngiti niya. Ngunit nawala iyon pagharap ng lalaki. Nanlaki ang mga mata niya sa nakita niya! Those blue eyes.  "Rush!"

"Alex!" He smiled. "Oh no..no, don't tell me.."

She felt proud nang maalala niya. Maaasar niya nang muli si Rush!

"Welcome to my team, Mr. Rush Aguinaldo." Inabot niya nag kanan niyang kamay kay Rush para makipag-shake hands. "I'm Alex Herrera, the head of the team." She grinned.

Nakakaloko ring gumanti ng ngiti si Rush. He's beaming from ear to ear. Tinanggap nito ang kamay niya. Pero walang shake hands na nangyari. Nang hawakan nito ang kamay niya ay hinila siya nito papalapit dito. He hugged her.

"I missed you."

Kinabahan na naman siya kaya agad siyang kumawala rito. Nailang siya sa mga staff niyang nakakita sa nangyari. She even saw Jay smile!

"We need to talk mamayang lunch break," she ordered.

"Sabay tayo magla-lunch?"

Parang gusto niya itong batukan dahil sa lakas ng boses nito. Pinandilatan niya ito ng mata na parang sinasabing tumahimik siya at 'wag na siyang mag-asar ng gano'n. Halos lahat ng staff niya ay nakangiti na.

"Mag-uusap lang tayo at may itatanong ako."

"Sinasagot na kita." He joked. Agad siyang nag-peace sign. "Yes, boss."

"Okay, back to work, guys!"

Bumalik na siya sa table niya. Kasunod niya si Jay na ngingiti-ngiti pa rin.

"Uy si Ms. Alex, may lovelife na ulit." biro nito sa kanya.

"Stop it, Jay." She bit her lip.

"Di na NBSB as in No Boyfriend Since Break Up."

"Jay! 'Wag kang gumawa ng issue!"

Dali-dali itong tumakbo papunta sa table nito at binuksan ang laptop. She busied himself. Panay ang pagpindot niya sa right click ng mouse niyang sky blue na panda. Kanina ay si Geeo ang gumugulo sa isip niya. Ngayon naman ay kinukulit siya ni Rush! Ano ba ang meron sa araw na ito?

Naguguluhan, kinuha niya ang phone niya at d-in-dial ang numbers ng girlfriends niya. Yes, kahit office hours pa!




www.facebook.com/nayinkofficial 

I Love View MoreWhere stories live. Discover now