39 - ​​Moved, Afresh, Anew

2.2K 48 9
                                    

​​Moved, Afresh, Anew



Hindi na ako tumanggap ng kliyente hanggang matapos ang buwan. Nang maging maayos na ang kalagayan ng asawa ko ay minabuti kong laging nasa tabi niya araw-araw. Kahit ang mga personal request ng mga kilalang kompanya na ako ang maging photographer nila ay pinalampas ko na. Hinabilin ko kay Jonas ang buong team. Kaya nilang kumilos nang wala ako. Matatapos nila ang mga gawain kahit wala ako ro'n. But Alexine... We have moved on, yes. Pero alam kong nadating pa rin ang oras sa kanya kung saan naaalala niya ang nangyari. All those what ifs and could have beens.

Pinakiusapan ko na rin siyang habaan pa ang pahinga sa trabaho. I went to her office at AdHarmony Logic to personally ask for her boss' consent.

We have to heal. And we both need each other.

Kaya naman sinusubukan kong pagaanin ang bawat araw na nadating.

Ipinaghahanda ko ang asawa ko ng breakfast tuwing umaga. Inaaliw ko siya kasabay ng panonood namin ng movies. Nanatili kami sa bahay hanggang sa magsawa kami. Kuntento kami sa isa't-isa. Parang ang tagal din naming nawalay nang dahil sa trabaho at ibang bagay. Ngayong araw-araw ay magkasama kami, parang napunan ang lahat ng kakulangan sa puso namin.

Kahit hindi ko ginustong madurog kasabay niya noong nawala ang anak namin ay iyon pa rin ang nangyari. Pinilit kong palakasin ang loob ko sa harap niya pero sa tuwing hindi na siya nakatingin ay parang hinang-hina ako.

But we have overcome that.

I love seeing her smile again. Her eyes are starting to twinkle like before. It makes me whole again. Pareho na kaming buo. Kahit papaano ay masaya akong dumaan ang problema at hinarap namin iyon nang magkasama. Buti na lang at nagpakita sa kanya-through her dreams-ang anak namin. If not, kung nagpatuloy siyang hindi man lamang kumikibo, hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Saan ba tayo pupunta, Mahal?" tanong niya pagkalabas ko ng banyo. Nagsusuklay siya ng kanyang buhok. I take a look of her wholeness. Ang ganda-ganda talaga ng asawa ko.

"Ayos lang ba 'tong suot ko? Sabi mo, casual lang kaya nag-simpleng dress lang ako."

She looks so innocent. Ang sarap niyang alagaan at mahalin.

"Mag-pony ba ako o ilugay ko na lang na ganito?"

Sinusundan ko ng tingin ang paghaplos niya sa kanyang buhok.

"Geeo..."

Para siyang anghel. Siya talaga ang angel ng buhay ko.

"Geeo Alexander!"

"H-ha?" Oh! Nawala ba ako sa sarili ko?

"You're spacing out." Nilapitan ko siya. "Did you just drool on me?" Tumawa siya.

Ngumuso ako. I also want to look cute para maramdaman niya rin ang paghuhuramentado ng dibdib ko.

"Hala ka! Nagandahan ka nga sa 'kin?" Ang sarap pakinggan ng mahina niyang pagtawa. Pinisil-pisil niya ang magkabila kong pisngi.

Drops of water were falling from my hair. Nababasa ang kamay niya dahil sa ginagawa niyang paghawak sa akin.

"Uh-huh.." I cupped her face as I went closer to her. "Ang ganda-ganda kasi ng asawa ko."

Niyapos ko siya.

"Geeo, basa ka!"

"Bakit kasi nauna kang maligo, Mahal?"

Sinimulan ko siyang bigyan ng mumunting halik sa pisngi.

"Ano, e.." Pinipigilan ko ang tawa ko. Naapektuhan na siya. Dapat ay hindilang ako ang kinikilig. Dapat mutual.

I Love View MoreWhere stories live. Discover now