37 - Shattered, Broken and Blue

2.6K 71 13
                                    


#ILoveViewMore

www.facebook.com/nayinkofficial


--


37 – Shattered, Broken and Blue


Kapag pagod ka na sa lahat ng nangyayari sa buhay mo, magsasawa ka na tapos iiyak ka. Kapag nasayang ang paghihirap mo, ang sakripisyo mo, ang lahat ng binitawan mo magawa lang ang isang bagay, masasaktan ka tapos iiyak ka. Kapag ang sobrang inaasahan mo ay biglang nawala, naglahong parang bula, parang gusto mo na lang din hindi na makita. Kasi masakit. Sobrang sakit. Lalo na kung hindi mo na iyon makukuha ulit.

Lalo na kung buhay.

'Pag nawala ito, hindi na maibabalik. 'Pag kinuha na ito kahit hindi pa man ito tuluyang nabubuo, wala nang pag-asa. Hindi mo na ito masisilayan. Hindi mo na ito makikita.

Wala na.

Wala na siya.

Wala na ang anak ko.

Ang sakit.

Naging triple ang sakit na naramdaman ko nang mawala ang Mama ko. Pangalawang beses nang may nang-iwan sa aking mahal sa buhay. Hindi ba dapat kahit papaano'y sanay ako o pamilyar ang pakiramdam na ito? Oo, pamilyar. Parang dinudurog ang puso ko. Pero bakit humigit pa? Akala ko, sobrang sakit na nang mawala si Mama. Tunay ngang walang papantay sa sakit na madarama ng isang magulang na nawalan ng anak.

Nauna pang bawian ng buhay ang aking anak kaysa sa akin. Masakit.

Hindi ko binibitawan si Alex dahil sa tingin ko, anumang oras ay matutumba siya dahil ramdam ko ang panghihina ng katawan niya. Alam kong kanina pa siya umiiyak. Naiintindihan ko na kung bakit ganoon na lamang ang itsura at pag-aalala sa mukha ng mga magulang ko. Kaya pala.

Pero bakit sobrang aga naman?

Mahigpit ang pagyakap ko sa asawa ko. Pinaparamdam ko sa kanyang nandito lang ako sa unos na sinapit namin. Sa unang problemang kinaharap ng bagong buo naming pamilya.

"Geeo, hindi...ko...sinasadya. H-hindi ako nagpagod. H-hindi ko alam..kung bakit.. Geeo."

Lalo akong naiiyak sa bawat pagbigkas niya ng mga salita. Pinipilit niyang magpaliwanag kahit na parang nauubusan na siya ng hininga. Pinipilit kong patahanin at pakalmahin siya. Kahit alam kong mahirap dahil ako mismo, hirap pigilan ang luhang kumakawala. Ano pa siya? Siya ang ina. Siya ang nagdadala sa anak namin. Kung sobra-sobra akong nasasaktan, ano pa ang nararamdaman ng asawa ko?

Diyos ko... Bakit po sa amin Niyo ibinigay ang pagsubok na ito?

"Geeo, sorry. Sorry.. Wala na si baby.. dahil sa akin.. Patawarin mo ako. Sorry."

Pinilit kong magpakatatag at pigilan ang pag-iyak ko. Hindi niya dapat ako makitang nagkakaganito. Kailangan kong palakasin ang loob niya. Kailangan niya ako. Kailangan kong maging malakas para sa kanya.

--

Patuloy pa rin ang pagluha ko habang tinitingnan ang pagod at malungkot na mukha ni Alex. Buti at nakatulog na siya. Hindi na kinaya ng katawan niya ang kanina niya pang pag-iyak. Alas once na ng gabi. Pinilit ko siyang kumain kanina pero kaunti lang ang nakain niya. Hindi na rin siya makusap ng maayos nila mama. Ako lang ang kinakausap niya. Gusto niyang nasa tabi niya ako lagi. I started to worry more. Baka sa mga susunod na araw ay ganito pa rin siya. Natatakot ako.

Pinunasan ko ang mga lumalandas na luha sa mukha ko. I never been this hurt. Ngayon lang.

I talked to Mom a while ago and asked the full details of what had happened. Alex decided not to give me all the things I have to know maliban sa mahina pala ang kapit ng baby sa sinapupunan niya. Sasabihin niya na raw sana sa akin kanina pero nauna nang bumitaw ang anak namin. Siguro'y nahihirapan ang asawa ko na sabihin sa akin ang nangyari dahil muli lang niya iyong maalala kaya sina Mom at Dad ang kinausap ko. They have spoken the OB-Gyne already. Ang mga dapat kong malaman mula rito ay alam na ng mga magulang ko kaya minabuti ko na lang na sa kanila alamin ang buong nangyari.

I remember my Mom's trembling voice while saying these things..

"Anak, magpakatatag ka. 'Wag kang magpakita kay Alex ng ganyan. Kailangan mong piliting palakasin ang loob mo dahil ikaw ang magiging sandalan ng asawa mo. Masakit ito dahil unang anak niyo sana. Pero kailangang ituloy ang buhay, anak. Sa nakita kong naging reaksyon ni Alex sa nangyari, pakiramdam ko ay manghihina siya sa lahat ng aspeto ngayon. He needs you, anak. Make her realize that everything is going to be alright.

"Kadalasan nagkakaroon ng miscarriages sa unang tatlong buwan ng pagbubuntis. Mag-e-8 weeks pa lang ang baby niyo. Nasabi sa akin ni Alex ang madalas na pananakit ng likod niya at nanghihina siya. Pinasamahan siya sa akin ni Balae sa OB noong nakaraan. Payag na rin siyang hindi na magtrabaho mula nang malaman namin na mahina ang kapit ng bata, anak. But the doctor explained to her that the miscarriage wasn't caused by something she had done, or hadn't done. That it was "just one of those things." Alam mo 'yon, anak? Baka kailangan na ang apo ko sa langit. Baka gusto siyang maalagaan ng Mama Leny mo dahil hindi ka niya nagawang alagaan no'ng bata ka pa.

"But she was comforted when the doctor considered the other statistic: that most of the time miscarriage is a one-time occurrence. Posibleng una at huli na ito, anak. Nagkataon lang na nabalitaan namin nina Alex ang tatlong miscarriages na nang asawa ng actor na si Robin Padilla kaya pakiramdam niya ay posibleng matulad siya rito. Iyon ang masakit, anak pero hindi sila napanghihinaan ng loob. Darating ang tamang panahon sa lahat."

Nag-e-echo pa rin sa aking tainga ang mga sinabi ni Mama at tama ito. I have to be strong for my wife.

--

Hindi ako pumasok kinabukasan. Nag-file ako ng leave. Isang linggo. Kailangan ako ni Alex. Baka hindi na siya kumain at lalong manghina.

Pagkagising niya kanina ay nakatulala lang siya. Nakayapos siya sa isang unan habang malayo ang tingin. Pinaghanda at dinalhan ko siya ng umagahan pero umiling lamang siya. Pinilit ko siyang kumain pero pagkatapos ng tatlong subo ay nahiga na siya ulit.

Maya-maya ay dumating sina Janine at Charlie. Sinubukan kong pakiusapan sila na pakainin si Alex. Baka sakaling mapilit siya ng mga malapit na kaibigan niya. Pero hindi niya pinansin ang mga ito. Sinulyapan niya lang ang mga ito sandal at natulala na lang ulit.

Kinakausap siya ng dalawa, pinapagaan ang loob, pinapasaya pero walang reaskyon ang mukha ng asawa ko. Nasasaktan ako. Pinapanood ko sila, kung paano binubuhay ni Janine ang atmosphere para matanggal ang lungkot pero bigo ito. Nakita ko kung paano pasimpleng pinunasan ni Charlie ang luha nito para hindi makita ni Alex. Tinitingnan sila ng asawa ko, pinapakinggan siguro pero mukha siyang walang pakialam.

At kapag nababanggit ang baby o bata, naluluha siya.

Lumabas ako ng kwarto nang hindi ko na makayanan.

Gusto kong magpakatatag. Gusto kong maging sandalan niya. Pero nasasaktan ako sa nakikita ko. Nasasaktan akong nagkakaganoon siya.

My happy Alex was broken. At kapag ang masayahing tao ang nalumbay, sobrang sakit na talaga ng pinagdadaanan nito.

I'm so afraid.

Naupo ako sa unang baitang ng hagdan at nanalangin. Only God will understand our sufferings. Only God can ease all these pain.

I cried silently dahil hindi ko na talaga mapigilan.




I Love View MoreWhere stories live. Discover now